Kabanata 31

242 11 0
                                    

______________________________________

Yael Thiago Esquivel
______________________________________


"SA operasyon nating ito tutulungan mo ako zuku."- seryosong kausap ko sa kaniya habang nakaupo kaming dalawa ng magkaharap.

"*Squek!*"- tango naman nito sa seryosong paraan.

"Mamaya, tatakas tayo at iimbestigahan ang mga myembro ng konseho ng mag-aaral. Kailangan ko ng tulong mo kung kaya't sasamahan mo ako. Pagkatapos tayong bigyan ng pananghalian ay dun tayo aalis. May isang oras tayo bago ito bumalik dahil kukunin nila ang pinagkainan ko. Naiintindihan mo ba?"

"*Squek!*- tango nito.

"Nandito na ang pagkain mo Esquivel!"- natigil ang isang matandang lalake sa harapan ng selda ko.

Isa siya sa mga janitor ng paaralang ito.

"Salamat po!"- ngiti ko dito inabot ang pananghalian ko.

"Oh siya, magsabi ka lang kung may kailangan ka ha? Ako'y manananghalian muna sa taas."- imporma niya na sinang-ayunan ko.

Nang marinig ko ang pagsara ng pintuan ay agad akong tumayo at lumapit sa selda.

Sinira ko ang kandado ng kulungan gamit ang mahika ko. Dalawang hila ko lang pagkatapos nun ay nasira na ito.

"Tara na zuku."- yaya ko at dinala siya sa balikat ko.

Napangisi ako ng makarating kami sa unang palapag. Naka invisible na kami kaya walang nakapansin samin.

Dali-dali akong pumasok sa kastilyo kung saan nagsisilabasan na sa sari-sariling klasrum ang mga estudyante para mananghalian.

Mabilis ngunit maingat ang paglalakad ko para wala akong mabangga. Umakyat ako ng hagdan at hinanap ang silid ng student council.

Nagpalinga-linga muna ako at nilapat ang tenga sa pinto.

Parang may nag-uusap sa loob.

"*Squek*"- hinila ni zuku ang buhok ko kaya napaatras ako.

Nang tumama ang paningin ko sa kanan ay nakita ko si odell na naglalakad. Kasama nito si zamir na nag-uusap.

Dahan-dahan akong napaatras. Halos hindi na ako makahinga nang makalapit sila. Binuksan nila ang pintuan at pumasok. Tahimik naman akong sumunod para walang makahalata.

Bumungad sakin ang dalawang nag-uusap na myembro din ng SC. Sa pagkakaalam ko yung babae ay sekretarya at yung lalakeng isa ay taga-ingat yaman nila.

Bale walo ang opisyal ng grupo nila. Presidente, bise presidente, sekretarya, at taga-ingat yaman. Kabilang din ang mga bawat kinatawan (representative) ng apat na seksyon ng paaralan. Kung kaya't walo silang lahat.

Mabuti't nagtitipon-tipon sila dito para hindi na ako mahirapang usisain sila.

"Ilang estudyante na ang nawawala?"- tanong ni zamir ng maupo silang dalawa. Ngayon ay magkakaharap na silang apat samantala nanatili ako sa tabi ng pinto.

How To Be The Villain (Complete)Where stories live. Discover now