Kabanata 15

318 15 1
                                    

______________________________________

Yael Thiago Esquivel
______________________________________


"MAGANDANG araw Don Dominic Esquivel. Kami ay galing sa palasyo at nakatanggap kami ng isang sulat na naglalaman ng impormasyon."- paliwanag ng lalakeng nakahawak ng papel at may suot na pang maharlika.

Nanatili kaming nakayuko lahat sa harapan nito bilang paggalang.

"Ayon sa ating batas, lahat ng mamamayan dito sa Hermedillia na may pinagpalang mahika at kapangyarihan ay kinakailangang magtungo sa Hermedillia School of Sorcery kung saan duon mahahasa at mabigyang kahalagahan ang kapangyarihan ng bawat mag-aaral na magbibigay sa ating palasyo ng proteksyon at sa ikauunlad pa ng ating bansa."- panimula nito habang maayos na nakatindig sa aming harapan.

Hindi ko pa nga nalalaman kung anong nangyari sa insidenteng naganap sa aming bayan tapos ngayon bigla-bigla na lang susulpot ang mga ito.

Akala ko matagal pa bago sila kikilos kapag natanggap na nila ang sulat ko ngunit nakapagtataka na kay bilis ang kanilang naging aksyon

Kung sabagay, maigi na yun dahil mawawala na din si silas dito at magiging payapa na ang buhay ko at makakakita ng pera hehehehe.

Hindi lang yun, nagawa ko pa ding ikonekta ang totoong daloy ng istorya kahit na sa una ay nag-iba.

Napangisi ako at sinilip si silas na nasa likuran ko katabi si bata.

"Ayon sa sulat na aming natanggap, dito sa bayang esquivel ay may magaling na salamangkero. At sa aming paglalakbay ay narinig namin ang balitang kayo'y sinakop ng mga nilalang at nagsanhi ito ng pagkawasak sa sentral niyo."- dagdag niya.

"Siyang tunay. Bagama't nawasak ang ilang kabahayan ay nagpapasalamat kami na ligtas ang mga mamamayan."- nakangiting tugon ni ama.

Napalunok ako. Bakit pakiramdam ko may mali?

"Mabuti kung ganun. Napag-isipan naming bago magtungo dito ay kinausap namin ang ilang mamamayan dito sa inyong bayan."- patuloy niya at binaba ang hawak na papel.

"Ang inyong anak na si Yael Thiago Esquivel, ang inyong tauhan na si Silas Orzon Zamora at isang bata..."- baling niya kay bata.

Samantala napa tsk lang ang agila sa inis.

"...Ang pumaslang sa mga nilalang gamit ang kanilang mga taglay na kapangyarihan na ayon sa pahayag ng mga mamamayan niyo."- patuloy niya.

Fck!

Muli akong napalunok at mahigpit na na kinuyom ang kamao.

Hindi dapat ganito ang mangyari!

"Kayong tatlo ay iniimbitahan  sa Hermedillia School of Sorcery upang sanayin at asahin ang inyong mga kapangyarihan ng isang taon! Sagot ng palasyo ang lahat ng inyong kailangan hanggang sa kayo'y maging ganap na makapangyarihang salamangkero ng ating bansa! Ang sinumang tututol sa utos ng ating mahal na hari ay mananagot ng kamatayan!"- nang natapos basahin ang papel ay binaba na niya ito at inayos.

Sh*t! Sabi na nga ba! Ba't ba kase tumulong pa ako? Kung sana ay hindi na ako nakialam nuon ay hindi nila malalaman na may mahika ako! Ba't nasama ako? Waaahhhhhh!!!!

How To Be The Villain (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon