Chapter 4

686 16 2
                                    

Caffeine and Dopamine

"You can go home now," anunsyo ng CI namin pagkatapos naming matapos lahat sa quiz.

We just finished our hospital duty with a quiz. Nakakapagod dahil ang toxic ng duty kanina. Ang daming patients sa Maternal ward! I don't know bakit biglang na lang dumami ang mga nag-lalabor. Mabuti na lang at tapos na ang shift namin. Makakapagpahinga na ako!

Or maybe not? We have quizzes tomorrow! Sa pharmacology at CHN. Ang dami pa ng scope ng quiz bukas sa parehong subjects. I don't know if I will get to finish reviewing them knowing how exhausted I am right now. Baka makatulugan ko ang pag-aaral mamaya! H'wag naman sana...

"Let's go," yaya ni Niah sa akin. Sumunod ako sa kaniya.

Tahimik kaming magkakagrupo habang naglalakad palabas ng hospital. Exhaustion is evident to all of us, maski sa akin na hindi raw nauubusan ng energy. Well, ngayon alam na nila na hindi totoo iyon. Hindi na ako makaimik sa pagod. 

We went inside our bus service. Pag-upo ko ay kaagad kong pinikit ang mga mata ko. I want to take a nap kahit sa fifteen-minute drive papunta ng university. Sayang din 'yon. 

"Hey, we're here," Niah woke me up.

Tumuwid ako ng upo at isinukbit ang straps ng backpack ko sa mga balikat ko. Naunang tumayo si Niah bago ako sumunod sa kaniya pababa ng bus.

"Bye, guys! Take care!" I said to my groupmates while waving my hand.

"Bye!"

Nilapitan ko si Niah. "Take care," paalam ko sa kaniya at bumeso.

"See you tomorrow," she said before getting inside their car.

"Hi, manong!" bati ko sa driver niya noong binaba nito ang bintana. Tinanguan niya ako ako at kinawayan. 

Naglakad na ako pauwi ng dorm. Binilisan ko dahil gusto ko nang maligo para makatulog man lang ako bago magreview.

"Hi," bati ko kay Brielle noong matagpuan siya sa dorm. Nakahiga siya sa kama niya at tutok sa cellphone. Mabuti naman at hindi siya gumagawa ng plate ngayon. 

"Hi!" ngiting-ngiting bati niya.

"What's up?" tanong ko dahil mukhang masaya siya. Did something happen?

"Wala lang. Nakatulog lang."

Mahina akong natawa. I nodded at her before putting my bag down beside my bed. Kinuha ko ang tuwalya ko at pumasok sa banyo para makaligo na. After that, nag-early dinner kami ni Brielle para makatulog ako bago mag-review.

I woke up at eight in the evening. Pagbangon ko ay umupo na kaagad ako sa harap ng study table ko. I opened my notes and began reading. Napuno ko na ng highlights ang notes ko pero parang wala pa rin akong natututunan. My brain is not functioning. Ang gusto ko lang gawin ngayon ay ipagpatuloy ang pagtulog. But, I can't do that. Ayokong bumagsak.

I forced myself to read. Inulit-ulit ko and even tried memorizing the name of the drugs. Ang hirap naman kasi! Kailangan alam ko lahat dahil hindi ako sigurado kung ano ang lilitaw sa quiz! Feel ko importante lahat!

"Hindi ka pa matutulog?" tanong ni Brielle sa'kin. 

I faced her before shaking my head. "Can't pa. Marami pa kong 'di na-rereview."

"Okay, good night," she switched off the light. 

"Good night," I told her before I shifted my attention back to my reviewer. I turned on my lamp shade. 

Nagpatuloy ako sa pag-aaral kahit na bumabagsak na ang mga eyelids ko. Pinilit ko but then I suddenly found myself waking up in the morning with a stiff neck. I had my head against my study table kaya nagkaganito. 

Dazzled by Flames  (Flames Series #3)Where stories live. Discover now