Chapter 26

998 18 2
                                    

Blazing

"Davidson, Vixen Cyprus, Summa Cum Laude."

My heart began to beat rapidly when I heard his name. Parang gusto na nitong kumawala mula sa dibdib ko. Ramdam ko rin ang pag-iinit ng mga sulok ng mga mata ko.

Hindi naman ako ang tinawag pero nakakaramdam ako ng labis na tuwa. I felt like I won, too, just because Vixen achieved something.

Unti-unti akong napangiti noong makita na si Vixen sa stage. Itinutok ko ang hawak kong cellphone sa gawi niya. With his parents, they went to the center. Nagpalakpakan ang lahat, may mga tumitili pa. Mahina na lang akong natawa. 

Tumingin siya sa gawi ko at mula sa seryosong mukha, sumilay ang ngiti sa labi niya.

He looks so handsome in his graduation gown. Wala naman siyang kakaibang suot, katulad lang din ng lahat pero sa akin, siya ang nangibabaw sa lahat.

Itinutok sa kaniya ang spotlight kaya mas malinaw ko na siyang nakikita. I can finally see him dazzling again like the way he was when I first saw him. 

Sinabitan siya ni Tita Loren ng medalya at kinuhanan sila ng letrato. Tumingin ulit siya sa gawi ko. Nakuhanan ko iyon sa camera.

"He's so crazy about you," komento ni Shardee na katabi ko.

"Swerte ko ba?" biro ko. 

"You're both lucky to have each other."

Mula sa entablado ay nalipat kay Shardee ang tingin ko. I grinned at her before ending the video.

Bumalik na si Tito Nico at Tita Loren sa tabi namin. Nagpatuloy naman ang ceremony. Vixen delivered his valedictory address, too. Hindi ko na napigilan ang pag-iyak noong marinig na isinali niya ako roon, kasama ng pamilya niya. I didn't expect that from him!

Ang seryosong boyfriend ko, idineklara na mahal niya ako sa harap ng maraming tao. Sobrang hindi siya!

"Congratulations, love," I greeted him when the ceremony finally ended.

Sa amin siya unang lumapit pagkatapos inanunsiyo ang pagtatapos ng seremonyas. Kanina ko pa rin napapansin ang palagiang paglingon niya sa gawi namin, atat na atat lumapit pero hindi puwede. 

Humakbang siya palapit sa akin at walang pakundangan na niyakap ako. Natawa ako habang si Tita Loren ay nakasimangot kay Vixen.

"Thank you. I wouldn't achieve anything without you," he whispered to me.

Tinapik ko ang likod niya. "You will, you're smart, eh."

Bumitiw ako sa yakap para bigyan naman ng tsansa ang magulang niya na yakapin siya. Tita Loren hugged him and then Shardee. Si Tito Nico naman ay nakangiting nanonood lang.

"Sunod ikaw naman," si Tita Loren sa akin.

"Isang taon pa po," tugon ko.

"I'm excited to see you on stage." She grinned. 

Nilapitan si Vixen ng mga kaklase niya at nagpakuha sila ng letrato. May mga lumapit pa kay Vixen na batchmates niya, nagpapa-picture rin. 

Mahina akong natawa noong lingunin ako ni Vixen. Nakasimangot siya at magkasalubong ang mga kilay. Inilingan ko siya, tumatanggi na tulungan siyang makaalis doon.

Hinintay namin silang matapos bago kami sabay-sabay na nagtungo sa parking lot.

"We'll see you both sa hotel," wika ni Tita Loren bago siya sumilid papasok ng sasakyan. Sumunod sa kaniya si Shardee at Tito Nico.

Sinarado ng driver ang pinto. Vixen opened his car door for me. Noong makapasok ay sinarado niya ulit ang pinto at umikot patungo sa kabila.

Hinatak ko ang seatbelt at ni-lock sa gilid ko bago siya lingunin. 

Dazzled by Flames  (Flames Series #3)Where stories live. Discover now