Chapter 39 [Her other side I]

155K 4.4K 332
                                    

MYRTTLE JOONG

Ang mga mata kong mahimbing na nakapikit ay napalitan ng pagsalubong ng aking mga kilay nang may maamoy akong hindi ko mawaring nasusunog na bagay.

A-Ano 'yung amoy na 'yun? Bakit parang may nasusunog?

Ugh. Nevermind it Myrttle you're just tired and you need some rest!

Kaya naman ipinikit kong muli ang mga mata ko nang hindi ko na ulit 'to maamoy.

Sabagay, baka nananaginip lang naman ako.

Pero ilan pang sandali ay mas nanood ang nasusunog nitong amoy sa ilong ko!

What the hell?!

Dali-dali akong tumayo sa aking higaan at mabilis na bumaba para magtungo sa kusina at i-check kung may nasusunog nga. At literal akong nakapanganga nang maabutan kong nagbubuga na ng itim na usok ang oven ko!

GEEZ! WHAT'S HAPPENING!!

Nagmadali naman agad akong buksan ang oven upang ilabas ang nasusunog na....cake?!

Takte! Muntik nang sumabog!! Muntik na muntik na!

Nagising ang diwa ko sa nangyari. Ilang araw din akong hindi nakakatulog dahil sa ospital ako pinag-stay ng kambal kong 'yun. Kaya ngayon palang ako bumabawi ng tulog.

Badtrip din kasi ang isang 'yon! Alam na alam kung paano ako aasarin! Sinabi nang ayoko sa ospital!

Pero mas ikinasinghap ko nang tuluyan ko ng inilibot ang mga mata ko at nanlumo na sa itsura ng kusina ko ngayon.

"B-bakit ang kalat?!" Asar kong pamewang sa makalat kong kusina ngayon! Nakakalat ang harina sa paligid. Pati shells ng itlog ay nakakalat. Mga gamit sa pang-bake at ang lahat lahat ay wala sa sarili nilang lugar.

Ngayon lang ito nangyari. Tss. Matanda na ba talaga si Nay Julie at kailangan ko na siyang bigyan ng isa pang katulong dito sa bahay?

Wala naman na akong ibang nagawa kung hindi ang magbuntong hininga. Nagsimula narin akong maglinis. At hindi ko na ako nagabalang magsuklay pa o kung ano dahil wala na akong pakialam kung anong ityura ko. Basta ang mahalaga ngayon ay ang malinis ko na itong kusina ko.

Kasalukuyan kong pinupulot ang mga nakakalat na panghalo ng harina nang maramdaman ko ang isang presensya sa likuran ko. Ngunit alam kong si Nay Julie ito.

"Nay Julie ang kalat ng kusina. Naku hindi niyo na po talaga kayang magisa dito sa bahay. Papakuha na po ako sa panget kong kapatid ng isa niyo pang katulong dito sa bahay huh?" Mahinahon kong suhistyon kay Nay Julie habang maingat na hinuhugasan ang mga gamit na kasangkapan.

Medyo matanda na si Nay Julie at aware akong nahihirapan na siya sa pagaayus ng bahay. Hindi naman mabigat ang trabaho ni Nay Julie dahil tinutulungan ko rin siya pero sa tingin ko'y kailangan ko na ngang humanap ng makakatulong pa niya.

Mahirap man maghanap ng pagkakatiwalaan ay kinakailangan ko na talaga. Teka! 'E, kung si Paris nalang kaya? Pang mamaw naman ang energy ng babaeng 'yun.

Ngunit ipinagtakha ko kung bakit hindi saakin sumagot si Nay Julie kaya naman nilingon ko agad ito.

Na agad kong ikinakunot ng noo dahil isang hindi ako inaasahang taong ang nakita ko..

Isang Bwisita!

"Ah-Eh" kamot ulong tugon saakin ni Blaise pero agad ko siyang sininghalan!

"What the hell are you doing here?!" Deretyo kong tanong dito!

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Where stories live. Discover now