Chapter 66: [The Zone]

115K 3.6K 415
                                    

AKI GRANGER

Iniyukom ko ang mga palad ko at napaluha nalang habang nakatingin sa screen.

Bakit kailangan nilang gawin ito? Kailangan naging katuwa-tuwa ang pagpaslang ng tao? Bakit nagawang nakasali ni Dad sa ganitong sitwasyon?!

Hindi ko alam ang mararamdaman ko. I don't want to see my friends in pain. But seeing Myrttle like this, nasasaktan ako...

Nawalan ng malay si Blaise. At walang buhay lang na nakatulala si Myrttle sa kawalan habang nakapatong sa hita nito ang ulo ni Blaise. I can't see any emotion in her eyes, but her tears are enough to know her pain.

Mga luhang bibihira ko lang makita, mga luhang pinaka iiwasan naming makita sa kanya.

Babaeng halos gawin na ang lahat para lang maging masaya ang iba. Yet here she is, crying without an emotion makes me feel so sad about her...

I don't want to watch this sh*t anymore.. Gusto ko ng pumunta sa lugar na iyon.

Kung alam ko lang sana pala talaga ay doon na ako nagaral... Kung alam ko lang na mangyayari ito ay sumama na ako kay Paris sa lugar na iyon para mabantayan din si Myrttle..

Nakakainis... Nakakainis at heto nanaman akong pinagmamasdan ang kaibigan kong nasasaktan!

Nanginginig kong iniyukom ang mga palad ko at marahas na pinunasan ang luhang gumigilid sa mga mata ko.

Hindi ko maiwasang manginig sa galit at takot. Galit sa lahat ng taong may pakana nito. At takot para sa mga bagay na makikita ko maya maya lang.

"Its going to be bloody. " Rinig kong singhap ni Kenzie na katabi ko ngayon. She's emotionless yet her eyes are also filled with anger just like mine.

Yes, Kenzie this night will going to be...bloody.

They gave Myrttle enough reason to enter her zone... Para ipakita kung ano talaga siya. Binigyan lang naman nila ng pagkakataon ang isang halimaw na lamunin sila ng buo at wala ng itira.

But a strange sound caught my attention.

"What the—" Kenzie quickly move out kasabay ng paghawak nito sa kamay naming dalawa ni Autumn.

The upper part of the arena exploded at ang mga tao sa ilalim nito ay nabagsakan na ng mangilang naglalakihang mga debris.

Anong nangyayari?!

Tumatakbo kami ngayon sa isang dereksyon at nakasunod saamin ang mga grupong kasama namin. Pero napansin kong may kulang...

"Sila Mayu! " Hingal kong sigaw kay Kenzie at napatigil kaming tatlo sa pagtakbo. Ngunit ikinagulat namin ng makita namin sila sa pwesto namin kanina na nakatayo lang at tinititigan ang pagguho ng itaas na bahagi ng Arena.

Ano bang ginagawa nila?!

"Jacob! " Sigaw ni Kenzy dito pero parang wala itong narinig. Nagngalit ang panga ni Kenzy at inis na tumakbo papunta kay Jacob. Sinundan naman namin agad ito ni Autumn. Si Mayu din, hindi niya ako nililingon. Pero bakit?

Ngunit mas ikinagulat namin ang nangyari ng sa wakas ay makarating kami sa pwesto nila.

"How's my Entrance. "

Isang may katandaan ang bumaba galing sa guhong kisame ng arena.

Wait... What?

"It's horrible. " Sagot ni Mayu at inirapan niya ito.

Napatulala nalang kami sa sumunod na mga nangyari. Napakadaming bumaba galing sa guhong kisame. At mas ikinagulat namin ang pagaresto ng mga ito sa mga alagad ng Four Giants. Hindi na nagawa pang makapalag ng mga ito noong una dahil nakita ko nalang ang mga ito na parang naparalisa.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Where stories live. Discover now