Chapter 58 [Comeback]

174K 4K 1.2K
                                    

MYRKO JOONG

Inihinto ko ang sasakyan ko sa isang kilalang mall. Kakarating ko lang din sa pilipinas. At oo, I still have my jet lag, but the things I'd found out didn't allow me to rest. Ayokong ipahinga ang sarili ko lalo na ngayong malapit ko ng mahanap ang sagot sa mga tanong na noon pa dapat namin nalaman.

It's my right to know everything. It's also her right to know all these mess that buries our identity. Ang pinagmulan namin, ang pagkatao naming mag kambal.

But he take it away from us. Chairman Yamato Joong take those sh*ts away from us, our grandfather. Our god forsaken grandfather!

Agad akong nagtungo sa lugar kung saan walang nakakaalam o makakamukha sakin bilang si Myrko Joong.

At kung saan ito?

"Good Morning Sir, welcome to Kiddy Ice-cream house." Ngiti sakin ng babae pero hindi ko na ito nginitian pabalik. Ni hindi ko na nagawang ngumiti sa kahit na kanino. Wala, wala na akong karapatang sumaya ngayon.

Umupo na ako sa favorite spot ko kung saan isolated ako sa mga katabi kong lamesa.

Sinabi ko narin sa waiter ang order ko para wala na akong iintindihin pa.

Ang store na ito ay may kakaibang layout kumpara sa ibang mga ice cream parlor na alam ko.

Kahit na pambata ang pangalan ng ice cream parlor na ito ay nakakatuwa parin dahil may privacy area sila. At dito ako nakaupo ngayon.

Ang privacy area ng Ice cream parlor na ito ay isolated sa iba pang mga lamesa. Kakailanganin mo pang tumayo para makita kung sino ang nasa kabilang bahagi ng debisyong naghahati sa mga ito.

Ilang minuto lang na akong nakatulala sa lamesa ko ng dumating ang order kong Ice-cream. I also stared at my ice-cream at minabuti na munang isantabi ito.

Lutang ang isip ko, ni hindi ko magawang buksan ang bag ko ngayon dahil natatakot ako sa maari kong makita.

But I take my courage to open my bag and took the photo album that I've found at Chairmans Office.

Wala akong ibang nakuhang files patungkol sa pamilya namin ngunit mabuti nalang ay nahanap ko ang isang photo album na ito na naka lagay pa sa pinakailalim na drawer ng desk ni Lolo.

Again, my body stopped when I read the name writen on its cover.

'Joong Family'

Hindi ko nagawang buksan ito buong biyahe dahil pakiramdam ko ay hindi ko kaya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, gulong gulo ako sa dapat kong maramdaman. Galit, poot, pagkadismaya, inis, lungkot, maging ang pagkasabik. Iyan ang mga emosyong nag-uunahang pumangibabaw sakin pero sa kabila noon. Namumuno parin ang takot dito sa puso ko.

Sa gitna ng aking pangangamba ay bigla nalang nag-appear sa isip ko ang kapatid kong si Myrttle bago niya ako iwan.

Her straight face yet her eyes with full of sadness. Bagay na agad mariin kong ikinailing ang ulo.

Hindi! hindi ko dapat ngayon iniintindi ang sarili ko. I need to know everything para sa kapatid ko! There is no place for what Myrko feels right now! Wala!

Kakabog-kabog ang dibdib ko ng buksan ko ang unang pahina ng photo album.

Ang larawan sa unang pahina ay ang picture ni Lolo at Lola ko noong kinasal sila. Sa kulay palang nito ay makikita mo talaga ang kalumaan ng litrato. They look young here, at napangiti ako ng makita ko ang ngiti ng yumao kong Lola.

Nakangiti ito ng napakaganda...

Myrttle, alam ko na kung saan mo nakuha ang ngiti mo. I said at the back of my mind.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Where stories live. Discover now