Kabanata 25

245 13 1
                                    

______________________________________

Yael Thiago Esquivel
______________________________________


"NGAYON, gusto kong malaman ang kapangyarihan mo."- kausap ko kay zuku habang pinapakain ng broccoli.

Nasa lamesa siya habang nakaupo ako sa harapan niya.

Bukas matutuloy ang pagsusulit. Ang mga nanalo sa ikawalang pagsusulit ay papasok sa final round kung saan lahat ng nanalo ay paglalabanin ulit ng one on one.

Pasok din ang apat sa final round kung kaya't may posibilidad na may makalaban akong isa sa kanila. Pero hinihiling kong huwag sana. Ayokong mabugbog.

Pasok din si Zamir Morin pati na din ang mga kaibigan niyang student council. Lahat sila ay magaling sa paggamit ng mahika. Bawat kapangyarihan nila ay malalakas  kaya hindi na ako nagtaka kung bakit kinatatakutan sila ng ibang estudyante.

"Ilan ang kapangyarihan mo?"- tanong ko at nagpangalumbaba habang hawak-hawak ang kinakain niya.

Tinaas niya ang dalawang kamay habang ngumunguya.

"Dalawa?"- tanong ko.

"*Squek!*"- tumango ito.

"Maaari mo bang ipakita sakin?"- saad ko at binaba ang hawak kong broccoli.

Umayos ito ng pwesto at sa isang iglap ay nawala ito. Nagulat na lamang ako ng gumalaw ang broccoli na nasa lamesa na parang may kumakain duon.

"Hmm, invisible huh?"- napahimas ako saking baba.

Nang magpakita na ito ay tinuro niya ang salamin.

Humarap ako duon at tumalon siya patungong balikat ko.

"Whoa."- bulong ko ng muli itong mag invisible kasama ako.

"Ibig sabihin, hindi lang katawan mo ang kayang mawala sa paningin ng iba pati na din ang mga bagay o tao na nahahawakan mo?"- tanong ko

Tumango ito ng tatlong beses ng mawala ang kapangyarihan.

"May isa ka pang kapangyarihan diba? Ano yun?"- tanong ko.

Tumalon ito sa sahig sa harapan ko.

"*Poof!*"- biglang naglabas ng berdeng usok ang paligid niya at sa isang iglap ay nag-anyong tao ito!

Ang mas nakakagulat pa ay magkamukha kami!

Napahawak ako sa dibdib sa gulat habang napapa-atras pa.

"*Squek?*"- tanong nito gamit ang boses ko.

"Hindi ka makapagsalita ng gaya sakin?"- pinagmamasdan kong puna.

Umiling naman ito.

"Hmm...ako lang ba ang kaya mong gayahin?"

"*Poof!*"

Nagbago ang anyo niya at ang ginaya niya ay si silas.

How To Be The Villain (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon