Kabanata 39

235 11 0
                                    

______________________________________

Vaughn Carson
______________________________________


"SILAS! Nasan si silas?"- tanong ko kay maki ng makita siyang kasama si caden sa loob ng aming klasrum.

"Wala pa. Bakit?"- takang tanong niya at tiningala ako.

Napalunok ako at bumulong. "Nawawala sila zyair."- kinakabahang imporma ko.

"Anong nawawala?!"- pabulong na singhap ni caden ng marinig yun.

"Eh sinubukan ko silang dalawin kaninang umaga ngunit wala na silang pito! Pakiramdam ko may kumuha sa kanila."- kwento ko na kinagulat nila.

"Paano nangyari yun?"- naguguluhang tanong ni maki.

Limang araw na ang nakakalipas matapos na dalhin nila ang bangkay ni yael sa ilalim ng kastilyo.

Hindi namin alam kung bakit yun ang utos ng punong-guro. Ayon sa kaniya, kukunin daw ng pamilya Esquivel ang bangkay nito pagdating nila kung kaya't hindi na kami umangal na ilibing na lamang ito at bigyan ng mapayapang lugar.

Sa loob ng limang araw na wala siya ay sinubukan naming ituloy ang kaniyang iniwang plano sa tulong ni zamir. Sa totoo nga, nakompleto na namin ang misyon at nasa ligtas na silang lugar.

Mas napadali nga ang plano namin sa tulong ni zamir. Nang unang araw naming ginawa yun matapos ang insidente ay nahuli kami ni zamir. Hindi niya kami pinarusahan bagkus ay binigyan niya kami ng tyansang magpaliwanag.

Ngunit lahat ng pagsisikap namin para magawa ang natirang plano ni yael ay naglaho ng makita kong wala na ang pito sa lungga.

"Kailangan nating ipaalam to kay silas ng makagawa tayo ng mabilis na aksyon."- seryosong suhestiyon ni maki at tumayo.

"N-ngunit may klase tayo..."- paalala ko.

"Ano pa't isang araw lang naman tayo liliban. Mas importante ito. Hindi natin pwedeng hayaang magwakas sa wala ang plano ni yael."- kunot-noong tugon ni maki at naunang lumabas.

Tinignan ko naman si caden na nakahalukipkip.

"Tama siya. Ayokong masayang ang inumpisahan ni yael. Kailangan nating mahanap ang salarin."- wika naman niya at naglakad na palabas.

Napangiti ako sa huli ng mapagtanto ang mga sinabi nila. Talagang inaalala nila ang iniwan ni yael.

Kung ganun, gagawin ko din ang lahat para matupad ang nais niya.

"Anong nangyayari?"- bungad ni silas ng katukin namin siya sa kaniyang silid.

"May problema tayo."- seryosong panimula ni maki at pumasok kasunod namin.

Nakita ko si zuku na nasa kama at natutulog ng mahimbing. Magmula ng mawala si yael ay si silas na ang nangangalaga dito.

"Pero teka, bakit wala ka pa sa klase? Huwag mong sabihing, binisita mo na naman si yael sa baba?"- tanong ni caden ng makitang hindi pa siya nakasuot ng uniporme.

"Anong problema?"- pag-iwas niya sa tanong ni caden at sumandal sa pader.

"Nawawala sila zyair. Pakiramdam ko may kumuha sa kanila o tumakas na sila."- nag-aalalang saad ni maki.

How To Be The Villain (Complete)Where stories live. Discover now