Chapter 54: [Paint]

183K 4.4K 2.7K
                                    

HARRISON UNIVERSITY: The school of Monsters
By: GHIEbeloved

S O M E O N E

Sinalubong ako ng mga taong naka suit na itim. Sa pagkakakataong ito hindi na nila ako hinarang pa. Dere-deretyo lang akong naglakad sa isang pasilyo kung saan makikita ko siya.

Sa dulo ng pasilyo ay matatanaw ang lutang na lutang na imaheng nakaukit sa pinto.

Isang Pheonix. Isang Pheonix na may kakaibang desensyo.

Isang buntong hininga nalang ang pinakawalan ko bago ko buksan ang pintuan.

"What?! Tonta! Ang sinabi ko h'wag kayong magiiwan ng clue! Tignan niyo! Pumalpak tuloy kayo. Mga walang silbe!"

Lalong namuo ang inis at galit sa loob ko ng marinig ko ang mga salitang sapat na para patunayang tama ang hinala ko.

"Sorry po Ma'am, Hindi naman po namin alam na—"

Ngunit ikinabigla ko nang sampalin nito ang taong nasa harapan niya. Na agad kong ikinaalarma nang kunin nito ang baril na naka display sa isang salamin malapit sa table at itutok ito sa sintido ng kausap niya.

Sh*t!!

Dahil dito'y agad akong lumapit at hinawakan ang braso nito para pigilan siya.

"Stop it Dayle." Mahinahon kong pigil dito.

Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata nito ng makita niya ako.

Tahimik ko naring sinenyasan ang tatlong lalaking nasa harapan niya. Pero sinigurado ko munang matatandaan ko ang mga mukha nila bago sila makaalis.

"What the hell?! Bakit mo sila pinaalis?!" Galit na galit na tabig ni Dayle sa kamay kong nakahawak sa braso niya.

"Ang dapat sa kanila pinapasabog ang mga utak! Mga wala namang laman, they are all nonsense—"

I cut her.

I can't take this anymore.

"Ikaw ba ang may gawa nun kay Myrttle?" Seryoso at deretyo kong tanong dito.

Pero imbis na sagutin ako ay nawalan lang ng emosyon ang mukha nito kasabay ng kanyang pagyuko.

Sa muling pagkakataon, nakita ko nanaman ang kakaibahan sa kinikilos ni Dayle. And I'm still working for it para malaman ko kung anong punot dulo ng mga kakaibang ikinikilos niya.

Nananatili ako sa tabi niya, hindi lang dahil sa gusto ko siya. Kung hindi dahil alam kong kailangan niya ng tulong ko. Hindi man niya sabihin, pero sapat na ang mga mata niyang ito para maintindihan ko ang lahat ng iyon. Her eyes saying a thing that isn't clear. At isa iyon sa bagay na aalamin ko.

I choose Dayle.

Kahit na alam kong may malaking mawawala sakin sa oras na malaman ng lahat ito.

Well yeah,

I choose her over them.

I choose Dayle...over the Rulers.

This is the best thing I can do with this freaking situation. At gagawin ko ang lahat makatakas lang dito kasama siya.

I was about to tap her shoulder...nang bigla siyang tumawa ng malakas.

At sa kauna-unahang pagkakataon natakot ako dito..

She's getting worst...

"Why? Anong gagawin mo kung ako nga ang may gawa nun?" Natatawa pa nitong saad.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Where stories live. Discover now