Chapter 14

849 19 11
                                    

Euphoric

It wasn't the first time I told a guy I like him. Kung bibilangin, it's the fifth time around. Two of those guys I confessed to before were my ex-boyfriends. Kapag gusto ko ang tao, I simply tell him. Wala namang kaso sa'kin 'yon noon. 

I've always been brave when it comes to guys that is why I'm starting to wonder if I truly liked them. Kasi kahit na kinabahan noon, hindi naman umabot sa ganitong punto na gusto ko na lang maglaho na parang bula.

Kung halos magkulay kamatis na ako kanina dahil sa hiya, ngayon naman ay sigurado akong malapit na sa kulay ng dugo ang mukha ko dahil sa abot-langit na hiyang nararamdaman ko.

Why do I have to tell him that I like him after claiming that I've gotten over him? Bakit pa nagbago ang isip ko? Did he pressure me? Medyo, pero desisyon ko pa rin na aminin ang totoo! Kaya bakit? Was I too enchanted by him and his words that caused me to give in? 

Pero hindi na iyon ang importante ngayon. I can't take back what I said, but I can act as though telling him I like him wasn't a big deal to me. That's where I'm good at—pretending. At sana magawa ko ring magkunwari na hindi ako naiilang sa uri ng tingin na ibinibigay niya sa akin ngayon.

He stares at me so deeply and intently that I feel like I'll melt in a minute or even just a second. 

Shit, paano pa ako makakaarte na hindi apektado kung ganito siya makatingin?

"So, why were you avoiding me?" he finally broke the silence. Pero mas gusto ko pa pala na nakatitig lang siya at hindi nagsasalita.

Sana hindi na lang siya umimik kung 'yon lang naman ang lalabas sa bibig niya! Pinapahiya niya lang ako lalo sa sarili ko!

"Hindi nga kita iniiwasan." Bumaba ang tingin ko sa librong binabasa ko. Hinawakan ko ang cover nito sa pagitan ng mga daliri ko. 

"I know you're lying," aniya at kahit na hindi ko siya tingnan, alam kong nanunusok ang tingin niya. 

Matalim ko siyang tiningnan. Pinilig niya ang kaniyang ulo habang mariin pa ring nakatingin sa akin.

"Stop lying and just tell me why," he went on.

"Bakit gusto mo pang malaman?" tanong ko. 

"So, I won't do it again."

Nalaglag ang panga ko at tingin ko ay aatakihin na ako sa puso dahil sa sinabi niya. 

It caused a shock to me. Great, first time yata na may pangalang Vixen Cyprus Davidson na cause of death.

"Catalina."

I flinched and blinked twice. Umangat ang mga kilay niya. 

Okay, okay. 

"I got jealous." Tanginang bunganga naman ang mayroon ako! 

I braved myself and gave him a dagger look.

"May George ka bigla! Tapos may sarili pa kayong AnaPhy class!" 

"What?" A deep chuckle escaped his mouth. Napuno na naman ng pagkamangha ang mga mata niya. Hindi ko alam kung natatawa ba siya sa akin o ano.

Bumalik na naman ang inis ko. It took over the shame I was just feeling. Bigla 'yong naglaho na sana kanina pa nangyari. 

"Ano'ng what? I saw George squeezing your biceps! You're letting her tapos ako—" I shut my mouth to stop myself from talking and humiliating myself more.

"Tapos ikaw? What?" Mahina ulit siyang tumawa. Mukhang nag-eenjoy sa mga naririnig mula sa akin. 

"Wala! Ano bang mayroon sa inyo ni George? Fling mo rin ba siya?" I crossed my arms across my chest. Nag-angat din ako ng isang kilay.

Dazzled by Flames  (Flames Series #3)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora