Kabanata 29

247 15 0
                                    

______________________________________

Yael Thiago Esquivel
______________________________________


"ANONG nangyayari?"- tanong ko kila caden ng makita ko silang nasa harapan ng isang malaking bulletin board.

Maraming estudyante ang nagkukumpulan habang hindi magkandaugaga sa pagbasa sa nakadikit.

"Nilabas na nila ang resulta ng pagsusulit."- nakahalukipkip nitong imporma.

"Sino ang nasa unang ranggo?"- tanong ko habang pinapakain si zuku ng karot saking balikat.

"Zamir Morin."- tugon naman ni silas na nasa tabi ni caden.

Ba't wala pa ang kambal?

"Tulad ng inaasahan ko."- komento ko. "Sino naman ang pumapangalawa?"

"Ako."- mabilis na sagot ni silas.

Nagugulat ko siyang tinignan.

"Ako? Pang-ilan ako?"- turo ko sa sarili at hinarap silang dalawa.

"Nasa ika labing-dalawa kang ranggo. Si vaughn ay nasa ika labing-isang ranggo samantala si maki ay nasa ika siyam na ranggo."- paliwanag niya.

"Eh ikaw?"- turo ko kay caden.

Ngumisi naman ito sakin. "Ikalimang ranggo."- taas pa niya ng kamay.

Hindi na ako magtataka. Bagama't bata pa lamang siya ay makapangyarihan na ito dahil isa siyang agila. Paano pa kaya pag nasa sampong taong gulang na ang eagle form niya? Paniguradong buong bayan ay mawawasak na niya.

Mabuti na lamang at nasa tabi ko tong batang ito. Dahil kapag naging kalaban ko siya ay baka patay na ako. Ayaw pa naman nito sa mga mahihinang nilalang. Tsk.

"May nag-aaway sa ika-apat na seksyon!"- biglang may isang estudyanteng dumating at sinigaw yun.

Natigilan ang lahat sa narinig at dahil sa kuryoso ay agad silang nagsitakbuhan para manuod.

"Sa klase namin yun ah."- bulong ni caden.

Nagkatinginan kaming tatlo at mabilis na tumakbo sa silid-aralan nila.

Nang makarating kami ay lahat ng estudyante kanina ay nagkukumpulan na sa labas ng klasrum habang naghihiyawan.

"Tabi!"- hinawi ni caden ang mga taong nasa labas ng pintuan.

Sumiksik kami at ng makapasok ay bumungad saming harapan ang magulong klasrum.

Ang mga upuan ay nakakalat na sa kung saan-saan habang ang mga lamesa ay sira na.

Sa gitna ng kaguluhan ay nanduon si maki na may masamang tingin sa lalakeng kaharap niya.

Kung hindi ako nagkakamali ay siya yung lalakeng naka-usap namin sa hardin nuon. Yung kayang mag anyong ahas sa kamay.

"Vaughn!"- sigaw ni silas ng makita itong nakaluhod sa sahig at hawak-hawak ang brasong dumudugo.

"Anong karapatan ng mga pulubing tulad niyo na magkaroon ng mataas na ranggo?!"- galit na sigaw nito.

How To Be The Villain (Complete)Where stories live. Discover now