Chapter 52: [Unmask]

144K 4K 2.4K
                                    

BLAISE HARRISON BLAIRE

"Mula ng matapos ang insedente na ginawa ni Ms. De Castro wala nang nagsubok pa na gumawa ng krimen sa loob ng University. Mapa special student man o ordinary." Paliwanag ko kay Lolo.

Nasa conference room ako ngayon dahil ipinatawag kami ni Lolo para mag-report sa kanya. Kakauwi lang nito galing Korea for some business matters. Kaya naman ngayong nakauwi na siya ay kailangan naming i-report sa kanya lahat ng naganap noong wala siya.

So far wala pa kaming nakikitang maling ginagawa ng mga Special Students. Kaya naman sa tingin ko ay kaya na naming pagbigyang ipagdaos ang foundation day ng Harrison University ngayong buwan.

"Yes Mr. Harrison tama ang sinabi ni Blaise. Binabantayan namin ang bawat galaw ng mga Special student sa University. Kaya naman walanng naglalakas ng loob sa kanilang gumawa ng mali." Dagdag pa ni Kiera.

Nandito rin silang lahat maliban lang kay Myrttle at kay Dayle.

Oo, opisyal nang rulers si Dayle.

Hindi ko alam kung bakit niya napapayag si Lolo. Since ang alam kong pamantayan para maging rulers ay kung blood related ka sa isa sa mga former rulers. But in any way, wala naman sigurong masama doon diba.

At si Myrttle?

Wala na siya, hindi ko na siya nakikita or let me say...Hindi na siya nagpapakita. Lagi niya nang kasama iyung dalawa niyang kaibigan na taga Engineering at taga Architectural department. At kada lalapit ako sa kanya ay maglalakad siya papalayo o bigla nalang aalis. And its freaking obvious na umiiwas talaga siya. That's nice, daig ko pa ang may ketong ngayon.

Gusto kong mainis, gusto kong malaman kung ano ba talagang problema niya. Pero wala akong pagkakataon itanong iyon. At oo nasasaktan ako. Wengya kasi, kung kelan huli na ang lahat saka ko lang narealise kung ano talaga siya sa buhay ko.

"Job well done rulers. So I think our school are capable to celebrate foundation week this coming m-month?" Ngiting tanong nito samin.

Napatingin agad ako kay Lolo. It seems like there's something wrong with him.

"Absolutely Mr. Harrison. Nag-send na sakin ng program at division of works ang student council. Ang hinihintay nalang ay ang pagpayag natin." Paliwanag ni Ash na inatasan kong kumonekta sa student council.

"Good, let me see it."

Napatingin nalang ako kay Ash sa sinabi niya. So prepared pala ang student counsil. But why do I have this bad feelings na may hin—

Pssh Never mind, masyado lang akong nagiisip.

Napatigil ako ng mag ring ang phone ni Lolo. Pinagmasdan ko lang siyang tumayo at sagutin ito.

And the moment na may sumagot na sa kabilang linya ay...

Shoot!

Agad akong tumakbo papunta sa kinauupuan ni Lolo dahil na out of balance ito.

"Lo! Are you okay?" Buong pagaalala kong hinawakan ang braso niya para alalayan.

"D-Dont worry Blaise, I'm okay. Nirarayuma nanaman kasi ako." Paliwanag niya habang takip-takip ang mouth piece ng phone niya. Tumayo narin ito ng maayos at inalalayan ko naman ito.

"Okay rulers, maganda ang program na inihanda ng Student counsil. Pero kayo parin ang bahala kung may tatanggalin kayo o idadagdag. I need to go, may kailangan pa akong asikasuhin. B—"

Kumunot ang noo naming lahat ng mapahinto ito sa kanyang sinasabi.

Binuksan na ni Lolo ang pintuan at para bang may tinitignan siya sa bukana nito. Nakatalikod ngayon sakin si Lolo kaya naman kakailanganin ko pang humakbang papalapit para makita kung ano ito.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon