Kabanata 40

243 7 0
                                    

______________________________________

Maki Carson
______________________________________


"VAUGHN!"- sigaw ko ng sa isang iglap ay tumilapon siya sa hardin gamit ang kapangyarihan ng babaeng mabilis.

"Tsk."- inis kong bulong at akmang pupuntahan siya ng biglang may pumulupot sa katawan ko na itim na galamay.

"San ka pupunta?"- malawak ang ngiting tanong ni odell at hinampas ako sa pader ng kastilyo.

Napaubo ako ng tumama ang likuran ko sa matigas na bagay.

"Ngh!"- naglabas ako ng hanging matalim at hiniwa ang galamay na nakapulupot sakin dahilan para magpagulong-gulong ako sa damuhan.

"Haa...haa..."

Kailangan kong tapusin to ng mabilis para matulungan ko ang iba. Kailangan kong mag-isip ng mas madaling solusyon para tapusin siya.

"Hindi niyo mapipigilan pa si zamir. Nagsisimula na siya. Mamamatay kayong lahat!"- halakhak nito ng nakarinig kami ng ingay sa baba. Kitang-kita ko ang mahikang nagliliwanag sa sahig dahilan para mas lalo akong mairita.

Tinaas nito ang kamay at naglabas ng napakadaming itim na usok sa lupa.

Mabilis akong lumipad sa ere at pinosisyon ang kamay ko saking harapan at nagpakawala ng malakas na hangin kaya lahat ng usok ay unti-unting naglaho.

"Malas ka ako ang kinalaban mo. Hinding-hindi mo magagamit yang pangkaraniwan mong mahika."- ngisi ko kaya namula siya sa galit.

"Isa ka lang namang maralita, anong pinagyayabang mo?!"- insulto niya at sunod-sunod na umatake sa ere ang mga mahahaba nitong galamay.

Sinalag ko yun sa pamamagitan ng paggamit ko ng hangin na panangga at ng umikot ako ay nagpakawala ako ng maraming matutulis na hangin dahilan para mahiwa at masugatan ang mga galamay nito.

"Yan lang ba ang kaya mo? Isa nga akong maralita ngunit kaya kong talunin ang isang tulad mo."- ngisi ko at inunat ang dalawa kong kamay para palibutan siya ng malakas na hangin.

"Pagbabayaran mo to—"- hindi ko na pinatuloy ang sasabihin niya ng ginalaw ko ang daliri ko kaya tumilapon siya sa loob ng kastilyo at masira ang ilang pader nito.

Natawa ako ng mapagtantong kaya kong gawin.

"Mukhang may lalaruin muna ako pansamantala."- ngisi ko at lumipad para sundan ito sa loob.


______________________________________

Vaughn Carson
______________________________________


"*Booogsshh!*"- napaubo ako ng tumama ang katawan ko sa malaking puno.

Sumalampak ako ng paluhod sa damuhan at malakas na huminga.

"Ooopps! Mukhang napabilis ang aking takbo."- kamot ng babae sa ulo habang napapangiti.

"Mukhang humihinga ka pa. Kung kaya't makipaglaro ka sakin!"- masayang yaya nito.

How To Be The Villain (Complete)Where stories live. Discover now