CHAPTER 3 of 15: "Coffee Please"

4K 65 10
                                    

Hindi ako sigurado kung maliligo ba muna ako, o lalabas na ng kuwarto para harapin si Tita Baby.

Alam ko kasi na "urgent" ito, kasi never pa na nagpunta si Tita dito sa bahay.

At sa pagkaka-alam ko, hindi naman alam ni Tita Baby ang exact house namin. Sa kanto kami nagpa-baba ni kuya kahapon. Pero, puwede rin naman na nagtanong-tanong siya sa mga kapitbahay naming tsismosa..

Napagdesisyunan ko na maghilamos lang, mag suklay, maglagay ng konting powder -- at harapin na si Tita Baby. Baka kasi kung anu pa ang ikuwento niya kay nanay.

Pababa ako ng hagdan, at napalunok, "uhmm, Tita Baby.." Mahinahon kong sinabi.

"Girl! Good morning! Andito ako kasi..." Sabi ni Tita Baby, pero sumingit agad ako at sinabing "wait lang Tita."

Mahirap na, nakaharap kasi si nanay. Baka kasi tungkol ito sa nangyari kahapon.

"Sa labas na lang po tayo mag usap, na su-suffocate kasi ako dito sa loob, parang mainit kasi ngayon," palusot ko.

Napatingin ako kay nanay. Halatang "curious" siya kung ano ang pakay ni Tita Baby. Pero hindi naman kagaya ng mga kapitbahay namin, si nanay, hindi tsismosa yan. Kaya hindi siya nagtanong kay Tita Baby.

Saka panigurado pag alis ni Tita, tatanungin naman ako ni nanay, at aalamin niya yung bakit dumalaw si Tita Baby.

Nauna akong lumabas, at doon ako pumuwesto malapit sa basurahan, wala na kasing mapuwestuhan.

Nakita ko na nakasunod si Tita Baby sa akin.

"Tita Baby, please naman! Alam mo naman na hindi ko sinasadya yung nangyari kahapon.." Sinabi ko agad sa kanya, kasi sure na sure ako na tungkol ito sa sirang passport ni Dexter.

Tumabi sa'kin si Tita Baby, pero medyo inusog niya yung punong basurahan namin. At doon, nakita niya ang punit-punit na posters ni Dexter.

"Ano to? Ah, okay. Galit ka na kay Boy (palayaw ni Dexter), naiintindihan ko naman."

"Uhm, Tita Baby, sinaltik (naloka) lang ako kagabi kaya napunit ko 'yang mga yan, pero hindi ko naman nilahat. Marami pa ring natira sa kuwarto ko."

Sinipa ni Tita Baby yung isang punit na poster na may mukha ni Dexter, napunta kasi sa kanang paa nya.

Hindi ako sigurado kung galit si Tita sa akin, pero, wala na siguro akong pakialam.. Sinukuan ko na kasi si Dexter.

From now on, pinangako ko sa sarili ko, HINDI NA AKO FAN NI DEXTER.

"Nakausap ko na si Dexter. Pumayag siya na hindi na magdemanda. Pero sa isang kundisyon, mag se-serve ka as one of the personal assistants niya sa concert sa Sabado. Kulang kasi siya ng isang P.A., nilalakad kasi nung isang P.A. yung nasirang passport."

Napangiti ako.. Nagulat.

Wow!

Ang sabi ko sa isip ko, "may bait pa rin pala si Dexter na naitatago." 

Napatingin tuloy ako sa ilang punit na posters niya.

Pero bago pa ako nakapag thank you kay Tita Baby, eh medyo malayo na siya sa kinatatayuan ko.

Hinabol ko si Tita, nakasakay na siya sa kotse. Pero binaba naman niya yung driver seat window nung nakita niya na nakatayo ako sa labas.

"Pasensya na girl. Alam mo naman, 50 years old na ako, at wala akong anak."

Tumingin muna siya sa relo niya bago muling nagsalita. "Parang anak na ang turing ko kay Dexter, at siyempre, nasasaktan ako pag may galit na fan sa kanya."

Passport to Lurve (Love) [Completed]Where stories live. Discover now