Kabanata 20

267 12 0
                                    

______________________________________

Yael Thiago Esquivel
______________________________________


"BAKIT magkaiba tayo ng klase yael?"- takang tanong ni caden habang naglalakad kaming tatlo patungong kantina.

"Tsk. Hindi mo ba napapansin ang sistema sa loob ng paaralang ito?"- nakapamulsa kong saad.

"Nakahiwalay ang mga kabilang sa mataas at mababang antas."- inis na sagot ni silas na nasa kaliwa ko.

"Pati ba namam sa klase ganun?"- kunot-noong komento ni caden.

"Anong magagawa mo, ganun talaga ang mundo."- kibit-balikat kong wika.

Pagpasok namin ng kantina ay madami nang tao. Pati ang pila ay sobrang haba kahit na apat ang linya ng pila.

"Tabi!"- sigaw nang grupo ng lalake atsaka tinulak ang dalawang magkaibigan na nag-uusap.

Napalingon pa kaming lahat sa komosyon.

"Tatanga-tanga kasi!"- komento pa nila. "Nakakabwisit pagmumukha ng mga aliping ito! Dapat kase sa labas kayo kumain. Hindi kayo bagay sa lugar na to!"- lait pa nila at sinipa ang dalawang magkaibigan na lalaki.

Napasinghap ang mga ilang estudyante ng bumagsak ang dalawa sa sahig. Ang ilan ay natawa pa samantala napayuko ang iba.

"Napaka walang hiya—"

"Silas."- pigil ko dito at hinawakan sa braso ng akmang susugod na siya.

"Nakikita mo ba ang ginagawa nila?"- inis niyang tanong.

"Nakikita ko pero hindi basta-basta ka na lang susugod sa kanila dahil kabilang sila sa mataas na antas."- rason ko sa kalmadong paraan.

Bawat uniporme ng estudyante ay may nakasabit na plain badge. Kung saan may kulay silver at bronze.

Kapag silver ang badge mo ay kabilang ka sa mataas na antas samantala kapag bronze naman ay kabilang ka sa mababang antas.

Kung bakit kase kailangan pa ng ganun bakit di na lang hayaan na maging pantay lahat ng bagay? Bakit kailangan pa nilang ipamukha ang estado ng kanilang pamumuhay?

"Mapapahamak ka kapag pumunta ka duon."- seryoso kong banta at binitawan na siya.

Hindi ito nakaimik at napabuntong hininga na lamang.

Nang lingunin ko ang pila ay maliit na ito sa ika-apat na linya kaya naman tinulak ko na ang dalawa at nagtungo duon.

"Anong ginagawa ng mababang uri dito? Sa likod ka!"- narinig naming sigaw ng babae na nakasuot ng silver badge sa babaeng nasa unahan ng pila.

Nakayukong tumakbo ang babae at nagtungo muli sa likod kahit na mahaba pa ang pila duon.

Natawa naman ang magbabarkada at sumingit ng pila. Napansin kong wala ang nagreklamo. Dahil siguro takot silang masaktan at mapahiya.

Napabuntong hininga na lang ako at hinilot ang ulo. Napaka problematic ng paaralang ito.

Kaya ko ba talagang mabuhay dito na parang multo kung ganito ugali ng mga tao dito?

How To Be The Villain (Complete)Where stories live. Discover now