CHAPTER 10 of 15: "The Ball"

3.7K 66 9
                                    

Napaupo ako bigla nung masinagan ng araw ang mukha ko. 

Aray, ang sakit ah! 

Nakalimutan ko kasi na nakabukas yung bintana ko. Tutok na tutok ang haring araw sa kama ko.

Napatingin ako sa phone ko, alas diyes na pala ng umaga. 

At kahit parang umiinit na sa kuwarto ko eh hindi muna ako gumalaw mula sa pagkakaupo ko sa kama. Eh kasi naman, hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Dexter bago ako natulog kanina. 

Ako daw ang date niya sa ball?

OMG times ten thousand. An international star will date me. Like, seriously? 

At hindi na ako mag-papaka plastic pa -- "kinikilig ako," as in. At hindi agad siya nag sink-in sa kukote ko.

Actually, I cannot wait to share the news to kuya Royal, na siguradong matutuwa, at si nanay, na paniguradong maiiyak sa galak. Or baka si kuya ang maiyak sa galak kasi alam niyo naman, ang kuya, mahilig sa mga ganyang rampa (events).

Sana maisama ko din sila kuya and nanay, kung puwede. Pag napapanood ko kasi yung ball sa TV, puro sa mga artista lang naka focus -- kaya hindi ako sigurado kung puwedeng magsama ng family sa ball.

Bago kumain, eh nakausap ko si kuya, at si nanay.

Si kuya, the same-old reaction na kunwari eh hihimatayin. Overacting lang. Tapos dapat saluhin ko siya, ganun. 

"Play dead nanaman," pagbibiro ko kay kuya.

"Bakla, ikaw na. Ikaw na talaga! Wala na akong masabi." Pag-iinarte ni kuya na hindi maitago ang kagalakan nang malaman na ang kapatid niya eh a-attend ng isang magarbong ball.

"Masaya ako anak. Biyaya ng diyos yan. Hindi lahat ng tao eh nabibiyayaan ng ganyang pagkakataon." Sabi naman ni nanay na medyo teary eyed.

"So, sino mag aayos sa 'yo? Puwede bang ako na lang?" Tanong ni Kuya.

Kinuwento ko sa kanila na pupunta si Tita Baby dito sa bahay mamaya, at ihahatid ang isang make-up artist at dalawa pang stylists. Yun kasi yung text niya kanina sa'kin.

So in short, ang mga mag-aayos sa akin mamaya eh mga stylists ng mga artista. Kaya kahit papaano, nag e-expect na ako na matatago ko mamaya ang mga blemishes, ang mga sumpa, at kung anu-ano pang bagay na hindi ka aya-aya sa pagmumukha ko.  

"Eh yung isusuot mo?" Dagdag na tanong ni kuya.

Nakangiti ko na kinuha, at pinakita kay nanay at kuya yung black dress (na medyo gown-ish) na binili ni Zonya para sa akin nung nag mall kami bago mag concert si Dexter last weekend.

Naka nganga si kuya at si nanay habang iwinawasiwas ko, at kunyaring suot ko na ang gown.

"Oh diba? Winner?" Medyo pag yayabang ko naman. "Mahal to, gift ni Zonya. Wag niyo nang tanungin kung magkano. Basta sabi niya 'thank you' gift daw niya kasi sinamahan ko siya mag shopping."

Napangiti silang dalawa, at hinawak-hawakan ang gown.

"Naku anak, sayang wala ang tatay mo. Hindi niya makikita na magsusuot ka ng ganyan. Bernardo, ang anak mo! Babae na!" Pagbibiro ni nanay habang nakatingala. 

Nagtawanan kaming tatlo. 

"Nay naman. Sigurado nakikita ni tatay kung anu nangyayari ngayon." Sagot ko naman. 

PAGKATAPOS MANANGHALIAN

Inaantay na namin si Tita Baby. Ala una na kasi, at alas sais ng gabi magsisimula yung ball, dapat five daw ng hapon magkasama na kami ni hon.. Este, ni Dexter.

Passport to Lurve (Love) [Completed]Where stories live. Discover now