Chapter 7

666 20 3
                                    

Crush

The following three weeks were hell for us. Sobrang busy kaya hindi ako makalandi-landi! Tambay pa rin ako sa library pero hindi na si Vixen ang kasama ko. I was always with my groupmates, making group activities. Mostly ay mga case studies. 

Hindi lang iyon ang pinagkaabalahan ko. Sa ikalawang linggo ay abala ako sa pag-rereview for midterm exams. Takot na takot akong bumagsak kaya pinag-igihan ko ang pag-aaral. Hindi ko muna rin ginulo si Vixen dahil unang-una, wala na akong time para doon. Ikalawa, for sure ay busy din siya for midterm exams nila. Lahat naman ng estudyante sa university ay ganoon kaya ayaw siyang istorbohin. 

I always see him naman. Madalas sa library kapag kasama ko ang groupmates ko. Minsan naman ay nakakasalubong ko. Kahit na sa iisang unibersidad lang kami nag-aaral, we only had a few interactions. Madalas ay babatiin ko lang siya at kukumustahin. Iyong landi talaga na guguluhin ko siya by spending time with him, wala. Kaya naman ngayon na kakatapos lang ng huling exam namin, sobra akong na-eexcite na humarot ulit. But first, matutulog muna ako!

Excited ako lumandi pero mas excited ako matulog dahil sa tatlong linggong iyon, madalas ay apat na oras lang ang tulog ko. I sleep late and would wake up early. Hindi lang ako napupuyat sa pag-rereview kung 'di pati na rin sa paggawa ng requirements. Araw-araw ba naman! Sawang-sawa na ko sa nursing care plans, drug studies, at case studies!

"You don't really wanna have fun tonight?" asked Niah for the third time around.

Mula kaninang umaga ay niyayaya niya na ko for a night out mamaya. She wants us to celebrate for surviving the hell week, or hell weeks rather. Ang kaso naman ay wala akong energy and will para doon. Ngayong tapos na ang midterm exams, ramdam na ramdam ko na ang pagod kaya gusto ko na lang bumawi ng pahinga. 

Tipid akong ngumiti at umiling. "Gusto kong uminom and mag-enjoy pero mas gusto kong matulog."

Sumimangot siya. Akala ko ay hindi na niya ako ulit kukulitin tungkol doon dahil natahimik siya pero mali ako. 

"How 'bout tomorrow night?" ngumiti siya at tinaas-baba ang mga kilay. "Please?" she drawled.

"Need ba talaga nating uminom?"

"Yes! And promise you won't regret it!"

My brows formed an arch. Bakit naman hindi ako magsisisi?

Nagtagal bago ako sumagot. "Sige."

Siguro naman ay may energy na ko bukas para mag-enjoy.

"OMG! Tapos sa house na kayo matulog ni Brie!" excited niyang sabi.

"Sure, sure. I'll ask her later," tinatamad kong pahayag. 

Tumili siya at niyugyog pa ang braso ko. 

Habang palabas ng university ay panay kwento siya ng mga plano niya para bukas. She said she'll pick us up before noon and we'll have our lunch sa kanila. Then, we'll drink at the bar and go night swimming at their house. That's where we'll drink until we're wasted. 

Panay na lang ang pagtango ko kahit wala na kong naiintindihan habang tumatagal at dumadami ang sinasabi niya. 

Gusto ko na lang humilata sa kama at matulog.

"See you tomorrow!" I said to her when we finally got outside the school. I kissed her cheek.

"See you!" she waved her hand before getting inside their car's backseat.

Naglakad na ako pauwi ng dorm. Mas mabilis ngayon dahil higang-higa na talaga ako. Kanina pa ko tinatawag ng kama ko!

I took a quick shower as soon as I arrived at the dorm. Hindi ko na pinatuyo ang buhok ko pagkatapos at dumiretso na kaagad sa kama para matulog. Before sleeping, I sent Brielle a message na huwag akong gisingin. Para alam niya kapag nakabalik na siya ng dorm.

Dazzled by Flames  (Flames Series #3)Where stories live. Discover now