STAR IN LOVE

9.6K 111 8
                                    

PROLOGUE

Hindi pa rin ako makapaniwala na si Dexter Mercado, ang kauna-unahang Filipino internet sensation turned international star, eh nasa loob ng bahay namin ngayon.

Actually, nakaupo siya ngayon sa isang sofa sa sala namin, kasama ang nanay at kuya ko. At ako naman, andito sa taas, sa kwarto ko, at nag re-retouch. 

To make the long story short -- eh MEDYO naging close na kaming dalawa ni Dexter. Sa katunayan nga eh kaka-order pa lang niya ng food online. Kakain daw kasi kami dito sa house -- with my whole family. 

Ako si Edna Mariano from Caintuuhhh, Rizaaaal! (ang over-acting version ng Cainta, Rizal pag sumasali sa beauty contests). 

But please.. Don't call me Edna, just call me Ed, para mas cool pakinggan.

May naging girlfriend si Dexter. Si Maureen Dulce, ang "primetime queen" ng isang network. Pero wag natin siyang pag usapan. Nakaka bad vibes eh. 

Anyway..

Hindi ako sigurado kung saan o paano nagsimula ang friendship namin ni Dexter. 

Pero sa totoo lang, magkasama kami ngayon dahil sa passport niya -- oo, dahil sa passport, yung ginagamit para makasakay ng airplane papuntang ibang bansa.

Sumikat si Dexter dahil sa YouTube, nung inapload niya ang isang "cover" ng kanta ng isang late 90s boyband. And then, he became the first Filipino to have a video with 200 million views on YouTube. 

What an achievement! 

At pagkatapos ng viral video na yun, eh nagsunod-sunod na ang blessings na natanggap niya.. 

At ako naman, well, maniniwala ba kayo na fan lang ako ni Dexter dati? 

Ang maipagmamalaki ko lang, si Dexter, suportado ko na yan since the beginning. Even before niya i-upload ang video sa YouTube na nagbago ng buhay niya.

Tapos na akong mag suklay. 

Light foundation, check! 

Lipstick, check! 

Cologne na binili ni nanay, check!

It's time to come down and meet the prince!

Pababa na ako ng hagdan, at unti-unti ko nang na-aaninag ang napaka-guwapong mukha ni Dexter.

Oh such a cute guy, ang dimples! Pamatay!

"Tugs tugs," sabi ng puso ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.. 

Kinakabahan kasi ako..

Simula kasi nitong mga nakaraang araw, ang tingin ko sa kanya, eh parang hindi na si Dexter na international star.. 

Ibang tao na ang nakikita ko.. 

Siya na si Dexter na nagpakita sa akin na wala palang imposible sa mundong ito.. 



Passport to Lurve (Love) [Completed]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz