EXTRA CHAPTER: "Si Francis Suarez at si Melody Fagar" (New Book)

3.5K 37 1
                                    

MARCH 20, 2014 

"Nurse, nasaan dito yung room ni Francis?"

Tumingin muna ako sa cellphone ko. Nakalimutan ko kasi yung last name ni Francis, yung nasagasaan kanina sa EDSA. Tinext kasi sa'kin ng editor ko na ako ang mag fa-follow-up sa istorya niya.

"Ah nurse, wait.. Francis Suarez, yung naaksidente kanina."

"Ano po name niyo?" Tanong ng nurse sa'kin habang kinakalkal nito ang records ng ospital.

"Melody Fagar. I'm from ABE News."

"Miss Fagar, nagbilin kasi yung family ni Mr. Suarez kanina na walang papapasuking press sa loob ng kuwarto."

"Nurse naman," ang apela ko.

Tiningnan ko ang name tag niya.

"Ah Miss Espinosa, kasi andito na yung kasamahan ko kanina. Si Vincent Alcala. Nandito din ako kanina. Pero nilipat ata ng kuwarto si Francis."

"Website naman kami Miss. Promise, walang pictures. Puro texts lang.. At saka voice recorder.. I really need an interview with anyone connected to Mr. Suarez."

Tumingin muna sa'kin si Miss Espinosa, at sinabing tatawagan muna niya yung kuwarto ni Francis at tatanungin kung puwede akong pagbigyan.

Pero bago pa makatawag sa kuwarto yung nurse, eh may nakita na akong isang grupo ng press na tumatakbo ng sabay-sabay.

Sigurado akong si Francis ang pakay ng grupo, kaya nagmadali ako para sundan sila.

Tumigil ang grupo sa room 206.

Sigurado akong ito ang kuwarto ni Francis.

Naging malaking balita 'tong aksidente ni Francis Suarez kasi ang nakasagasa daw sa kanya eh anak ng congressman. Nagtatago na ngayon yung suspect, kaya ang atensyon ng buong press, kasama na ang news website namin, eh na kay Francis.

Gustong malaman ng buong Pilipinas kung ano ang nangyari kay Francis. Kung ano ang kuwento niya.

Comatose na si Francis. Akala nga ng maraming tao mamamatay na siya eh.

"Mirakulo ang nangyari," kuwento ng ina ni Francis kanina. Halos maglupasay siya sa harapan mga cameraman kanina nang malaman ang nangyari sa kanyang anak.

Pero masaya pa rin siya at ang buong pamilya nila kasi nabuhay si Francis.

Top trending sa Twitter si Francis.

Andami kasing nagsasabing guwapo daw siya. Pero hindi naman ako naguwa-guwapuhan. Tisoy lang. Saka maganda katawan, nakita ko na sa internet pictures niya.

Nagkakagulo sa labas ng kuwarto ni Francis. Pinilit kong makipag siksikan para mauna sa harap ng pinto, pero sadyang hayok din ang mga kasamahan ko sa press na mauna, at makakuha ng scoop.

Makalipas ang ilang minutong pagbabantay sa harapan ng kuwarto ni Francis eh may napansin akong lalaki na nakaupo sa harap ng katabing kuwarto. Sa tapat ng room 205.

Artista to eh, nalaos nga lang. Dexter Mercado ang pangalan.

Punong puno ng dugo ang damit nito. Napaisip tuloy ako bigla kung anung nangyari..

_____________________

Note from author:

Ang chapter na ito ay nagmula sa bago kong librong "He's From The Past, and I Love Him..", isang mystery-romance fiction novel tungkol kay Melody, isang news reporter, at kay Francis, isang engineer na naaksidente, at ngayon ay comatose..

What if bigyan ng chance si Melody na "makabalik" sa nakaraan para mahalin si Francis? 

"He's From The Past, and I Love Him.." is now available (completed). Just look for the book on my profile page..

.. And please follow me to get all the latest updates of my books! Thanks!

^_^


Passport to Lurve (Love) [Completed]Where stories live. Discover now