Chapter 61: [The Fifth Giant: MONTAGUE]

169K 4.1K 825
                                    

I dedicate this one to Angela Fabia.. Hey gurl sorry makakalimutin si ate.. love lots

HARRISON UNIVERSITY: The school of Monsters
By: GHIEbeloved

KENZIE BLOOD

"Jacob nasaan ba dito 'yung pinapabili ko?!" Pagdadabog ko sa taong tuod na ito. Kasalukuyan ko ngayong hinahalungkat ang pinamili niya pero walang junkfoods! Wala!!!

"Junk food are not good to you Queen Haruki." Walang emosyon nitong tugon sakin na lalo kong ikinainis.

Itong walang silbeng Protector na to wala na talagang matinong nagawa!

"Good, good ka diyan! Aghh!! Nakakainis." Hinawi ko ng padabog ang mga pinili niya at lumayas na sa harapan nito. Kainis! NAKAKAINIS!!

Dinadagdagan niya lang lalo ang inis ko. Dinadagdagan pa niya ang inis na nararamdaman ko kay Myrttle!

Padabog akong umupo sa sofa ng Condo ko, binuksan ang TV at nilakasan ang Volume nito. Nakita ko naman si Jacob na pinulot ang mga nalaglag na pinamili niya at inilalagay na iyon sa Ref ko ng walang kaimo-emosyon. Psh...

Naiinis ako kay Myrttle, parang may tinatago ito saamin. Alam kong meron, dahil hindi pangkaraniwan sa kanya ang hindi kami tawagan. Imposibleng lumagpas ang isang linggo ng hindi niya tinatawahan miski isa saamin. Pero ngayon? Ugh, she's making me more frustrated!

Tapos itong Jacob na to dadagdag pa! Kita nang junkfoods na lang ang nagpapasaya saakin pag naiinis ako.

Argh !!!

"Are you thinking about Queen Mizuki again?" Nagulat ako ng magsalita si Jacob na nasa tabi ko na pala ngayon at prenteng nakaupo sa Sofa kasama ako.

"Paki mo ba." pagtataray ko dito at tumutok lang sa pinapanood ko.

Sh*t ang gwapo talaga ni Lee Min Ho sa City Hunter! Pero Grrr. Hindi sila bagay nung leading Lady.

Mas bagay kame!

"Tsk, look Queen Haruki." Nanlaki ang mata ko kasabay ng pagatras ko rin ang ulo ko ng bigla akong hawakan ni Jacob sa magkabilang balikat at iharap sa gawi niya..

My heart is acting weird again. Its like, there's a drummer inside me that keeps on making noise.

Its makes ship my expression from my natural one. Poker...

"Hindi ba kababata mo si Queen Mizuki? At kilala mo na siya. Kaya kung may katanungan man dyaan sa iyong isipan. Alam mong may sapat siyang dahilan para maglihim sa inyo." Seryoso nitong kumbinsi saakin pero natawa lang ako sa harapan niya.

"What?" Inosente nitong tanong na lalo ko pang ikinatawa.

"Langya yang tagalog mo Jacob! Sino bang tutor mo at ang lalim naman ata ng tagalog mo." I said between my laugh but he just shrug at me at pinagmasdan lang ulit akong tumatawa.

Badtrip kasi, try niyo kayang makarinig ng tagalog na halata pang hindi hiyang tas ang lalalim pa?! Si Jacob lang yun!

Pero sa bagay... Tama siya..

Siguro nga may dahilan si Myrttle..

At napahinto ako ng tuluyan sa aking kakatawa ng biglang tumunog ang telepono ko.

Agad ko itong kinuha habang patuloy paring tinatawanan si Jacob.

"Pfft.. Hello?" Pauna ko dito.

Pero hindi ko inaasahan ang maririnig ko. Nang masabi na nito ang kailangan niya ay ibinaba ko na ang telepono.

Seryoso kong tinignan si Jacob na ngayon at hinihintay nalang din ang sasabihin ko.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Where stories live. Discover now