Chapter 9

617 17 1
                                    

Light

Everyone is capable of loving someone and being loved by someone. Lahat naman daw ganoon. Sa akin? Hindi ako sigurado. Siguro noong nabubuhay pa si lolo, natatanggap ko 'yong ganoong pagmamahal. Pero noong nawala siya? Palaging ako na lang ang nagmamahal. Sa pamilya ko, kay dad. Ako palagi at ni minsan hindi ko naramdaman na mahal niya ako.

Dapat sanay na ako sa ganito, pero hindi ko pa rin 'yon magawa. Dahil siguro hanggang ngayon nagbabaka sakali pa rin ako na isang araw, mapapagtanto niya na hindi niya naman ako dapat sisihin. Na kami na lang dalawa, wala na si mommy, kaya dapat kami ang magkakampi. Hindi 'yong kung tratuhin niya ako ay parang kaaway.

He treats me like I ruined his life. Na kapag nanatili pa ako sa tabi niya o hayaan niya akong manatili sa tabi niya, mas lalo lamang masisira ang buhay niya. It was also the reason why he got rid of me. And it's the reason why I'm staying away from him kahit na gustong-gusto ko siyang makasama.

I'm afraid na baka tama pala siya. Na sinira ko ang buhay niya.

"Are you done with your FDAR chart? What's your focus?" Niah asked.

Mula sa white board ay hinarap ko siya at saka tinanguan. "Nag-impaired skin integrity ako. Ikaw ba?"

"Acute pain. Puwede patingin?" she flashed a cute smile.

I frowned but nodded eventually. Iniwan ko muna siya para kunin 'yong output ko sa bag ko. Binalikan ko siya and showed her my FDAR chart. She scanned my paper before giving it back to me.

"Hindi mo ba natapos?" takang tanong ko habang pinapanood siyang nagsusulat. Nakatayo ako sa harap niya habang dinudungaw siya. Nasa tabi niya naman ang NANDA niya. Kumukuha siya ng nursing interventions doon.

Umiling siya. "I was out with Ellis." It was the guy she was making out with.

Napabuntong hininga ako.

Noon naman ay hindi siya pumapasok ng school na hindi tapos ang mga assignments namin. Ngayon ko lang yata siya nakitang nag-poprocrastinate. I know that this is not a good sign.

"Tapusin mo na. Do you need help?" I offered.

She lifted her gaze at me and shook her head. "I'm almost done. Thank you."

I lingered with her for another minute before returning to my seat. Nakisali ako sa kwentuhan nila Tracy habang hinihintay namin ang CI namin na dumating. Pinag-uusapan kasi nila 'yong organization nila. Kuryoso ako kaya nakinig ako. Wala kasi akong sinalihan na org ngayong academic year dahil baka mag-busy sa hospital duty. Baka hindi ko magawang i-manage ang oras ko.

Pagpasok ng CI namin, pina-submit niya kaagad 'yong mga FDAR charts namin at sinimulan ang lecture. As usual, may recitation na naman kaya todo iwas ako na matingnan sa mata 'yong CI namin. Mabuti na lang effective 'yon dahil natapos ang klase na hindi ako natatawag.

Hindi naman kasi graded 'yong recitation kaya bakit ako mag-paparticipate?

"Ngayon lang tayo magsasabay ulit mag-lunch," saad ko habang papasok kami ni Niah ng cafeteria. Medyo nabasa pa kami dahil malakas ang ulan. Simula kaninang madaling araw ay ganito. May bagyo pa yata ngayon.

"You were always busy with Kuya Vixen eh."

Awtomatikong umangat ang mga kilay ko sa narinig. Hinarap ko siya at nahuli itong nahalata na ang reaksyon ko. She gave me an awkward smile but I didn't stop myself from saying what I want.

"Ako talaga? Nagsasabay naman tayong kumain noon. Nahinto lang dahil si Ellis na palagi ang kasama mo mag-lunch," kunwari ay nagtatampo ako.

She pouted her lips. "Sorry, babe. Come on, libre ko na lunch mo." Malapad siyang ngumiti at kumurap-kurap pa.

Dazzled by Flames  (Flames Series #3)Where stories live. Discover now