Chapter 29: [ Miesha ]

148K 4.6K 478
                                    

MYRTTLE JOONG

Tahimik lang akong umupo sa nag-iisang umbrella sa likod ng school na natagpuan ko noong isang araw matapos kong maglibot. Isa itong Stone desk na may nakapalibot ring batong upuan. May bakal na umbrella ring nakalagay sa gita ng lamesa nito na tumataklob sa kabuuan ng kinapwe-pwestuhan ko. Hindi ito kalayuan sa tinambayan namin ni Blaise kanina. Pero since likod ito ng school ay wala ni isang tao dito.

"Just like what my Mom did to his father." Mahina kong paguulit sa mga katagang sinabi ni Blaise.

Hindi magsink-in saakin ang bagay na sinasabi niya. Ngunit hindi ko rin matanggap ang ganitong paratang sa magulang na hindi ko man lang nakilala.

Pero sino ka ba talaga? Ano ka ba talagang klaseng tao?

Ano pa bang kasamaan ang itinatago mo?

Nakakainis lang kasi 'e. Sobra-sobra na ang galit ko sa kanya dahil sa pagiwan niya saamin ni Myrko. Pero bakit kailangan ko pang makarinig ng ganitong bagay? Bakit kailangan ko pang makarinig ng bagay na ikadadagdag lang ng sama ng loob ko saaming ina?

Pinipilit ko 'e. Pinipilit kong hanapan ng kabutian ang isang kagaya niya. Pinipilit kong maglagay ng isang huwad na sitwasyon na maari niyang maging dahilan para iwanan kaming mga anak niya. Pero bakit ganito? Bakit wala na akong maging dahilan para isiping kahit anong mangyari ay ina parin kita?

Bakit kasi?

At naramdaman ko nalang ang muling pagpatak ng mga luha sa mga mata ko. Bagay na ikinaiinis ko dahil kahit na ano pa mang isipin ko... ay hindi ko magawang hindi masaktan dahil ni hindi ko man lang siya napagtanggol sa lalaking iyon.

Hindi ko siya magawang ipaglaban dahil miski saakin ay isa parin siyang misteryo.

"Here."

Ani ng tinig sa likuran ko. Agad ko itong nilingon at bumungad saakin ang isang kamay na may tangan-tangang panyo.

Ipinagtakha ko iyon kaya naman agad akong tumingala para makita ang mayari ng boses na iyon. At sa hindi inaasahang pagkakataon ay si Ms. Nurse ito sa ospital na huli kong pinuntahan.

Ang babaeng may kakatwang katangian. At ang babaeng may angking kagandahan.

Pero anong ginagawa niya dito?

"S-salamat po." Abot ko sa panyo nito at nahihiyang pinunasan ang luha ko.

"Bakit po pala kayo nandito sa school? May pasyente po ba dito?" Tanong ko sa kanya ng tahimik din itong naupo sa tabi ko. Taimtim pa itong napapikit na tila dinadama ang sariwang hangin bago ako sagutin.

"Wala iha. May bigla lang nag-appear sa utak ko na may isang babae daw na umiiyak ngayon dito. Kaya pumunta agad ako." Ngiti nito saakin na agad namang ikinasaya ng kung ano sa dibdib ko. Nangyari ang lahat sa loob ng isang iglap. Na tila nawalang bigla ang bigat na nararamdaman ko.

Bagay na ikinangiti ko lang din dahil sadyang nakakahawa ang ngiti nito.

Ang totoo'y wala akong idea kung bakit ang gaan-gaan ng loob ko kay Miss Nurse. Pero ang kanyang prisensya ay tila ba kalinga ng isang ina na matagal ng kulang sa buhay ko.

"Naku iha. Hindi mo ako maloloko. Iyang mga ngitiang ganyan ay alam na alam kong hindi totoo." Ani nito na ikinagulat ko. Humugot din ito ng buntong hininga at mas lumapit pa sa tabi ko. "Tara nga dito."

Tuluyang yakap nito saakin. At isang majika nanaman ang naganap dahil sa isang iglap ay sabay-sabay nanamang pumatak ang mga luha sa mata ko.

"Shhh tahan na, okay lang 'yan." Mahina nitong bulong sakin. Samantala ay rinig na rinig ko ang pintig nang puso nitong may kabagalan.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Where stories live. Discover now