CHAPTER 13 of 15: "White Lie"

3.4K 64 3
                                    

Nasa harap ko si Dexter, may hawak na isang bouquet of red roses.

Pawis na pawis siya kasi katatanggal lang niya ng maskara.

"Ano yan? Payment?" Tanong ko.

"Hindi ka ba puwedeng ligawan?" Sabi naman ni Dexter na abot-tenga ang ngiti at pawis na pawis ang mukha dahil sa maskara.

"Liligawan mo ako? Aba, at in-announce mo pa talaga sa harap ng kapatid at nanay ko," sagot ko naman sakanya.

But seriously, deep inside, halos mamatay-matay ako sa kilig.

"Teka lang," sabi ni kuya, sabay lapit sa amin. "Liligawan mo kapatid ko?" Tanong niya.

Lumapit din si nanay. Parang hindi siya natuwa sa narinig niya.

"Binibiro mo ba anak ko?"

Tiningnan ni Dexter si nanay. "Ay nay, hindi po. Gusto ko po talagang ligawan ang anak niyo."

Parang sumimangot si nanay bago nagsalita. "Teka lang Dexter. Kung paglalaruan mo ang anak ko. Wag mo nang ituloy. Napanuod ko na yan sa mga teleserye at pelikula. Pag sikat ang lalaki, paglalaruan lang nila ang babae na fan nila." Paliwanag ni nanay.

Pero totoo yung sinabi ni nanay -- kaya kinabahan akong bigla.

"Nay, hindi ko po siya paglalaruan. I'm serious." Sagot naman ni Dexter.

"Umakyat muna tayong dalawa. Mag uusap tayo." Sabi ni nanay.

Nauna si nanay umakyat, at sumunod naman si Dexter.

Umupo sa harap ko si kuya. Hinugasan ko na ang kamay ko kasi hindi ko na maituloy ang kinakain ko.

"Pero bakla, tama si nanay. Wag ka muna magtitiwala. Imagine, kakahiwalay lang nila ni Maureen like two or three days ago, tapos liligawan ka niya?" Sabi ni kuya.

"Isipin mo. Kelan mo lang siya nakasama. Wag ka muna maniwala. Keep in mind, he's a superstar, you're just.."

"Just ano? Fan niya? Mahirap lang tayo ganun?" Sabi ko naman.

"Alam mo pala eh.." Sabi naman ni kuya. "Pero kung ako lang masusunod, hahayaan ko lang si Dexter. Pero di ba may trabaho pa siya sa Amerika?"

Tumango ako. Tama din naman si kuya at si nanay. Pero hindi alam ni kuya at ni nanay ang buong pangyayari. Matagal nang alam ni Dexter na may 'something' si Maureen at Daryl.. Gustong gusto ko nang sabihin kay kuya para naman medyo bumango ang pangalan ni Dexter.

Oo, aaminin ko. Gusto ko rin naman na ligawan ako ni Dexter.

Dahil gusto ko rin siya.

Makalipas ang ilang minuto, naunang bumaba si Dexter. "Ay sige, sa'yo na yung flowers. Mauna na ako. May kailangan pa akong asikasuhin." Paliwanag niya.

Hindi na ako nakasagot. Tumingin ako sa bulaklak.

"Ano kaya sinabi ni nanay kay Dexter. Mukhang nagalit si Dexter, o baka natakot?" Tanong ni kuya.

Umakyat ako, at naramdaman ko na nakasunod si kuya.

Nakita ko na nakaupo si nanay sa kwarto ko.

"Nay, dito mo ba kinausap si Dexter?"

Um-oo si nanay, pero mahina lang.

"Nay, anu napag usapan niyo?" Tanong naman ni kuya.

"Hindi ko na maalala. Basta sinabi ko sa kanya na wag niyang sasaktan ang kapatid mo," kuwento ni nanay, tapos bigla siyang tumingin sa akin.

"Anak, ayoko lang na masaktan ka. Sa sitwasyon ninyo, lugi ka. Sana maintindihan mo ako." Sabi ni nanay.

Bigla akong bumaba at iniwan si nanay at kuya sa kwarto ko.

Passport to Lurve (Love) [Completed]Where stories live. Discover now