Chapter 23: [ Crimson Palace ]

154K 5K 645
                                    

BLAISE HARRISON BLAIRE

Sa sobrang hindi kapanipaniwala ng balitang natanggap ko at tila ba nakalimutan ko na ang mga problemang inakaharap ko.

Badtrip lang kasi... Totoo ba talaga? Nagbalik na nga ba talaga siya? Magkikita na ba muli kami? O sadyag nananaginip lang ako?

Tila ako ewan sa halo-halong nararamdaman ko ngayon. Sa saya, sa kaba, sa pagkakilig at sa... Takte ang bakla nito pero totoo! At hindi ko ngayon maipaliwanag ang eksaktong nararamdaman ko.

Dala ng labis na pagkasabik ay pinaharurot ko ang sasakyan ko patungo sa tagpuan naming lima. We need to arrived in that place together. Kaya kahit gaano man ako ka excited pumunta doon ay hindi maari.

Ugh! I can't wait to see her !

After a few minutes I finally arrived in our meeting place and quickly run towards a black van where my four members are waiting. Landon, Ash, Ethan and Hunt. Nasa labas ang mga ito at kita ko sa kanila ang pagkasabik kayaga ko.

"Yo!" Lukso kong tawag sa lahat bagay na nakapagpalingon sa kanila.

"Tsk, kanina ka pa namin hinihintay." Dismayadong salubong sakin ni Ash.

Sinuntok ko naman ito sa braso ng mahina at nginitian. Pero gaya ng inaasahan ko ay inirapan lang ako nito.

Tss. Manang-mana sa kambal niya.

Naka formal din itong suit na kulay asul. Nakababa ang kanyang itim na itim na buhok sa kanyang maputlang balat.

"Nice suit." Bati ni Hunt sa soot ko. Parehas na pula ang soot namin pero sa kanya ay plain. Nakataas din ang blond nitong buhok. Kaya mukha nanaman siyang bampira ngayon. Sakto, gabi pa naman na.

"Oo naman, si Celine ang pumili 'e. Ano bagay ba?" Tanong ko dito na tinanguan niya naman. Well dagdag nalang naman itong suit at taste ni bunso sa kagwapuhang taglay ko. Kaya kahit wala ng soot ayus na. Wait what?! Nevermind. Tss.

"Naks, mukhang good mood ka boss ah." Pangaasar sakin ni Landon pero sinagot ko lang ulit ito ng ngiti.

Si Landon naman ay agaw eksenang nama puting suit at itim na necktie at polo panloob nito. Samahan mo pa ng nakataas pa nitong buhok. At kakapagupit lang ulit ng loko. Clean cut ito na mas bumagay kesa sa nauna nitong style ng buhok.

Paanong hindi? Ikaw ba naman ang makatanggap ng balitang matagal mo ng hinihintay!

"Weird." Sabay-sabay nilang komento habang kitang-kita ko ang pagkalukot ng mga mukha ng mga ito na parang nandidiri.

Mga lokong 'to!

"Tsk tara na nga ang tagal nyo pa 'e. Hinihintay na ko ng Re—Este hinihintay na nila tayo." Palusot ko sa kanila nang kamuntik ko nang masabi ang bagay na mapaghahalataan nilang apat. Pero sh*t excited na talaga akong makita siya.

Walang nakakaalam sa mga myembro ko na may gusto ako sa reyna ng dibisyong kinabibilangan namin. Ugh... I really need to shut my mouth! Dahil kung hindi...naku naman talaga!

"Sabi ko nga tara na." Sangayon ni Landon kaya naman sumakay na kaming lima sa Van. At nagsimula nang magdrive ang nakatalagang driver ng Five kings. Driver na nakatalaga upang dalhin kami sa dibisyong aming kinabibilangan.

Ilang oras nalang makikita na kita. Ilang oras nalang...

* * *

"Boss 'yung totoo anong meron sayo ngayon?" Nagtatakhang tanong sakin ni Landon sa muling pagkakataon.

May pagkatyismoso talaga 'tong lalaking 'to.

Well hindi ko siya masisisi, kanina pa kasi ako tingin ng tingin sa bintana at nagtatanong sa driver kung malapit na ba kami.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora