Chapter 8

676 18 1
                                    

Compliment

"Stop playing with me." He didn't look away after saying that. His gaze settled on me like he was searching for something. Kung ano iyon, hindi ko na alam. Parang wala na akong kakayahan mag-isip pa ngayon.

Tinatagan ko ang sarili at hindi umiwas ng tingin. Habang tumatagal, napagtanto ko na hindi ko naman kailangan ng lakas ng loob para tumbasan ang titig niya. When I tried to avert my eyes, I couldn't. I failed. It's like my eyes are adhered to his.

"Hindi naman kita pinaglalaruan. Hindi ba halata na crush talaga kita?" I kept my tone playful and teasing so that he wouldn't notice how he's making me feel. I hope I successfully masked what I truly feel.

Pinagmasdan ko siya ng mabuti habang magkalapit pa kami. Ngayon lang naman ito. Baka hindi na 'to maulit. Magsusungit na naman siya at hindi ulit ako kakausapin.

Naglakbay ang mga mata ko mula sa mga mata niya, sa ilong, at hanggang sa labi. His lips are red and shiny. Tingin ko ay dahil kanina pa sila nag-iinom. Madalas ko rin siyang nakikita na pinaglalaruan ang labi gamit ang mga daliri.

Ang attractive niyang tingnan lalo na ngayon na abala siya sa paghawak ng ice bag sa ibabaw ng paa ko.

Kung babalik ako sa araw na unang beses ko siyang nakita, hindi ko maiisip na may ganitong side siya. Na he's capable of taking care of someone. Ang cold niya kasi at mukhang suplado. Mukha siyang walang pakialam sa ibang tao.

But, I guess I was wrong. He's actually a gentleman. He's cold but at the same time, caring.

"Quiet," suway niya.

Tipid akong tumawa. Hindi ko alam kung prof ko ba ang narinig ko. He acted like one!

Iniwas ko ang tingin sa labi niya bago pa niya ako makita. Nakakahiya naman kung mahuli niya akong nakatingin doon. Ano pang isipin niya! Although sinabi ko naman kanina na gusto ko siyang halikan.

Argh, Tali! Ang harot mo!

"Kanina nagtataka ka kung bakit ang tahimik ko." Ngumisi ako at yumuko. Nagpakawala ako ng malalim na hininga.

Ang sikip-sikip ng dibdib ko. May nagwawala ring kung ano sa loob ng tiyan ko. May ganito bang epekto ang alak? O may iba pang dahilan?

"Does it still hurt? Can you move it?" he diverted the topic. Hindi ko na 'yon pinuna.

Binalingan ko ng atensyon ang paa ko. I moved it and no longer felt any pain. Siguro ay nabigla lang talaga kanina noong bumagsak ako kaya inakala kong nabalian ako.

I examined it for the last time to check if it's really fine already.

"Okay na 'to. Wala namang kahit anong injury." Umangat ang ulo ko at nagtama ang mga mata namin.

"You sure?" his brows are creased.

I grinned and I noticed him cast a short peek at my dimple. "Yup, yup. Balik ka na sa labas. Maliligo na ko."

He nodded and gently put my foot down. Tinago ko ang pagsinghap ko noong makaramdam ng kuryente sa parteng hinawakan niya. Inusog ko palayo ang upuan ko.

"Thank you," humina ang boses ko.

Tanging pagtango lang ulit ang ginawa niya. I smirked before standing up.

"Can you walk?" he asked and stood up as well.

"Oo naman. Baby pa lang ako naglalakad na ko." I chuckled, earning a glare from him. "I'm not injured!"

Naglakad ako para ipakita sa kaniya. Sinundan niya ako ng tingin hanggang sa makabalik ako sa harap niya. Dinungaw niya ako habang ako naman ay nakatingala.

Dazzled by Flames  (Flames Series #3)Where stories live. Discover now