Chapter 2

826 18 3
                                    

Baffled

That wasn't the last time I saw him. Simula noong makita ko siya ay palagi ko na lang siyang nakakasalubong sa school. I want to approach him pero nahihiya ako. Dati naman ay kayang-kaya kong kumausap ng lalaki, kahit crush ko. Pero sa kaniya ay nahihiya ako! Nakaka-frustrate!

"Are you going to change na?" tanong ni Niah noong tumayo ako pagkatapos kong ayusin ang mga gamit. 

"Yup, sabay ka?" she nodded at my question.

Lumabas kami ng classroom. Dinaanan namin ang locker room para sa damit namin bago nagtungo sa restroom. We changed into our PE uniform dahil PE ang next subject namin. Paglabas ko mula sa cubicle ay nadatnan ko si Niah na naglalagay ng powder sa mukha. Tumabi ako sa kaniya at naglagay ng tint sa cheeks ko para naman mukha akong fresh kahit na pagpapawisan mamaya. 

Mahirap na at baka makasalubong ko bigla si Vix. I don't want to look haggard in front of him, 'no! Kahit hindi niya ko kilala, ayoko pa rin magmukhang pangit sa harap niya. 

After I'm done with my cheeks, nilagyan ko na rin ng tint ang lips ko bago nag-ponytail. 

"Done?" tanong ko kay Niah.

"Yes, daan muna tayo sa cafeteria. I'll buy bottled water."

"Sure..." I drawled habang inaayos ang straps ng bag ko sa balikat ko.

Naglakad kami palabas ng restroom at patungo sa cafeteria. Tinulungan ko siya na bumili ng bottled water. Ako naman ay hindi na bumili dahil may dala naman akong water bottle. 

"Ganda natin ngayon ah!" 

Napalingon ako doon sa nagsalita at nahanap si Kuya JC. He's one-year ahead sa akin sa parehong kurso. Nakilala ko siya noong naging volunteer kami sa isang medical mission. Naging close kami dahil doon.

"Ngayon lang? Palagi kaya," I playfully said. Tumawa siya at nilingon si Niah. Tinanguan niya ito kahit hindi kakilala. 

"Sa'n niyan kayo?" he asked. 

"Sa gym, PE eh," sumimangot ako.

"Good luck," aniya at tinapik ang balikat ko bago kami iwanan ni Niah dahil tinatawag na siya ng mga kaibigan niya. I waved my hand at his friend na nakasama rin namin noon sa medical mission. 

"Let's go!" ngiting-ngiting anyaya ko kay Niah bago pa kami ma-late sa PE.

Sampuning minuto mula noong dumating kami sa gym ay nagsimula na ang PE namin. Dancing ang PE namin ngayon kaya ganoon ang ginawa namin sa loob ng dalawang oras. Our class was divided into four groups and we were tasked to make a dance choreography. Hindi ako dancer at sa bar lang sumasayaw kaya wala akong naiambag sa pagbuo ng choreography. Sumayaw naman ako noong performance na kaya may na-contribute naman ako kahit papaano. 

Pagkatapos ng PE class ay pagod na pagod kami at pawisan. Panay din ang inom ko ng tubig dahil sa uhaw. Nakakapagod sumayaw! 

"Uuwi ka na ba agad?" tanong ko kay Niah. We're sitting sa bleachers at nagpapahinga. Kakaalis lang ng PE Instructor namin. 

"Yes, nag-text na ko sa driver." Nagpakawala siya ng buntong hininga. "I want to go home na. I feel so sticky..."

Napatango na lang ako dahil pati ako ay ligong-ligo na. Pawis na pawis ako kaya ang lagkit sa pakiramdam. Hindi na kasi ako nagdadala ng pamalit na damit kapag may PE dahil malapit lang naman ang dorm ko. 

"Are you free this Friday night?" she asked after a long silence. 

"Oo, why?" I turned to her. 

"Birthday ni kuya. He's celebrating it sa bar ng friend niya sa BGC. Do you wanna come? Para may kasama ako."

Dazzled by Flames  (Flames Series #3)Where stories live. Discover now