Chapter 53: [Trapped]

145K 4.4K 1.3K
                                    

MYRTTLE JOONG

"Konti nalang Ate Myrttle hihi." Excited na cheer sakin ni Kyrene. Dahil sa naeexcite siya na matapos ko ang ginagawa kong chocolate cake para ipatikim sa rulers at pumasa sa isa sa mga ihahandang menu sa coffee shop na nakatoka samin.

I'm trying to be normal, matapos kong gumawa ng eksena kanina. Gusto ko nang kalimutan si Blaise.

First time kong makaramdam ng ganung inis ng lumapit siya sakin kanina. Inis na hindi ko alam kung dapat ko ba talagang maramdaman.

Bakit ba ako maiinis sa kanya. Makikipagkita lang naman siya sa taong mahal niya ah.

Hindi ko alam kung anong dapat kong i-react sa sinabi sakin ni Blaise kahapon. Na si Queen Mizuki ang mahal niya.

Mahal niya si Queen Mizuki.

Mahal niya a-ako.

Pero sa sitwasyon ko ngayon? Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa pagtatapat niyang iyon.

Magka-ibang magka-iba ang sitwasyon ko kahapon sa ngayon.

Dahil sa ikalawang pagkakataon. Isinantabi ko nanaman itong nararamdaman ko. Dahil sa ikalawang pagkakataon ay inuna ko nanaman ang ibang tao.

"Ate Myrttle yung icing tumatabingi na." Nagulat ako ng bigla akong hawakan ni Kyrene para pigilan ang kamay ko. Napakagat nalang ako ng labi para pigilan ang paglabas ng mga luha ko.

Deym Myrttle. Umayus ka..

"Sorry." Mahina kong paumanhin sa kanya.

Si Kyrene ang president ng HRM (Hotel and Restaurant Management)

department na hiningian namin ng tulong para sa menu. Nakitulong narin ako sa kanila dahil wala akong magawa at ito din naman talaga ang tangi kong maitutulong.

"Ayus ka lang ba ate?" Napatingin ako sa mata niyo, punong-puno ito ng pagaalala kaya naman nginitian ko lang ito.

"I'm fine. Don't worry may bigla lang akong naalala." Pagsisinungaling ko at bumalik na ulit ako sa pagkakagawa ng icing ng chocolate cake ko.

Umayus ka Myrttle, huwag mong ipakitang pinagsisisihan mo ang ginagawa mo.

Wala akong karapatang sumaya, wala hanggang hindi ko pa napapagbayaran ang kapabayaan ko kay Dayle. Dapat lang saking mawalan ng kasiyahan, dahil ako ang may kasalanan ng lahat kung bakit nawala ang lahat kay Dayle sa mahabang panahon.

Tama, pabaya kasi ako. Kaya kakailanganin ko munang mapasaya si Dayle. Kahit ang kapalit pa nito ay ang kasiyahan ko.

"Alam mo ate Myrttle. Madali lang makita sa isang babae kung okay ba talaga to o hindi. Babae din kaya ako." Napatingin ako sa kanya. Gumagawa siya ng rosas sa pamamagitan ng pagukit nito sa mansanas.

"Yung boyfriend ko? Lagi niyang sinasabi sakin kung kelan okay ako o kelan hindi. Kung kelan nagsisinungaling ako sa hindi. Dahil minsan mas kilala pa tayo ng ibang tao kesa sa sarili natin." Napatitig lang ako sa kanya habang masaya siyang nag uukit.

"Basta ilabas mo lang 'yan. Kung may kailangan kang sabihin, ipaglaban o pigilan. Gawin mo habang maaga pa. Kasi wala ka ng magagawa pag huli na ang lahat. Kung ano 'yang nandyaan," Turo nito sa puso ko. "Sundin mo, kasi kung anong nandyaan. Sure akong ikasasaya mo."

Naningkit ang mga mata nito sa ngiti niya. Sinagot ko din naman siya ng ngiti. This time totoong ngiti na.

"Hey Kyrene! Kanina pa kita hinahanap ah!" Napalingon kami sa pintuan ng kitchen ng school ng may sumigaw dito. Itinago ko ang gulat ko ng makita ko ang lalaking nasa pintuan.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Where stories live. Discover now