CHAPTER 1 of 15: "Passport"

10.1K 86 30
                                    

AUGUST 2015

"Ednaaaa! Ano ba yan, ang ingay mo d'yan sa taas!"

Ang nanay ko, si Jovita, sumisigaw. Naririnig niya yung kalabog na nagmumula sa kwarto ko.

Matapos ang ilang minuto, bumaba na ako.

"Nay, hindi ko kasi mahanap yung bagong CD album ni Dexter na binili ko kanina."

Tumingin sa'kin si nanay, at nagtanong, "album? CD? Di ba nabili mo na kanta ni Dexter sa cellphone mo?" 

Naglakad si nanay palapit sa kinatatayuan ko, at nagtanong ulit. 

"Bakit bumili ka pa ng album? Edna naman, hindi ka ba nanghihinayang sa perang ginagastos mo para di'yan sa lalaking yan.. Na hindi mo naman boyfriend!"

Sumimangot ako kay nanay, pero kunyari lang naman.

Arte lang.

Alam ko namang nang-aasar, at nanglalambing lang siya.

Aware naman si nanay na dahil kay Dexter, ang aking one and only idol na pure-blooded Filipino, eh mas madali akong naka move-on sa pagkamatay ni tatay nung nakaraang taon.

Ngumiti sa'kin si nanay, at nagyaya nang mag hapunan.

"Kain na tayo. Papanoorin ko pa yung teleserye ni Maureen. Ang ganda, parang pelikula ang pagkaka gawa. Kaabang abang na yung mga eksena."

Nginitian ko si nanay.

"Okay nay."

Mamaya ko na lang hahanapin yung album ni Dexter. Panigurado, naipatong ko lang kung saan yun nung dumating ako dito sa bahay kanina.

Dumeretso na ako sa kusina para kunin yung kanin na nakalagay sa rice cooker -- tapos, nilagay ko na sa table.

"Aba nay, sosyal tayo today ah, tocino! Pasensya ka na di ako nakaluto kanina."

"Okay lang anak. Binili yan ni bakla kahapon, niluto ko na. Andyan yung grocery niya, tingnan mo sa tabi. Binilhan ka din nya ng make up, andyan sa katabing table, diyan ko nilagay." 

Bakla ang tawag ng nanay kay kuya. Minsan, bakla rin ang tawag ko sakanya lalo na pag nag lalambing ako.

Roy ang birth name ni kuya, pero Royal na ang namesung (pangalan) na ginagamit niya sa bahay, o pag kasama niya ang mga malalapit niyang kaibigan, at mga officemates.

Mas maganda pa kuya ko kesa sa'kin. Well, maraming tao ang nagsasabi.

Mahaba ang buhok niya, at ayos na ayos lagi. Samantalang ako, eh kahit anung ayos ng buhok ko, okay na. Hindi ko ugaling mag suklay pag andito lang sa bahay, o nandiyan sa labas o sa tindahan sa kanto. May bubey (dibdib) na rin si kuya, ka iinom ng pilar mateo (female hormone pills) -- although tinigil na niya last year, natatakot daw kasi siya magka cancer.

Speaking of the devil.. Aba, ang kuya, nag grand entrance.

"I'm here ladies! Na miss nyo ba akech (ako)?"

Agad niyang isinara ang pintuan ng bahay at lumapit kay nanay. 

"Mano po nay. Nakakaloka, ang traffic nanaman. Well, nag LRT na lang ako, at bumaba sa Santolan, bago nag jeep." 

Matapos niyang mag-mano ay agad siyang tumingin sa akin. 

"Hoy babae," sabay turo sa akin. "Iniwan mo nanaman ako kanina. Nabili mo lang gusto mo hindi mo na ako hinatid sa trabaho ko. Ang damot mo ha, gasgasan ko yang kotse mo eh."

"Bakla naman, alam mong nag mamadali ako kanina. Inaantay ko kasi yung announcement ng manager ni Dexter tungkol dun sa concert niya. Please understand na lang," paliwanag ko naman.

Passport to Lurve (Love) [Completed]Where stories live. Discover now