Kabanata 27

242 9 0
                                    

______________________________________

Silas Orzon Zamora
______________________________________

PAGKATAPOS ng laban naming apat ay agad kaming nagtungo sa klinika upang masigurong ayos lang si yael.

Pagpasok namin ay may nakita kaming nakatayo sa tabi ng kama kung saan nakahiga si yael duon at walang malay.

"Ah, kayo ba'y mga kaibigan ni yael?"- tanong nito ng humarap samin.

Nagulat pa kami ng mapagtantong si Zamir Morin yun. Presidente ng konseho ng mag-aaral.

Anong ginagawa niya dito?

"Aking binisita si odell kanina sa kabilang kwarto at dumaan dito para matukoy ang kalagayan ni yael "- ngiti nito habang nakapamulsa ang dalawang kamay.

"Tapos na ang inyong laban?"- pormal niyang tanong.

"Kakatapos lang namin at dumeretso na dito."- nagdadalawang isip na tugon ni vaughn at sinara ang pintuan.

"Kamusta ang kalagayan niya?"- tanong ni caden at lumapit.

Sumunod naman kami at pinalibutan ang kamang kinahihigahan niya.

"Mukhang mabuti na ang kaniyang kalagayan. Huwag kayong mangamba, ang kapangyarihang usok ni odell ay pampatulog lamang at walang mapanganib na epekto. Isang oras lamang ang epekto nito sa katawan kung kaya't magigising na siya maya't-maya."- paliwanag niya ng nakangiti.

"Mabuti naman kung ganun dahil napakahina niyang nilalang."- ismid ni caden at humalukipkip.

"Mahinang nilalang?"- taka ni zamir.

"Bagama't may taglay itong mahika ay napakahina ng katawan niya "- iiling-iling na komento ni maki habang nakahalukipkip.

"Ngunit kahit ganun ay ang galing niya sa huling pinakita niyang laban."- singit naman ni vaughn.

At saan naman natutunan ng baliw na ito ang stratehiyang yun? Hindi ko alam na mapapabilis ang iyong kilos sa paggamit ng maraming apoy.

Nag-iisip din pala ang baliw na to. Akala ko laro lang sa kaniya ang pagsusulit na to.

"Nga pala, napakahusay niyo sa paggamit ng mahika. Natutuwa ako dahil nakapasok kayo sa rangko."- bati samin ni zamir.

Kakaiba ang awra niya. Hindi ko siya mabasa kahit na palagi siyang nagpapahayag ng damdamin.

"Maraming salamat. Napakagaling mo din sa paggamit ng mahika. Napakahusay mo sa pag kontrol ng iyong kapangyarihan!"- namamanghang komento ni vaughn.

"Hindi naman. Mas namangha nga ako sa inyo dahil kahit sa gitna ng nararanasan niyong pangungutya sa ibang estudyante ay nakakaya niyo pa ding ipakita na kaya niyong lumaban. Lalong-lalo na si yael."- tawa nito at lumingon kay yael na bumbulong na parang nananaginip.

"Hehe...nahanap din kita...hehe."- nagsasalita pa siya habang natutulog.

"Kakaiba siya sa mga taong aking nakasalamuha."- maaliwalas ang mukha niyang puna.

"Sang-ayon ako sayong turan. Bagama't may mukha siya ng manloloko ay matulungin ito."- ngisi ni caden.

"Aaminin ko may pagkabaliw si yael ngunit totoo siya. Hindi niya kailanman pinaramdam samin ang agwat ng antas namin. Tinuring niya kaming kaibigan kahit na ganito lang kami."- ngiti ni vaughn habang pinagmamasdan si yael.

How To Be The Villain (Complete)Where stories live. Discover now