Chapter 41: [The mean Girls]

180K 4.6K 1K
                                    

S O M E O N E

Binuksan ko ang pintuan patungo sa kwarto nito. At gaya nang dati'y nakita ko nanaman itong nakatitig sa labas ng kanyang bintana na para bang may hinihintay.

Naka-upo ito sa kanyang wheelchair at mugto nanaman ang mga mata. Ngunit makikita mo parin sa mga mata nito ang pag-asa, pag-asang may makakatulong pa sa kanya.

Tahimik lang akong nagtungo sa likuran nito kaya naman hindi ako nito napansin.

"Hinihintay mo parin ba siya? Hindi na siya darating pa." Napalingon naman ito sakin nang marinig niya ako sa kanyang likuran. She gave me her weak smile so I smiled back to her. Ang ngiting madalas kong makita sa isang taong kahubog na kahubog niya.

"No, trust her words. Ililigtas niya ako." Kontra nito saakin kasunod ng kanyang malulungkot na mga ngiti.

Hinawakan ko muli ang wheelchair nito at sinimulan nang paggulungin pabalik sa kanyang higaan.

She needs to rest.

"Alam kong may rason ka para gawin ang lahat ng ito anak," Napatigil naman ako sa sinabi niyang iyon. "But whatever it is.. Please do the right thing, think twice. Because once you broke someones trust.. Mahirap nang maibalik 'yun...or maybe...hindi mo na maibabalik pa 'yon."

Pero gaya nang dati.. Hindi na ako nagsalita pang muli sa kanya.

Pinahiga ko na ito sa kanyang kama at marahan ding nilagyan ng kumot. Pero napatigil ako nang hawakan niya ang kamay ko. May kung ano itong nilagay sa aking mga kamay. Isang regalo...

"Tell my daughter Celine... Happy Birthday." Kasabay nito ang kanyang marahang pagbitaw sa kamay ko at nakita ko sa sulok ng mga mata nito ang mga butil ng luha ng pangungulila..

I'm sorry...

MYRTTLE JOONG

Naalimpungatan ako nang nag vibrate ang phone sa katabi kong drawer.

Tss, Sino ba kasi 'to. Ang aga aga pa 'eh!

Tamad ko lang na kinuha ang Phone ko at bangag itong sinagot.

"Hoy babae."

Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang boses ni Blaise sa kabilang linya. Gulat ko lang ding inilibot ang mata ko sa paligid ko.

What the... bakit nasa kwarto ko na ako?!

"Tsk, Are you listening?!"

Hindi ko lang siya sinagot at naglakad lang ng pabalik-balik.

Ugh... Anong nangyari? Bakit wala akong maalala? Bakit ako napunta sa kwarto ko?

Ang pagkakatanda ko, nakatingin lang ako sa road lane kagabi habang umaandar yung sasakyan ko...

"Ugh, ten minutes nalang tutunog na 'yung bell. Papasok ka ba?!"

Takte, bakit wala akong maalala? Ano ba kasing nanyari?!

Napatigil akong bigla.

Teka....

H'wag mong sabihing nakatulog ako at si Blaise ang...

"I'll hang this up, Anyways, ang bigat mo, Tabatsoy."

Putol niyo sa linya na tuluyan kong ikinatulala!

No...This can't be..

Yahh!!!

Napalingon ulit ako sa phone ko dahil may tumatawag nanaman dito.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon