CHAPTER 11 of 15: "Personal Assistant"

3.7K 66 18
                                    

Nanginig ang buong katawan ko sa sinabi ni Dexter.

Ano daw? He likes me?

"Anung sabi mo?" Tanong ko sa kanya. Gusto ko kasi ulit marinig yung sinabi niya.

Ang sarap kasi sa tenga.

"I said I like you. You're a likable person." Sagot naman ni Dexter.

"Pero, I'm not romantically attracted. I like you.. Again, you're likable. You're genuine, and you're very unique. Pero.."

Nainis yata ako sa sinabi niya -- puro PERO.

"Okay thanks for not romantically liking me," sagot ko naman.

Uupo na lang ako at manunuod ng mga nagsasayaw na artista, sabi ko sa sarili ko.

Pero bago pa ako makalayo kay Dexter eh hinablot na niya ang kaliwang kamay ko -- tapos bigla niya akong hinila.

Sa sobrang lakas ng pagkakahila ni Dexter, wala na akong nagawa. Parang napayakap ako sa kanya.

At napayakap siya sa akin.

Yung kaliwang kamay niya hawak ang kamay ko. Tapos yung kanang kamay niya, nakahawak sa likod ko.

"What's wrong? Bat nanginginig ka? Siguro you like me romantically, ano? Affected ka ba sa sinabi ko?" Sabi ni Dexter habang animo'y nakayakap sa akin.

"Dami mong tanong. At andami mong alam." Sagot ko naman.

Matapos ang ilang segundo, biglang tumigil ang kanta -- at nagsalita ang announcer.

"Look! Our first 'couple hug' on the dance floor! Dexter with .. Wow.. Daryl's ball partner, Miss Ed." Pang-aasar ng announcer.

Biglang dumagundong ang napakalakas na "uuuuuyyy" na may kasamang "woooohhhh" sa malaking hall kung saan ginaganap ang ball.

Ang mga artistang umattend sa ball, inaasar na kami ni Dexter.

Bigla akong napatingin sa kanya. Nakatingin siya sakin. Nakangiti.

Sinubukan kong pumiglas, pero sadyang malakas si Dexter.

"Saan mo gustong pumunta? Katatapos pa lang ang first song. I thought you love this ball? Come on, let's dance." Pang-aasar ni Dexter.

"Hey DJ, please play the most romantic song ever!" Sigaw ni Dexter, at sumagot naman ang announcer, "sure! yung pambansang love song ba?"

"Yes," ang sinagot ni Dexter.

Biglang tumugtog ang 'Thinking Out Loud' na kanta ni 'Ed Sheeran.'

"Anu gagawin natin? Sasayawin natin to?" Tanong ko kay Dexter.

"Yup. Tayo lang." Sagot naman niya.

Kami lang ang natira sa dance floor.

Kinikilig ako. Pero nahihiya ako.

Basta pinikit ko na lang mata ko, at sinabi ko sa sarili ko na "kaya ko 'to."

Hindi ko siya uurungan -- at ipapakita ko na kaya kong sumayaw sa harap ng maraming tao kahit kaming dalawa lang.

But more importantly, dapat kong itago ang kilig.

Pagkatapos ng sayaw, hinatid ako ni Dexter sa upuan. Nakaupo na si Daryl sa tabi ng upuan ko.

"Wow ang galing mo sumayaw ah! Honestly. Parang bagay kayo ni Dexter." Pang aasar ni Daryl, sabay tawa.

Tiningnan ko siya ng masama, pero nag half-smile ako.

Passport to Lurve (Love) [Completed]Where stories live. Discover now