Chapter 35 [Her Side]

161K 4.9K 448
                                    

BLAISE HARRISON BLAIRE

Bakit...bakit ito nangyayari?

Bakit ko nagawang hayaang maging ganito kalala ang lahat? Bakit hindi ko nasiguradong hindi siya si Kiera?! Paanong naging ganito ako kapabaya sa lahat?!

Napuno na ako ng galit sa aking sarili dahil sa sunod-sunod na nangyayari ngayon. Wala na akong nagawang tama! Puro nalang kainutilan!

Ang gusto ko lang naman ay ang maprotektahan silang lahat pero bakit hindi ko magawa-gawa ng maayos!

Una ay si Celine, kanina ay si Ash, at ngayon naman ay si Kiera?! Bakit huh?! Gaano ba ako kainutil?! Bakit ni hindi ko magampanan ang mumunting kahilingan ko sa aking mga mahal sa buhay?! Na sila ay maprotektahan?! Ganoon ba iyon kalaki para hindi ako magkaroon ng pagkakataong maprotektahan sila?! O talagang wala akong kwentang leader gaya ng ipinaparating ni Myrttle?! Walang kwentang leader na walang ibang magawa kung hindi ang makita silang nasasaktan!

Ang marahan kong pagkalabog sa mga rehas sa arena ay patuloy ng nagiging marahas. Ginugusto ko na itong yupiin, ngunit ni ang magasgasan ito ay hindi ko man lang magawa!

I want to kill those shit heads. The one who framed up Ash. At ang mga manyakis na gumagawa nito ngayon kay Kiera. But I can't have it!

I can't even go near to them?!

At ng tuluyang mawalam ng pagasa ay ramdam ko ang pagdausdos ng mga luha ko sa aking mga mata.

Pinagmamasdan ko ang kalunos lunos na kalagayan ni Kiera.

Ang kanyang dugong dumadanak na sa sahig na tila ikinasisikip ng aking paghinga.

Ang totoo'y gusto ko siyang pagalitan, gusto ko siyang sermonan at gusto kong ipamukha sa kanya ang kapanganiban ng kanyang pinasok.

Pero wala akong ibang magawa kung hindi ang maghinagpis dahil ako'y nasasaktan.

Siguro....Siguro ay tama nga si Myrttle.

Siguro ay tama siyang wala akong kakayahang maging isang leader.

Pero bakit.... Bakit ako nasasaktang wala akong magawa sa ganitong sitwasyon?

Gusto kong sumuko..

Gusto kong ibigay nalang sa kanya ang responsibilidad na inatas saakin ngunit may kung anong bagay saakin ang nagsasabing ako ang nararapat dito.

Sa pusisyong ito.

At hindi ko magawang ipagkatiwala sa ibang tao ang pusisyon ko ang mga rulers dahil sa halagang mayroon sila sa buhay ko...

Ang Rulers, kabilang si Myrttle ay ang mga taong ginugusto kong protektahan at pamunuan maging kapalit man nito ang buhay ko.

Ang Rulers. Ang Rulers ang mga taong hinding hindi ko magagawang bitawan ano mang sitwasyon ang dumating sabuhay ko.

Siguro.... Siguro ay wala nga akong kahit anong kakayahan upang maging kwalipikado sa pusisyong ito...

Pero para saakin...

Para saakin ay sapat nang mahalin ko ang mga pinamumunuan ko...

Dahil ang pagmamahal na ito Myrttle... Ang pagmamahal na ito at dedikasyon ko na panghawakan kayo ay hindi magigiba ng kahit na ano.

Nang matauhan sa kahibangan ko sa pagsuko ay agad kong inilibot ang aking paningin upang humanap ng paraan sa pagkaligtas ni Kiera.

Ngunit ang paglibot na iyon ng aking paningin ay nagtila isang mabagal na pangyayari.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Where stories live. Discover now