Kabanata 2

665 24 0
                                    

______________________________________

Yael Thiago Esquivel
______________________________________


SILAS Orzon Zamora, ang bida sa nobelang The Greatest Magic User. Isa siya sa mga paborito kong tauhan ng libro dahil mabait ito, magalang, matapang at responsable.

Nung pinanganak siya ay inabandona siya ng kaniyang mga magulang dahil sa kakaibang hitsura nito.

Siya ay may puting buhok at asul na mga mata. Napagkamalan siyang anak ng demonyo dahil siya lamang ang may naiibang histura sa kanilang lugar. Ang mga magulang naman niya ay may itim na buhok at mata kung kaya't nang maipanganak ito ay natakot ang mga ito.

Dahil sa takot na baka maghatid ito ng kamalasan sa kanilang lugar ay iniwan nila ang batang paslit sa malayong lugar at inabandona.

Isang manlalakbay na matanda ang nakakita dito at inuwi ito sa tribo nilang maliit lamang. Duon lumaki si Silas kasama ang mga mabubuting taong nagpalaki sa kaniya.

Ngunit ng may sumugod sa kanilang tribo at nasunog ang mga kabahayan at namatay ang mga mamamayan na tanging si Silas lamang ang nakaligtas ay nangako siyang hahanapin niya ang mga taong gumawa nito at siya mismo ang kukuha ng kanilang buhay bilang kabayaran.

Mula nuon umalis si Silas sa lugar kung saan siya nagkamulat at naglakbay na may pangakong papaslangin niya ang mga taong sumira sa kanilang tribo.

"S-señior yael? Mayron ka pa bang iuutos?"- tanong ni hernan ng dalhan niya ako ng papel at panulat.

"Wala na. Maari ka ng makaalis."- tugon ko at sinenyasan siya habang nakatutok ang paningin ko sa tinta at papel sa lamesa.

"Kung ganon. Aalis na ho ako. Tawagin niyo lamang ako kung mayron pa kayong gustong iutos."- dagdag niya at umalis na may naguguluhang mukha.

Nagtataka siguro siya kung anong gagawin ko at hindi nagtungo sa sentral para manugal.

"Ngayon, mag umpisa na tayo."- ngisi ko at nilihis ang manggas ko hanggang siko.

Kinuha ko ang panulat at nagsulat sa papel.

Isang araw pa lamang ang lumipas ng mapunta ako sa loob ng nobela.

Nang tanungin ko si hernan kanina kung anong petsa na ay tsaka ko nalaman na hindi pa nagkakaharap ang landas namin ni Silas.

Mabuti kung ganun dahil wala akong balak na magpakita sa kaniya, hehehe.

Nagsimula kong isulat ang mga pangyayaring naganap sa nobela. Ang problema nga lang ay kalahati lang ng season 2 ang nabasa ko kaya hindi ko kilala ang pinaka kontrabida sa nobela. Pero hindi ko na yun problema pa dahil sa panahong yun ay nasa ibang lugar na ako at tinatamasa ang kayamanang mayron ako, hahahahaha!

Sa season 1 ay nagkakilala si Yael at Silas dito sa bayan ng Esquivel.

Sa puntong yun ay nakapasok na si silas sa bayan na ito. Habang si yael naman ay naglalakad patungong sugalan. Ang kaniyang mayordomo na si hernan ay sumusunod sa kaniya. Ngunit dahil hindi maganda ang loob ni yael ay binugbog niya si hernan sa gitna ng daan kung saan ang mga tao ng Esquivel ang nakakita. Sa oras na yun ay dadaan si silas at hindi niya makayang panoorin ang masamang pag uugali ng ginoo kaya pinigilan niya ito at nabugbog.

How To Be The Villain (Complete)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora