Chapter 5 : [ The Harrison University rulers]

246K 6.9K 320
                                    

A/N: Hey guys! Are you enjoying the story? Don't forget na magingay! I love reading your comment mga dear <3

Love lots.
~Miss Eli

Harrison University : The school of Monsters
By: GHIEbeloved

CELINE HARRISON BLAIRE

Hindi ako mapakali. Ano na kayang nangyari kay ate Myrttle at Kuya? Saan kaya pumunta si Ate Myrttle? Doon ba sa mga bad girls?

Hindi ko maiwasang hindi makalimutan kung paano naging nakakatakot ang mga mata ni ate Myrttle kanina. Parang papatay ito ng tao sa mga matang iyon.

Pero nakakapagtakha ding may bigla na lang may pupuntahan si Kuya.
Hindi kaya sinundan niya si ate Myrttle?

Ngunit napangiwi ako nang manuot na naman ang sakit sa katawan ko. Ramdam na ramdam ko at bawat hapdi nito na ikinatutulo lalo ng luha ko. Ang hapdi ng mga pasa at sugat na natanggap ko mula sa mga masasamang taong iyon.

Hindi ko makakalimutan ang mga ginawa nila sa akin. Hinding-hindi dahil sinaktan nila ako.

Bumalik ako sa locker room matapos kong kumain kasama si Ate Myrttle kahapon. Napakasaya ko pa ng mga panahong iyon dahil sa wakas ay napansin na rin ako ng pinakaastig na estudyante sa klaseng pinapasukan ko. Pero ang mga ngiti sa labi ko kahapon ay bigla nalang nawala nang palibutan na ako ng mga babaeng sinampolan ni Ate Myrttle.

Ramdam na ramdam ko pa rin hanggang ngayon ang mahigpit nilang pagkawak sa panga ko para lang kumpirmahin na ako ang kasama ni ate Myrttle kumain. Ngunit nang sagutin ko na ang katanungang iyon ay naging bangungot na ang mga sumunod na nangyari.

I tried to call for help but no one can hear me. Dinala nila ako sa lugar na alam nilang walang makakarinig sa amin.

Hindi ko maiwasang maluha dahil kahit hindi ko na gusto pang alalahanin ang nangyari ay paulit-ulit pa rin itong naalala sa isip ko.

Bakit sila ganoon, bakit sila pumapatol sa isang batang kagaya ko? Ang akala ko ba maayos itong school ni Kuya? Bago palang kasi ako kaya hindi pa nila ako kilala. Kung kilala lang nila ako at kung sino ang Kuya ko. Sigurado akong hindi nila ako sasaktan.

Matapang kong pinunasan ang mga luha ko.

Bakit?

Dahil ako si Celine Harrison Blaire. First year high school lang ako na nagpumilit pumasok sa University na ito para mag-advance study. Hindi naman ako pinigilan ni Kuya kaya tinuloy ko.

Si Kuya Blaise.
Ang pinaka-hinahangaan kong tao sa mudo.

Idol ko si kuya sa lahat ng bagay. Dahil sa kagalingan din nitong taglay. Kaya nga ginagawa ko lahat para maging katulad ko siya balang araw. Kaso...hindi ko ata magagawa dahil isa lang akong mahinang bata.

Tss...

Pinalobo ko lang naman ang mga pisngi ko dahil hindi ako mapakali sa higaan ko. Nag-desisyon din akong tumayo at sumilip sa bintana ng clinic kung saan tanaw ko ang lahat.

Hanggang ngayon ay hindi ko maiwasang mamangha dahil ang laki talaga ng University na pagmamay-ari ng pamilya namin. Mas malaki pa sa kung gaano kalawak ang Harrison High kung saan ako tunay na nag-aaral ngayon.
May kalayuan ang Harrison High dito pero ngayong nakaapak na ako sa University na ito, alam ko na kung bakit tanaw namin ang Harrison University mula doon. Napakalaki pala talaga nito. Sa layo ng aking natatanaw ay napangiti ako nang masilayan ko na naman ang favorite spot ko sa university.

At ito'y walang iba kung hindi ang fountain sa gitna ng university. Bukod sa napakaganda ay mahalaga rin ito sa akin dahil sa isa ang mga magulang ko sa mga estatwang nakatayo sa fountain na iyon.

Ang Twelve legendary Rulers, ang mga taong namumuno sa lugar na ito matagal na panahon na ang nakakalipas. Hindi ko man alam kung anong eksaktong ginawa nila sa lugar na ito. Pero isa lang ang alam ko. Napaka-astig ng tawag nilang iyon sa kanila.

Minsan ko nang nalapitan ang fountain at nakita ko agad ang estatwang tumatayo bilang si Mommy at Daddy. Ang iba naman ay ang mga kaibigan nila, ngunit nang tanungin ko si Kuya at si Lolo kung nasaan na ang mga ito ay isa lang ang sinasabi nila, na nabuwag na ang grupong kinabibilangan ng mga magulang ko.

Bagay na ikinahinayang ko dahil wala na akong pag-asang makilala ang mga ito. Gusto ko silang makilala hindi dahil sa naiintriga ako sa kung anong nagawa nila sa University, kung hindi ang katotohanang gusto ko pang makarinig ng maraming mga bagay patungkol sa Mommy ko.

Kung anong klaseng tao ang Mommy ko, kung paano siya ngumiti, kung paano siya naging isang ganap na magulang sa amin ni kuya at lahat pa ng bagay na lubos kong ikinangungulila sa kanya. Kay Mom, sa babaeng matagal ko nang hindi nakikita.

Ang akala ng lahat maging ni kuya ay wala lang ang lahat ng ito sa akin. Pero ang totoo'y iniiyakan ko ang lahat sa tuwing mag-isa na lamang ako. Hindi ko alam, ito na lang din siguro ang tanging paraan ko upang manatiling matapang. Maging manatiling masaya, alang alang sa kuya kong ramdam kong nahihirapan na rin sa sitwasyon ng aming pamilya.

Ang mga luha ko'y binawi ko nang isang mapait na ngiti. Bagay na kinasanayan ko na sa kabila ng huwad na kasiyahang ipinapakita ko sa lahat.

I shook my head as I convinced myself not to cry again.

Nabalik ako sa realidad nang makarinig ako ng katok sa aking pintuan. Bagay ma ikinasabik ko dahil baka si Ate Myrttle na ito!

Lulukso-lukso kong tinungo ang pinto at masayang sinalubong ang taong nasa likuran nito.

"Wahhh ate—" Ngunit tuluyang nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ito.

Shocks!

"K-Kuya Hunt," bulalas ko nang ang walang kaemo-emosyong si kuya Hunt ang tumambad sa harapan ko.

Naka-pamulsa ito at tila ba sinisiyasat nang seryoso ang buong katawan ko. Naka itim na naman ito. Bagay na nakasanayan ko na dahil simula't sapul ay hindi ko na nakitaan ng ibang kulay ng damit si Kuya Hunt.

Hindi naman ako nito inimikan at ipinaling lang ang tingin sa mga pasa sa braso ko.

Patay!

Agad kong itinago sa likuran ko ang aking kamay na naging sanhi ng matalim nitong pagtingin sa akin.

"P-Pasok ka kuya Hunt. Si Kuya po?" kabado kong lunok sa sarili kong laway!

Sige Celine, daldalin mo! Huwag mong hayaang banggitin niya ang mga bagay na nakita niya sa braso mo.

Pero hindi ako nito sinagot at pumasok lang nang mabilis sa loob ng clinic.

Wahh! Bakit... Bakit ang sama-sama sa 'kin ni kuya Hunt? Cute naman ako ah? Why so cruel?

Maluha-luha ko lang siyang sinundan ng tingin. Pero walang pakialam lang itong umupo sa sofa at kinabit nabnaman ang headset niya na kulay itim din.

Hunt Spark, ang pinakaclose ni Kuya sa lahat ng kanyang miyembro. Hindi ko alam kung paano sila nagkakaintindihan sa lagay na 'yang napakasungit nilang dalawa. Pero magkasundo talaga sila. Ang weird, oo. Pero siguro'y may mga bagay lang dito sa mundo na nananatiling misteryo. At nakakatawang isiping ang pagkakaibigan nila Kuya at kuya Hunt ay kabilang sa mga misteryong iyon. Pfft... But then, hindi ko pa rin nakakausap si Kuya Hunt ng matino sa tanang buhay ko.

Ang totoo'y may angking kagwapuhan si Kuya Hunt. May sobrang nakaka-akit na tinging nakakatakot din at the same time. May sobrang puting balat na akala mo ay tuluyan nang nawalan ng dugo. At ang kanyang jaw line! Talaga namang nakaka-wow! Pero perfect na 'eh. Sobrang gwapo na niya. Pero sobrang sungit nga lang! Ni hindi ko pa nga siya nakikitang ngumiti. I can't imagine kung gaano tutulo ang laway ng lahat kapag natuto nang ngumiti si Kuya Hunt.

But what if, gumawa ako ng paraan para ngumiti siya?! 'Eh, kung ihanap ko kaya siya ng partner!

YAH! Tama! Napakatalino ko talaga!

"Lalaking 'yan talaga. Celine! Padalaw kami hah." buntong hahinahong sabi sa 'kin ng tao sa likuran ko. At agad akong napalingon dito nang may pagkinang muli ang aking mga mata!

Isang babaeng may katangkaran. May magaganda at bagsak na bagsak na buhok. At kumikinang ngunit walang emosyong mga mata....

Yah! Si ate Kiera nga!

Agad kong niyakap si ate Kiera sa sobrang pagkamiss ko rito. Na agad ko namang binitawan dahil natanaw ko sa likuran nito ang isa pang lalaking kasing-tangkad ni Ate Kiera, kasing puti nito, at katulad na katulad niya ang mata.

Ash Taylor! Ate Kiera Taylor's twins.

Yahh! Nandito na ang Poker face Prince at Princess!

Sila ang pinakawirdong kambal sa University na ito. Dahil sa mga mata nitong kumikinang na taliwas sa kanilang walang emosyong mukha.

Kadalasang walang lumalapit sa magkambal at saksi ako doon. Dahil kahit na sila kuya Blaise ay tyumi-tyempo pa kung kailan alam na nilang makakausap na nila ng matino ang dalawa.

Minsan ay kinakausap nila ako, at sa tingin ko ay mabait naman sila. Bagay na hindi ko rin sigurado dahil malimit ko lang din silang makita.

Nagtama ang tingin namin ni Kuya Ash at kinilabutan ako dito, kinilabutan hindi dahil sa sama nang tingin nito, ngunit kinilabutan dahil sa napakalamig nitong pagtrato.

"Ah-eh, tuloy po kayo Ate Kiera, Kuya Ash," masigla kong pagpapapasok sa kanila at itinago na rin ang mga pasa ko sa braso.

"Tss, hindi mo na kailangang itago 'yan Celine, alam na namin ang lahat," kalmadong sabi ni Ate Kiera na ikinagulat ko nang husto.

Alam na pala nilang lahat. Nakakahiya, ang hina-hina ko kasi. Nang dahil sa kahihiyang nararamdaman ko ay tuluyan nalang akong napayuko.

Na agad naman ding napatunghay namg maghari sa buong lugar ang boses ng isang pang gwapong nilalang.

"Baby girl!" Tawag sa akin ng isang lalaking nasa corridor pa ng clinic.

Oh god!

"Kuya Ethan!" Salubong ko sa gwapong nilalang na nagngangalang Ethan Romsay! My god, hindi ako nananaginip. Talagang si kuya Ethan ang narinig ko!

Ethan Romsay, ang pinaka-sweet at sobrang close ko sa lahat. Makulit, childish at matakaw. Iyan ang tunay na depenisyon ng isang Ethan Romsay!

Niyakap namin ng mahigpit ang isa't-isa na tila wala na namang bukas.

"Namiss kita my Baby girl," gigil nitong bulong.

"Aww, I missed you too Kuya," maluha-luha ko namang tugon sa kanya.

Seriously, I miss him so much!

Ngunit laking gulat namin nang dalawang malalaking kamay ang naghiwalay sa pagkakayakap namin sa isa't-isa. Teka, parang alam ko na ito ah! H'wag mong sabihing...

"Hoy! Bitawan mo nga si bunso! Chansing kang kutong lupa ka!" Awat ng isang self-proclaimed na pinakagwapong lalaki sa buong mundo.

Pinipigilan kong tumili pero parang hindi ko na talaga kaya!
Kuya Landon!
Si crush.

Landon Ace
. Sa kanilang lahat, si kuya Landon ang pinakamatangkad. Hindi ko alam kung saang engkanto siya pinaglihi pero sobrang gwapo niya talaga! May bilugang mga mata na sadyang nakakatunaw kung tumingin. Ang napakatangos nitong ilong. Hindi pa kasama doon ang lagi niyang nakangiting labi, at ang approachable nitong ugali na pansinin ng lahat.

Siya iyon! Si Kuya Landon Ace ang nilalang na iyon! Nilalang na bumibihag sa halos kalahating populasyon ng mga babae sa University na ito maging sa Harrison High!

Oo! Siya na talaga!

"Chansing ka diyan? Utak mo talaga Landon," angal ni kuya Ethan dito at malakas na hinawi ang napakalaking kamay ni kuya Landon sa mukha niya.

"Anong utak ko?" angil nito at ako? Wala, heto at tumutulo lang ang laway, dahil may dalawang gwapong nilalang lang naman ang nag-aaway sa harapan ko.

Pero sa maniwala ka at sa hindi, isang bagay ang dahilan ko kung bakit hindi ko sila inaawat. At ito ay sa kadahilanang sanay na ako sa mga ito.

Sa katunayan nga may mangyayari talaga sa loob nang...

3...

2...

"Ay meron ba?" pilyong asar ni Kuya Ethan dito.

Inilayo ko na rin nang kainti ang sarili ko.

1.....

At gaya nang inaasahay ko ay agad ngang sinugod ni kuya Landon si kuya Ethan. At inikot ang braso niya sa leeg nito kasabay ng pagkutos dito.

"Ahh! Tigilan mo ko!" sigaw ni Kuya Ethan na ikinangiwi ko. Sa totoo lang ay naawa ako kay kuya Ethan. Lalo na't wala siyang palag dahil mala-David and Goliath lang naman ang pagtatalo nila. Bagay na ikinatatawa lang ni kuya Landon dahil sa pagtatagumpay nito.

Natutuwa akong pagmasdan nila ngunit nang mapagtanto kong nakaharap pala kami sa kambal ay tuluyan akong kinilabutan. Lalo na noong makita ko ang kambal.

Oh, no! This is not good.

Pinilit kong kalabitin ang dalawa, "Mga Kuya," singit ko sa dalawang ito ngunit hindi nila iyon ikinatinag.

"Yah, Ace Landon! Itigil mo na kasi! 'Yung hairstyle ko!" pagwawala ni kuya Ethan sa mga bisig ni kuya Landon na hindi naman nito pinansin dahil tuwang-tuwa ito sa ginagawa niya.

Nagmamakaawa akong tinignan ni kuya Ethan. "Baby girl, help!"

Pero napakagat labi lang ako dahil alam ko namang hindi ko siya kayang tulungan. I'm sorry kuya Ethan!

"Tsk, tama na kasi Ace! Porque protektado ng sumbrero mong 'yan ang buhok mo, ganyan ka na manggulo ng buhok," naiiyak na angal ni Kuya Ethan. Pilit pa nitong inaabot mula sa likod ang buhok ni kuya Landon pero hindi niya talaga makaya.

Pero kailangan ko na silang pigilin! Kinikilabutan na ako sa matatalim na tingin ng kambal sa kanilang dalawa.

"Mga- k-kuya, si-si at-ate Kiera," takot kong pigil sa mga ito ngunit tila ba wala silang narinig. Ikinagulat ko na lang nang nagtatarang na sa sakit ang dalawa dahil piningot na pala ni Ate Kiera ang kanilang nga tainga.

"Aray!" ngawa ng dalawa at mukhang napakasakit nga niyon.

"Let's go inside. You need to rest." malamig sa aking utos ni kuya Ash na lubos kong ikinagulat.

Pero bakit ang gwapo pa rin niya? Yah! nagkakasala na ako kay kuya Landon nito.

Wala nang nagsalita matapos niyon pero nagulat ako nang humarap siyang muli sa akin at hindi na muna itinuloy ang pagpasok sa clinic.

"Celine." Biglang lumakas ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses ni kuya Ash.

"P-Po?" Ngunit napangiwi ako sa sakit nang hawakan niya ang pasa ko sa braso.

"'Yung mga nanakit sayo si—" napatigil ito. "Wh-why are you crying?" gulat na tanong nito sa 'kin dahil sa naluluhang mga mata ko.

Masakit talaga ang pagkakahawak niya pero... shocks lang!

Totoo ba ang nakita ko?

Nagulat siya! Nagkakaroon siya ng ekspresyon sa mukha!

"M-May pasa po kasi ako sa hinahawakan mo k-kuya," diretso kong sagot dito na sanhi nang mabilis niyang pagbitaw sa akin.

"So-sorry I don't mea—" Pero napatigil ito.

"Yiieee, concern si Ash!" kantyaw ni kuya Landon dito.

"Nice bro! Nag-iimprove ka na," natatawa namang dagdag ni Kuya Ethan.

Gusto kong kiligin sa sinasabi nila pero hindi ko magawa dahil sa sakit ng pasa ko.

Siniko naman silang dalawa sa tiyan ni ate Kiera na talaga namang masakit!

"Kiera, ang brutal mo," hinaing ni kuya Landon dito na nakanguso pa.

"Ash! 'Yung kambal mo oh!" sumbong ni kuya Ethan kay kuya Ash. Pero hindi lang siya pinansin nito at bumalik nalang muli sa pagkawalang-paki sa lahat.

Tinanguan na lang ako nito at tuluyan nang tumalikod sa akin para pumasok sa kwarto ko.

"Kung brutal ako. Ano pa siya?" Taas-kilay na tanong kila kuya Landon ni ate Kiera nang walang katono-tono.

Bagay na ikinalunok ko.

Oo nga, hindi ko ma-imagine kung paano manakit ng pisikal si kuya Ash.

"Sabi ko nga. Tigilan mo na kasi Ace," ani ni Kuya Ethan kasabay ng pagayos nito ng kanyang tayo.

"Anong ako, ikaw kaya." angal pa nito...

* * *

Ilang minuto na ang nakalipas at nandito pa rin silang lahat sa clinic. Hinihintay siguro nila si kuya Blaise, kagaya ko.

Si kuya Hunt na hindi pa rin namamansin ay kasama ang headset niya. Nakaupo lang ito sa sofa at payapang ipinipikit ang kanyang mga mata.

Ang magkambal naman ay may sari-sarili nang hawak ng libro. Si kuya Ash, Detective novels. Samantalang si Ate Kiera naman ay Academic book.

Si Kuya Landon, na nagdududutdot lang sa kanyang tablet.

At si Kuya Ethan... nasa tabi ko...

"Baby girl, ito pa oh," masayang alok nito sabay bigay niya sa 'kin nang isa pang balot ng roller coaster. Ang pagkaing paborito naming dalawa. Isa itong junk food na tila ba singsing na nababalutan ng cheese powder.

Bawal ma ito sa akin ay nagpapasaway pa rin akong kainin dahil sarap na sarap ako dito.

Isa pa, kapag wala lang naman si Kuya Blaise ako kumakain nito . Dahil alam kong kapag naabutan niya ako ay mag-uusok nanaman ang ilong nun.

Masaya kong tinanggap ang alok ni kuya Ethan at tumutok lang muli sa pinapanood namin sa tablet ko na Spongebob the movie.

Napakaprente pa nang pagkakaupo namin ni kuya Ethan sa kama habang lumalapang ng naglalakihang Roller coaster. At naku talaga, hindi ko alam ang sasabihin kay Kuya kung sakaling naabutan niya kaming ganito niKuya Ethan.

Sigurado akong mapapatay ni Kuya si Kuya Ethan....

Ngunit ikinalaki ng mata ko at halos tumalon ang puso ko sa gulat nang biglang bumukas ang pinto ng Clinic. Bagay na hindi ako handa, dahil si Kuya Blaise ito!

"Oh? Anong nangyari sayo?" bungad na tanong ni kuya Landon kay Kuya dahil putlang-putla ito. Tila pagod na pagod din dahil sa paghabol nito sa kanyang hininga.

Pero bakit?

Hanggang sa may kakaiba sa noo nito na agad kong pinanliitan ng mata.

Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako pero kahit na natatakpan ng kanyang bangs ang noo niya ay may kakaiba dito.

Kaya naman agad ko siyang nilapitan na tuluyang ikinakumpirma ng kutob ko.

"Kuya, bakit may sugat ka sa noo?!" nanggagalaiti kong tanong dahilan para takpan niya ang kanyang noo. Nagkukulay ube ito sa pasa. Pero ipinagtatakha ko ay kung bakit amoy alcohol ang kuya ko.

Ginulo nito ang buhok ko, "Alam ko bunso," kaswal nitong sagot na ikinasimangot ko.

"Anong alam ko?! Saan galing 'yan?! Nakipag-away ka na naman Kuya?!" sermon ko sa dito.

Nakakainis! Lagi nalang nakikipag-away! Paano kung hindi lang iyon ang nangyari?! Paano kung... Ugh!

"Anong away? May away ka boss?!" aktibong tanong ni kuya Landon na may kasama pang pagtayo sa kinauupuan niya.

Itinuon naming lahat ang aming atensyon kay Kuya para hintayin ang sagot nito. Pero imbis na sagutin ay umikot lang ang mata nito at tuluyang hinarap ako.

"Ang pagkakaalam ko talaga ako panganay 'eh. Kung maka sermon ka talaga akala mo..." ngiti nito sa 'kin.

"Tara na nga sa higaan mo." pag-iwas ni Kuya sa tanong naming lahat. Bagay na hindi ko ikinatuwa kaya pinamewangan ko ito.

Pero higaan daw....hala 'yung Roller Coaster!

"Ay kama!" gulat na hiyaw ni kuya Ethan kasabay nang malakas nitong pagbagsak mula sa kama ko. Pero halos ikatawa ko nang husto ng tumayo ito agad na tila walang nangyari.

Pero pinigilan ko pa rin dahil hindi ko maiwasang kabahan sa mangyayari. Takot ko nang tinignan si kuya at tuluyang pinagpawisan at nanlamig nang magsalubong ang kilay nito.

Paktay na talaga Celine.

Mariin akong napapikit nang mabilis itong lumapit kay kuya Ethan na putlang-putla na ngayon.

Please. Please. Please. Sana walang nahulog na junkfood doon.

"Ethan!" hiyaw ni Kuya Blaise na ikinagulantang naming lahat!

"B-Bakit?" namumutlang tugon ni Kuya Ethan dito.

Wahhh! Kuya Ethan sorry! Hindi ko talaga ginustong madamay ka.

"Bakit ang gulo ng higaan ni bunso?! Humiga ka nanaman dito 'no?!" inis na tanong ni Kuya kasabay ng pagaayos nito sa higaan ko.

Oh god. Wala talaga siyang nakita? Yah! I love you Lord!

Kung minsan maganda din ang pag-atake ng pagka-perfectionist ng Kuya ko 'eh.

Nang matapos ito ay pinahiga niya ulit ako doon at hinalikan sa noo. Bagay na kinasanayan ko na pero hindi pa rin ako magsasawang maramdaman ang saya ng pakiramdam na ito.

Kahit na istrikto. Sweet at caring naman ang kuya Blaise ko. Paano pa kaya kapag nakita na niya 'yong 'the one'?

Teka, wala pa pala akong nababalitaang babaeng trinato niya ng ganito ka-sweet. Bukod sa 'kin syempre.

Pero bakit ba ako aasa? Eh, the last time I remember ay para siyang may allergy sa mga kanabaihan. Ayaw niya sa mga babae. Lalo na sa mga tagahanga nito. Ewan ko ba sa gwapo kong kuya.

Eh kung si ate Myrttle nalang kaya?!
Yah! Tama! Gusto ko sila ni ate Myrttle!

"Kuya, si ate Myrttle nasaan na?!" masayang tanong ko at kita ko kung paano napalingon sa amin si kuya Landon na may pagtaas pa ng kilay. Ngunit hindi ko na inintindi pa iyon nang magulat ako sa reaksyon ni Kuya. Namula ang tenga nito at napakamot na lang sa batok.

Eh?

"Sino?" bangag nitong tanong. "Ahh 'yon? Malay ko sa babaeng amazonang 'yun!" sagot nito sa 'kin nang hindi nakatingin sa mata ko. Halata din ang inis sa lukot ng kanyang mukha na ipinagtakha ko nang husto.

Nakita ko ang pagngiti ni kuya Landon.

Pero bakit? Ano bang mali sa sagot ni Kuya?

"Oh siya, tumayo na kayo diyan. May meeting pa tayo," utos ni Kuya sa lahat kaya nagsitayuan na ang mga ito at hinalikan muli ako ni kuya sa noo.

Kinawayan ko ang mga ito dahil nauna na silang lumabas kaysa kay Kuya.

"Bunso, pahinga ka na ah. Pinasundo na kita kay Sebastian. Umuwi kaagad at huwag nang kung saan-saan pupunta." malumanay nito bilin kasabay ng marahan nitong pagayos sa buhok ko.

"Ay-Aye kuya!" buong ngiti kong sang-ayon dito gaya ng matingkad niyang ngiti sa akin.

Tama! Kailangan mong magpahinga Celine kung gusto mo ulit makita si Idol ate Myrttle.

~TO BE CONTINUED

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Where stories live. Discover now