Chapter 16: [ New classmate? Hell!]

193K 5.7K 1.4K
                                    

MYRTTLE JOONG

Isang imahe ng babae ang nag appear sa harap ko. Isang babaeng napakaimportante sakin na matagal na panahon ko ng hinahanap. Nagsimula akong maglakad para lapitan ito pero... nagtataka ako kung bakit hindi niya ako nginingitian man lang gaya ng dating ngiti nito saakin. Nagsimula na akong magalala sa ikinikilos niya kaya nagdesisyon na akong lapitan ito.

"Dayle!!" Tawag ko dito pero hindi niya ako naririnig. At ang lakad ko ay nagmistulang malalaking hakbang napapalapit dito hanggang sa ako'y tumakbo na dahil tila palayo lang ito ng palayo saakin. Ang espasyo sa pagitan naming ay hindi nagbabago. Ni hindi ko siya mahabol!

Pero hindi nagtagal ay palapit na ito ng palapit sa kadiliman. Bagay na ikinatigil halos ng hininga ko.

"Dayle h'wag ka diyang pupunta." Sigaw ko pero hindi, hindi niya ako marinig.

Hanggang sa isang nakakatakot na halakhak ang namayani sa buong lugar. Isang pamilyar at nakakatakot na halakhak. At nagulat nalang ako ng bilang may manghila kay Dayle mula sa kadiliman iyon.

"Myrttle!!" Sigaw ni Dayle saakin sa nangangambang tono. Natatakot ito bagay na ikinakaba ko. Ito, ito ang sigaw niya noong araw din na iyon.

"Dayle!!!!!!" Tugon ko dito at halos mapatid na ang litid ko sa sigaw kong iyon.

Nanlalambot na ang tuhod ko kakatakbo, namamaos na ako kakasigaw sa pangalan ng kaibigan ko pero wala itong epekto. Bagay na ikinaguguho ko dahil sa muling pagkakataon ay wala nanaman akong magawa sa pagkuha ng mga ito saakin. Pero tila naging biro pa lalo ang lahat. May mali nanamang nangyari. Nabalot ng kadilimang iyon ang buong paligod. Wala akong makitang kahit na ano bukod sa kulay na itim. Kinakabahan ako, ang lakas-lakas ng kabog ng dibdib ko. Pero hindi parin naalis sa isip ko ang hanapin si Dayle..

"Dayle nasaan ka na?!" Mangiyak-ngiyak kong sigaw na halos ikinaputol na ng litid ko.

Para kong baliw na hanap ng hanap sa kanya.

Hanggang isang sigaw ng babae ang nakapagpataranta sakin.

No.....

si Dayle yun!

"Dayle!!!"

"Kasalanan mo to... Pinabayaan mo ko. Kasalanan mo 'to!!! KASALANAN MO!!!!" Boses ni Dayle na galit na galit sakin.

"Hindi Dayle.. Hindi—"

"Anak! Anak gising!!" Nagising ako sa may kalakasang tapik ni Nay Julie sa pisngi ko. Bagay na nakapagbalik saakin sa realidad ngunit nang mapagtanto ko ang lahat ay agaran akong humagulgol sa bisig nito.

"Nay si Dayle. Nakita ko si Dayle Nay. Kailangan niya ng tulong ko Nay. Kasalanan kong nawala siya dahil pinabayaan ko siya... kalasanan ko.."

Hagulgol ko kay Nay Julie na para bang wala na ako sa aking sarili. Ramdam ko ang pagyakap nito sakin ng mahigpit para pakalmahin ako.

"Shhh... Panaginip lang 'yun anak. May kumuha sa kanya Anak. At hindi ikaw ang may kasalanan nun. Kaya Shhhh... tumahan ka na." Pagkukumbinsi sakin ni Nay Julie pero parang wala akong narinig.

Hindi. Kasalanan ko. Kasalanan ko ang lahat. Si Dayle, kinuha nila si Dayle. At wala man lang akong nagawa para mapigilan iyon. I'm useless! Wala man lang akong nagawa para iligtas siya. Para hanapin siya. Wala, siguro tama sila Blaise noon. Ako ang may kasalanan.

Ang Five kings.

Hating na akong natulog dahil sa nalaman ko.

Nalaman kong si Ethan, Landon, Hunt, Ash , at...Blaise.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang