Kabanata 14

323 16 1
                                    

______________________________________

Yael Thiago Esquivel
______________________________________


"*GGGGRRRAAAHHHHHHH!!*"- mabilis kaming sinugod ng alupihan ng makita niya kami.

Tumindig ang balahibo ko sa nakakatakot nitong hitsura. Ang mukha pa nito ay may dalawang matutulis na parang sungay sa magkabilang pisngi.

"Takbo!"- sigaw ko ng sumugod itong nakatutok ang dalawang matutulis na sungay.

Agad akong tumakbo ngunit ang dalawang kasama ko ay sumugod naman.

Natigil ako sa pagtakbo at napabuntong hininga.

Mabilis na itinaas ni yael ang kaniyang espada samantala si bata naman ay muling lumipad sa ere at gamit ang kaniyang mahika ay sinubukan niya komtrolin ang alupihan at patigilin ito sa pwesto para mabigyang tyansa si silas na putulin ang ulo nito.

Ngunit dahil medyo malaki ito ay nahirapan si bata at nagawang ikilos ang ulo at itinutok ang sungay kay silas na pababa na sa ere.

Nagulat silang dalawa sa biglaang kilos nito kung kaya't dumeretso si silas sa likuran nito at iniwasan ang sungay niya.

"*Graaaaggghhh!*"- kumawala ang alupihan sa mahika ni bata at inabot niya ito habang nakanganga, balak atang kainin pa niya ang agila.

Samantala sa likuran ng alupihan ay nanduon si silas. Sinubukan niyang hiwain ito gamit ang kaniyang espada ngunit tila maliit lamang na sakit ang nararamdaman ng nilalang.

Sinubukan niya din itong pasabugan gamit ang kapangyarihan niya pero nasipa lang ito gamit ang paa ng alupihan kaya lumipad siya papasok sa isang kabahayan.

"Tsk. Susugod ng hindi nagpaplano kase."- inis kong komento atsaka tumakbo papalapit sa alupihan ng hindi nagpapahalata.

"A-anong ginagawa mo mahinang nilalang?"- gulat na turan ni bata ng mapansin akong umaakyat sa alupihan.

"Huwag kang maingay!"- sigaw ko. "Panatilihin mo ang atensyon niya sayo hanggang maka akyat ako sa likuran niya. Atsaka isa pa, mayron akong pangalan!"- sermon ko sa kaniya habang mahigpit na nakakapit sa katawan ng nilalang dahil magalaw ito at maaari akong mahulog.

"Malapit na..."- bulong ko at buong lakas na binuhat ang sarili.

Nang makarating ako sa likod ng alupihan ay dahan-dahan akong gumapang patungo sa kaniyang ulo.

"Yael!"- sigaw ni silas ng makalabas ito ng bahay at makita ako.

"Kailangan ko ng oras! Pigilan niyo siya hangga't maaari at huwag na huwag paaalisin dito sa sentral!"- sigaw ko at lumuhod sa katawan ng alupihan.

Huminga ako ng malalim at sinubukang kalmahin ang sarili.

"Kalma...kalma..."- bulong ko habang binabalanse ang sarili dahil sobrang likot nito.

Nang makalma ang sarili ay sinubukan kong mag concentrate kahit na maingay ang paligid at nahihilo na ako.

Kailangan kong ikalat ang mahika sa buong katawan ko.

How To Be The Villain (Complete)Where stories live. Discover now