Kabanata 3

556 21 1
                                    

______________________________________

Yael Thiago Esquivel
______________________________________

"SEÑIOR, maaari ko bang malaman ang plano niyo?"- tanong ni hernan habang nasa tabi ko at patuloy sa pagsunod sa akin.

Pagkatapos kong makipag usap kay ama ay napag-isipan kong lumabas ng mansion kinahapunan. Gusto kong tignan ang mga lugar na mayroon sa bayang ito.

Nagsuot ako ng itim na robang mahaba at may hoodie upang hindi ako makilala ng mga tao. Baka kung ano pang gawin nila pag nakita ako. Ganun din ang suot ni hernan dahil kilala naman ito bilang mayordomo ng pamilyang Esquivel.

Papalubog na ang araw ng magsimula kaming libutin ang bayan.

Kuhang-kuha ng libro ang tinutukoy nitong bayang Esquivel. Ayon sa libro, ang lugar ng nobela ay tinatawag na bansang Hermedillia. Ang Hermedillia ay pinamumunuan ng maharlikang pamilya; ang Hari. Ang bansang Hermedillia ay may apat na rehiyon. Ang kanlurang rehiyon, silangang rehiyon, timog na rehiyon at hilagang rehiyon.

Ang hilagang rehiyon nakabase ang aming bayan. Bawat rehiyon ay may tatlong bayan.

At ang Esquivel ang pinakamaliit na bayan sa buong bansa.

Ibig sabihin lang nun mahirap makipagkalakalan sa mga ibang bayan dahil limitado lang ang lupang kinalalagyan ng Esquivel. At maliit lamang ang populasyon ng aming bayan.

"Hindi ko alam."- pinagpapawisang tugon ko habang hindi maipinta ang mukha ko.

Napanganga na lamang si hernan sa naging tugon ko.

"E-eh anong gagawin natin sa mamamayan? H-hahayaan na lang ba natin silang maghirap at magutom? Huwag mong sabihin señior na gawa-gawa mo lang yung suhestiyon mo kanina kay Don Dominic?"- napasinghap si hernan at napatakip sa kaniyang mukha na para bang naiiyak na siya sa kasinungalingang ginawa ko.

"Huwag kang mag-alala, hahanap ako ng paraan."- ismid ko at nagpamulsa sa itim kong pantalon.

Habang nililibot ang paningin ko ay may mga napansin ako.

Una, parang desyerto ang bayan namin. Wala man lang akong nakitang ilog o baybay. Ang lupa ay sobrang tuyo. Walang masyadong mga puno. Sa mansion lang ata ako nakakita ng puno na iba't-ibang kulay.

Pangalawa, sa sentral naman ay may mga nagtitinda ngunit maliit lamang ang mga produkto nila. Mga damit lang at iba pang kagamitan. Walang nagtitinda ng mga pagkain o di kaya'y prutas.

Pangatlo, walang mga taniman. Bagama't ang mga bahay ay matitibay at maaayos, ang problema ay ang kanilang kabuhayan.

Parang mas lalo akong mai-stress nito. Ang dami palang problema sa bayan na ito.

Napahilot na lamang ako sa aking nuo at bumuntong hininga.

"Bitawan mo ako!"- narinig kong sigaw ng isang binata.

Natigil kami sa paglalakad at napalingon sa tatlong lalakeng nagkakasagutan.

Ang dalawa ay mukhang mas matanda ng ilang taon kaysa dun sa lalakeng kasagutan nila. Mukhang bata pa yung lalake pero mas matangkad ito. Ang mas batang lalake ay nakasuot ng itim na cargo pants, kayumangging bota, puting longsleeve na damit na may nakapatong na mahabang roba na may hoodie kaya hindi masyadong kita ang mukha.

How To Be The Villain (Complete)Where stories live. Discover now