Kabanata 18

301 13 1
                                    

______________________________________

Yael Thiago Esquivel
______________________________________


"ANO na naman ito?"- pagod kong puna ng kinaumagahan ay mayroon ng kunehong natutulog sa dibdib ko.

"Hindi ba't isa yan sa mga nilalang na tinulungan natin kagabi?"- takang tanong ni caden habang nakaupo sa harapan ko at pinagmamasdan ang kulay light brown na kuneho.

Maliit ito na may mahabang tenga habang sa gitna ng mukha nito ay puting balahibo.

"*Squeak* *Squek*"- ani nito at tumagilid ang ulo na para bang pinagmamasdan din si caden.

"Sinundan niya kayo?"- tanong naman ni silas na nakaupo sa ilalim ng puno at nililinis na naman ang espada.

"At bakit naman kami susundan ng nilalang na ito?"- lingon ko sa kuneho na nakatitig na sakin.

"*Squek?*

"Baka gustong magpasalamat?"- tanong ni caden at binuhat ang kuneho at nilagay yun sa dalawang palad niya upang iharap sakin.

"Nagawa na nila yun. Bakit di mo na lang pauwiin? Tutal pareho naman kayong nilalang. Kausapin mo baka magkaintindihan kayo."- bagot kong saad at muling nahiga.

"Hindi porket pareho kaming nilalang ay magkapareho na ang lenggwaheng ginagamit namin."- taray nito.

"Ayaw mo bang umuwi, nilalang?"- tanong naman niya sa kuneho.

"*Squeeek*"- sagot nito at umiling.

"Nakakaintindi naman pala siya."- komento ko at napa tsk.

"Bakit ayaw mong umuwi? Hindi mo ba natatandaan ang tahanan niyo?"- dagdag pa niya.

Muling umiling ito atsaka tinuro ako at yumuko.

"Ano daw sabi?"- curious kong tanong.

"Sa pagkakaintindi ko ay gusto niyang suklian ang tulong na ginawa natin."- paliwanag niya at binaba na ang kuneho sa lupa.

"At ano namang tulong ang maibibigay niya?"- taas kilay kong tanong.

"*Squek* *Squek*"

"Hayst! Kayong bahala diyan."- singhal ko at tinalikuran sila. Tumagilid ako ng higa at muling pumikit.

Tutal maaga pa naman. Mamaya pa naman namin itutuloy ang paglalakbay.

Sa pagkakaalam ko, may isang buwan ng nag-uumpisa ang klase sa Hermedillia School of Sorcery. Kung kaya't kailangan naming magmadaling magtungo dun para hindi kami mapag-iwanan.

Sa paaralan ding yun nanduon ang kontrabida sa nobelang ito. Ngunit dahil nasa kalagitnaan lang ng season 2 ang nabasa ko, hindi ko kilala kung sino ito.

Sa totoo lang, wala na sana akong pake sa kontrabida dahil hindi naman ako ang bida at ayoko na ding madamay pa dahil problema lang yun.

Pero dahil nga sa hindi inaasahan, naimbintahan ako sa paaralan kung saan maraming magaganap dun na kasamaan. At hindi imposibleng madadamay ako kapag nangyari yun.

Kung ganon, kailangan kong gumawa ng plano para hindi ako masaktan at iwasan ang mga kaguluhan na maaaring mangyari.

Kailangan kong mabuhay sa mundong ito at gawin lahat ng gusto ko.

______________________________________


"Papasok na po tayo sa Sentral ng Hermedillia."- anunsyo ng kutsero pagkatapos kaming inspeksyonin ng mga bantay sa labas.

How To Be The Villain (Complete)Where stories live. Discover now