Kabanata 22

270 13 0
                                    

______________________________________

Yael Thiago Esquivel
______________________________________

BAGO mag-umpisa ang pagsusulit ay pinaliwanag muna ng mga guro nang bawat section sa classroom kung ano ang gagawin.

Ayon sa instruction, bawat section ay magkakagrupo. Bale may apat na section ang paaralan.

Ang kabilang sa Seksyon 1 ay mga estudyanteng may pinakamataas na antas. Mga anak ng opisyales sa palasyo, galing sa pamilya ng mga nagtataasang ranggo at may mga maunlad na negosyo.

Sa Seksyon 2 naman kabilang ang mga estudyanteng pumapangalawa sa antas ng lipunan gaya ng mga anak ng alkalde na tulad ko, at mga galing sa pamilya na medyo may kaya.

Sa Seksyon 3 naman ay mga estudyanteng kabilang sa mababang antas. Sila yung mga may pamilyang nagtatrabaho bilang alipin, magsasaka, kawal, na umaasa lamang sa mga mababang sahod.

Sa huling Seksyon naman nabibilang ang mga estudyanteng walang mga magulang, mga pagala-gala, nagtatrabaho para sa sarili at nabubuhay sa sariling sikap.

Sa pagsususulit hindi lamang kapangyarihan ng bawat isa ang masusukat. Titignan din nila ang pakikisama at pagtutulungan ng bawat seksyon.

Sa unang round ay maglalaban ang Seksyon 1 at 3. Samantala ang Seksyon 2 at 4 naman ang maglalaban. Kung saan kabilang sila caden, silas, vaugh at maki sa seksyon 4.

Bawat estudyante na matitirang nakatayo sa dalawang seksyon na maglalaban ay mabibigyan ng tyansang mapunta sa second round.

Sa second round, bawat estudyante ay maglalaban-laban. Pagkatapos ng laban mabibigyan ng rangko ang bawat estudyanteng nakipaglaban sa second round.

"Naiintindihan ba?"- tanong ng lalake naming guro ng matapos itong magpaliwanag.

"Sa unang lebel ng inyong pagsusulit, mabibigyan lamang kayo ng tatlumpu'ng minuto upang malagpasan ang unang pagsususulit. Sa loob ng oras na yun, maaari niyong patumbahin ang kalaban o protektahan ang sarili at ng iyong kaklase. May mga balakid na inyong kahaharapin tulad na lamang ng mga nakatanim na bomba sa lupa na hindi niyo makikita at mga patibong."- dagdag pa nito habang palakad-lakad sa harapan.

"Ang layunin ng pagsusulit na ito ay hindi lamang para makita ang progreso ng inyong mahika. Pati na din kung paano niyo maipagtatanggol ang mga kapwa niyo kaklase habang may labanan o sakuna."- seryoso pa niyang tuloy at tumigil sa lamesa.

Tsk. Para namang gagawin nila yun. Alam kong sarili lang iniisip ng mga ulupong na ito at kung paano sila makakasakit ng iba lalong-lalo na sa mga estudyanteng may mababang antas. Kukunin nila ang oportunidad na yun para pahirapan ang mga mahihina.

Nagpangalumbaba ako saking upuan.

"Sa ikalawang lebel naman ng inyong pagsusulit ay maglalaban-laban kayo isa-isa. Sa loob lamang ng labinlima'ng minuto ay kailangan niyong patumbahin ang inyong kalaban. Kung wala man ang nakapagpatumba, ibabase natin sa mas may pinakamaraming natamo na siyang magiging talo."- saad pa niya.

"Kayo'y magbibigay ng ligtas at magandang kinabukasan dito sa Hermedillia kung kaya't gawin at ibigay niyo lahat nang makakaya niyo sa pagsususulit na ito. Naiintindihan ba?"

How To Be The Villain (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon