Kabanata 38

236 11 0
                                    

______________________________________

Maki Carson
______________________________________


MAKULIMLIM ang kalangitan ng matapos linisin at ayusin ang paaralan.

Isang araw na ang nakakalipas ng mangyari ang pag atake sa Hermedillia School of Sorcery. Maraming nasira, nasugatan at namatay.

"Ngh..."- iyak ni vaughn habang nakayuko saking tabi.

Sa balikat nito ay nanduon si zuku at umiiyak din.

Pinagmasdan ko ang katawang nakabalot ng itim na tela. Sa loob nun ay ang walang buhay na katawan ni yael.

Mula sa likuran, nakatayo naman ang mga estudyante habang nakikiramay sa nangyari. Ang mga gurong nasugatan ay nasa klinika at hindi makalabas dahil madami silang natamo.

At ang punong-guro naming walang ginawa sa insidente ay hindi man lang nagpakita.

Tsk. Kapag nakita ko ang pagmumukha nun ay baka kung ano pang magawa ko sa kaniya.

"M-mahinang nilalang..."- umiiyak na bulong ni caden habang patuloy sa pagpunas ng kaniyang luha.

Si silas naman ay nasa gilid lang, nakayuko at tahimik. Hindi ko makita ang mata niya dahil sa buhok nitong nakasangga.

Ngunit nagulat ako ng may pumatak na butil ng luha sa lupa.

Bagama't ilang linggo ko pa lamang nakilala si Yael Thiago Esquivel ay masasabi kong mabuti siyang tao kahit na minsan kakaiba siyang kumilos at magsalita.

Nagpapasalamat ako dahil tinulungan niya kami ni vaughn sa mga estudyanteng umaaway sa amin. Nagpapasalamat ako na niligtas niya ang mga gaya kong estudyante at sinigurado ang kaligtasan nila.

Oo, kakaiba siya at minsan may kabaliwan ngunit may mabuti siyang puso.

Mas lalong napaiyak ang dalawa ng buhatin na nila ang katawan ni yael at pinasok sa isang mahabang kahoy.

Tumingala ako ng unti-unti kong maramdam ang patak ng ulan mula sa kalangitan.

Napakaswerte mo talaga, alam mo ba yun? Madami ang may gusto sayo at umiyak sa pagkamatay mo. Pati ba naman ang kalangitan ay nakikiramay sa pagkawala mo? Haaa..

Saan na kami ngayon hahanap ng isang tulad mo?

Panigurado masaya ka na diyan. Tsk.

Huminga ako ng malalim at pinigilang huwag maluha.

"Tara na."- tapik ko sa mga balikat nila ng magsipasukan na ang mga estudyante sa loob ng mas lumakas ang patak ng ulan.


______________________________________

Esme Perez
______________________________________


"Agh..."- dahan-dahan akong napaupo ng maramdaman ko ang katawan kong nananakit.

Bumungad saking mata ang asul na paligid. Walang kalaman-laman at hindi ko batid kung malawak ito o masikip.

"Welcome!"

How To Be The Villain (Complete)Where stories live. Discover now