CHAPTER 15 of 15: "Dexter" (Finale)

4.1K 82 22
                                    

MARCH 20, 2014

"Miss, may pag-asa bang mabuhay yung pasyente?" Ang tanong ko sa nurse na naka-duty.

Hindi ako pinansin nung nurse, kaya pilit kong tiningnan ang nametag niya.

"Ah, Miss Espinosa, may pag-asa bang mabuhay yung pasyente?"

Lumingon na sa akin si Miss Espinosa, ang nurse na nasa lobby. Pagkatapos ko kasi maihatid dito sa ospital yung pasyente, eh hindi na nila ako pinansin.

"Artista ka di'ba? Dexter Mercado?" Tanong sa'kin ng nurse. Nakangiti.

May kinakalkal siyang mga papel.

"Sorry Mr. Mercado. Full load kasi ako. Nakita mo naman, mag-isa lang ako dito. May nasagasaan kasing tao sa EDSA kanina. Comatose. At maraming press ngayon dito sa ospital. Hindi ko ma-control." Paliwanag niya.

May naaksidente daw sa EDSA kanina. Nasagasaan. Francis Suarez ang pangalan.

At ang suspek daw eh anak ng kongresista, kaya maraming reporters.

"Ah Miss. Sorry kung makulit ako. Pero yung taong dinala ko dito, nasagasaan din siya. Miss please, gamutin niyo yung tao."

"Sir, si Bernardo Mariano ba yung tinutukoy niyo?"

Tumango na lang ako. Bernardo ang pangalan nung nasagasaang lalaki na hinatid ko dito kanina.

"Kamag-anak ba ninyo si Mr. Mariano?" Tanong niya sa'kin.

"Hindi pero ako yung nagtakbo sa kanya dito kanina." Sagot ko naman.

Naglalakad ako papunta sa kuwarto kung saan naka confine si Mr. Mariano.

Malungkot ako.

Gusto kong umiyak.

Naaalala ko ang araw na namatay ang mama ko. Wala rin akong magawa..

Wala na daw pag asa si Mr. Mariano. Imposible na daw na mabuhay siya. Masyado daw malakas ang "impact" ng kotse sa katawan ni Mr. Mariano. Marami daw natamaang internal organs niya.

Papunta na ako sa room 205. Sa kuwarto ni Mr. Mariano. Andaming tao sa katabing kuwarto. Dun kasi naka-confine yung comatose na nasagasaan ng anak ng kongresista.

Nakaupo ako sa labas ng kuwarto ni Mr. Mariano.

Napansin kong tinitingnan ako ng mga reporters na nakapuwesto sa tapat ng kabilang kuwarto.

"Di ba yan yung tinaggal nung network?" Pabulong na tanong ng isang reporter sa katabi niya.

"Oo, si Dexter Mercado. Ang galing kasi umabsent niyan." Sagot naman nung isa.

Gusto ko silang patulan. Kumprontahin. Awayin.

Pero malungkot ako. Naaawa ako sa mga taong mauulila ni Mr. Mariano.

"These people.. Ugh, waste of my time," sabi ko sa sarili ko.

Makalipas ang ilang minuto, may lumapit sa akin. Si Melody Fagar, isang kilalang reporter at blogger ng isang news website na hawak ng isang network.

Passport to Lurve (Love) [Completed]Where stories live. Discover now