Kabanata 37

238 10 0
                                    

______________________________________

Silas Orzon Zamora
______________________________________


"YAEL!"- malakas kong sigaw ng lumipad ito patungo sa direksyon ni krofton.

Dahil sa lakas nun ay ay tumilapon sa ere si krofton at tumama sa mahikang pader na kumukulong samin.

"Yael!"- tawag ko dito ngunit hindi nakikinig.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa kaniya. Bakit may pakpak siya? Bago ba niya yung kapangyarihan? Ngunit bakit tila kakaiba ang kinikilos niya?

Pakiramdam ko hindi siya yung yael na kilala ko. Ang mata niya ay namumula at ang ekspresyon ng kaniyang mukha ay napakalamig. Nararamdaman ko sa kaniyang awra na puno siya ng galit at intensyong manakit.

Yael, anong nangyayari?

"Aaaggghhhhh!"- sigaw ni yael at pinaulanan ito ng malakas at malaking apoy.

Para siyang dragon sa paggamit niya ng kaniyang mahika. Walang tigil, sobrang lakas at sobrang init.

"Papatayin ko kayong lahat!"- sigaw ni krofton at sumugod din sa ere habang lumilipad.

Mabilis at walang tigil ang palitan nila ng atake. Halos libutin nila ang buong kastilyo sa ere sa bilis ng mga kilos nila.

"Kailangan nating bumaba."- kausap ko kay zamir na pinapanuod ang nangyayari.

Tumakbo ako at kinuha si zuku na nasa pwesto ni yael kanina. Kita'ng-kita ko pa ang umuusok at nangingitim na sahig dahil sa kapangyarihan nito.

"Sa iyong palagay, ano ng nangyari sa ibang kalaban?"- tanong ni zamir habang mabilis ang pagtakbo namin.

"Ang mga kaibigan ko ang bahala sa kanila. Sa ngayon siguro tapos na ang kanilang laban."- imporma ko at tumalon ng hagdan.

"Silas!"- natigilan ako ng makita si maki sa ikalawang palapag.

Puno ng sugat ito at dugo.

"Ano ng nangyari? Bakit hindi mo kasama si yael?"- nagtataka niyang tanong.

"Kasalukuyan silang naglalaban ni krofton sa ere."- hinihingal kong wika na kinagulat niya.

"Kailangan natin siyang pigilan bago pa man din mapahamak siya."- seryoso kong saad at muling tumakbo kasama sila.

"Zamir! Kanina ka pa namin hinahanap! Mabuti at ligtas ka!"- nagsidatingan ang mga kaibigan nito ng makalabas kami ng kastilyo.

Lahat ng mga estudyante ay nasa labas at pinapanuod ang nangyayari.

Wasak ang lupa sa labas samantala ang higante ay nakahiga habang may butas sa dibdib.

"Caden!"- sigaw ni maki at tinulungan ito ng makitang nahihirapan siyang maglakad.

"N-nasan si vaughn?"- nag-aalalang tanong ni maki ng makalapit sila sakin

Madami din siyang galos habang pinagpapawisan.

"N-nakita ko siya kanina sa hardin."- bulong nito.

How To Be The Villain (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon