Chapter 64: [Wicked]

151K 4K 815
                                    


* * * * *

Hindi kayang ipaliwanag ng salita ang sayang nararamdaman ng tatlong reyna sa kani-kanilang mga upuan. Hindi rin naman nila maitatangging sila ay kinabahan sa pagaakala nilang ang rulers lang ang lalaban sa mga tauhan ng Fifth Giant.

"How many Harkinians, Harrison University had?" Tapik ni Kenzy sa kanyang protector na si Jacob. Kinuha naman agad nito ang kanyang specialize glasses at may pinagpipipindot dito. Ang salamin ni Jacob ay hindi ordinaryo. Ito ay may mataas na kapasidad upang malaman kung sino si sino at kung sino si siya. Agad na nag function ang specialize glasses ni Jacob sa mga special students na nasa screen ngayon. Napakadami nila at talaga namang malaking bagay ito para sa mga rulers.

"Fifteen My Queen. Fifteen students." Ngiti ni Jacob sa kanyang reyna pero nagulat ito ng batukan siya ni Kenzy ng malakas.

"What was that for?" Tanong ni Jacob na parang walang epekto sa kanya ang malakas ng batok ni Kenzy kahit ngayon ay natabingi na pati ang kanyang salamin.

"Don't call me the way Blaise called Myrttle! That endearment really irritates me! Darn! How dare that creature to fall inlove with my Myrttle!" Panggagalaiti ni Kenzy at napalayo nalang ang Grupong 'the keeper' dito dahil sa aura ni Kenzy na nakakamatay.

Tahimik lang naman na napangiti si Jacob dahil alam niyang pag ngumiti sya ay makakatikim nanaman ito ng malutong na batok mula sa kanyang reyna. At di naman maitatangi ni Jacob na may kalakasan nga ito.

Matagal na nitong gustong pisilin ang pisngi ng kanyang reyna ngunit takot siya dito. Jacob find Kenzy's cuteness when she had tranthroms.

But Kenzy was alarmed when she saw White Knight making his way to Autumn.

"May I have a minute with you Queen Akemi." Nagulat si Autumn ng bigla siyang kausapin ni White Knight. Si White knight ay ang pinaka misteryosong myembro niya sa Grimione Palace. Bukod sa hindi nito pagtanggal sa kanyang maskara ay wala ding mahanap na pagkakakilanlan si Autumn sa taong ito. Ang Grimione Palace ay may ibang pamamalakad kumpara sa Crimson palace dahil dito ay maaring maging myembro ang kahit na sino man ng hindi pinapakialaman ang kanilang pagkakakilanlan. Ngunit sila lang ay magiging myembro ng naturang debisyon kung magagawa nilang sagutin ang palaisipang si Autumn mismo ang gumawa. Sa makatuwid, ang lahat ng myembro ng Grimione Palace ay may angking mga katalinuhan bukod sa kagalingan nitong magsilaban. Si Autumn ay ang pinaka matalino at malikot ang isip sa lahat ng reyna. Kaya naman ganito rin ang ginusto niyang maging paguugali ng lahat ng kanyang myembro.

Samantala si Kenzy naman ay ang pinaka brutal. Takot sa kanya ang lahat ng nasa mga dibisyon sa pagkakakilanlan nitong madugong paglaban. Ngunit kung ang mga myembro ng Harkin Palace ang paguusapan ay may pagkakatulad din sa kanilang reyna. Brutal at madudugong paglaban gaya ng aplido ng kanilang reyna...ang pagiging isang BLOOD.

Si Aki naman ang pinaka tahimik lumaban sa kanila. Tahimik at swabeng swabe na halos hindi na namamalayan ng kanyang kalaban na mamamatay na pala sila. Ang mga myembro din naman ng Coleridge Palace ay may pagkakatulad din sa kanilang reyna.

At ang huli ay si Myrttle ang pinaka nakakatakot maging kaharap sa kanilang lahat. Natatago sa kanyang mga galaw ang tunay na pagkatao niya sa loob ng labanan. Natatagong pagkatao na ang mga reyna lang ang nakakaalam.

Sumunod lang naman ni Autumn sa binata at nagtungo ito sa lugar kung saan malayo sila sa lahat. Naramdaman ni Autumn ang pagsunod sa kanya ng tingin nila Kenzy at Aki ngunit sinenyasan lang niya ito na ayus lang ang lahat. Nang tumigil sa paglalakad ang binata ay tumigil din naman sa paglalakad niya si Autumn. Maalam lang na tinignan ni Autumn sa mata ang kanyang myembrong halos natatakpan na ang buong mukha. Nabalik naman si Autumn sa realidad ng mapansin niyang ilang minuto na silang nagtititigan ng taong nasa harapan niya.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Where stories live. Discover now