Chapter 62: [Special Students]

151K 3.9K 507
                                    

HARRISON UNIVERSITY: The school of Monsters
By: GHIEbeloved

MIESHA JOONG

Sa bawat minutong dumadaan ay para bang natutuyuan na ako ng laway kakalunok ko dito. Pasikip ng pasikip din ang dibdib ko habang tumatagal ang byahe namin papunta sa kambal ko. Pero ang totoo nito ay hindi ko alam kung ano bang ikinasisikip ng dibdib ko ngayon. Ang nalalapit bang pagkikita naming muli ng kambal ko o ang pananahimik ngayon ng magamang ito.

Nasa sasakyan kami ngayon ni Edward at siya ang nasa driver seat samantalang kami naman ni Myrko ay nasa likuran nito. Tahimik at walang nagsasalita saamin mula ng makabalik ako para bilhin ang ilang mga bagay. Hindi rin naman ako makapagsalita dahil ramdam ko ang bigat ng atmosphere.

Ibinaling ko ang tingin ko kay Myrko at natyempuhan ko itong nakasulyap sa harapan kung saan nandoon ang kanyang ama. Samantalang si Edward naman ay mangilang beses ko naring nahuling tumitingin kay Myrko gamit ang salamin sa harapan niya.

Naiinis ako, gustong-gusto kong sabihin na ang lahat para tapos na. Para hindi pa sila magkapaan pa. Para malaman na ng lalaking ito na nagbunga ang pagmamahalan nila ni Myldred. Ngunit hindi maari, sa tingin ko ay wala akong karapatang ibunyag ang lahat ng iyon sa kanilang mag-ama. Kung may makakapagsabi man niyon, si Myldred na. Wala ng iba...

Pero kung iisipin, dapat lang akong matuwa ngayon dahil nararamdaman ko na ang nalalapit na pagkabuo ng pamilya ng kapatid ko. I secretly gave my glance to the both of them at hindi ko maikubli ang ngiti sa mga labi ko.

May pagkakahawig palang talaga ang magama na ito. At sa tingin ko ay maging ang ugali ni Myrko ay namana niya sa kanyang ama. Dahil lubos kong ipinagtatakha kung saan nagmana ng pagkaisip batang ugali ang pamangkin kong ito. Kung sino man 'yun ay sinisigurado kong hindi iyon sa kambal ko. That probably the weirdest thing that can happen to my life kung naging childish si Myldred. Pfftt....

Pero ang reaksyon ko kay Edward? Ang totoo ay ikinagulat ko ang reaksyon nito at ang pagyakap niya saakin sa pagaakalang ako si Myldred. And at that point of time, nakita ko nang mahal niyang talaga ang kambal ko. Lalo na ng makita ko itong tumangis sa harapan ko.

Natutuwa ako, natutuwa ako dahil ramdam na ramdam kong napunan nga ng taong ito ang pagmamahal na ipinagkait saamin ni Papa. Napunan niya ang pagmamahal na kulang na kulang saaming dalawa bilang magkapatid. Napunan mo lahat yun Edward, at salamat doon.

Dati narin akong tumutol sa kanilang pagmamahalan dahil hindi ko tanggap ang may magpasayang iba sa kambal ko. Madamot ako, ang kapatid ko lang ang may roon ako dati kaya ayokong ayokong may ibang magpapasaya sa kanyang tao pero hindi. Walang nagawa ang pagkamadamot ko dahil ang kambal ko na ang kusang umalis sa rehas na kinakukulungan naming dalawa. Ang maging sunud sunuran sa utos ng aming ama at ang makaramdam ng hustong galit mula sa sarili naming kadugo.

Pero si Edward? Ramdam na ramdam kong mahal na mahal niya ang kambal ko at sapat na ang mga luhang nakita ko kay Edward kanina para makumpirma ito. Siguro nga ang pagmamahal na ito ang dahilan kung bakit naging masaya sa kanya ang kapatid ko.

Hindi ko alam, dahil buong buhay ko ay hindi ko man lang naramdaman ang bagay na yan.

Pinaling ko na ang ulo ko sa bintana ng sasakyan at pinagmasdan ang mga guhit sa kalsada na parang magkakadugtong na dahil sa bilis ng sasakyan namin ngayon. Hindi ko alam kung saan kami papunta ngayon, pero ang importante ay makikita ko na muli ang siya.

Si Myldred... Si ate Myldred... Ang karugtong ng buhay ko.

Hindi ko alam kung nadala lang ako ng sitwasyon ng buhay namin noon kaya hindi ko naiwasang magkaroon ng sama ng loob sa kambal ko.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon