CHAPTER 4 of 15: "Contract"

3.9K 53 1
                                    

"Di ba ang usapan niyo ni Tita Baby eh mag se-serve ka as one of my personal assistants?" Medyo galit, at high-pitched na nega statement ni Dexter.

"Hi Dexter! Long time no see man!" Bati naman ng Daryl.

Ngumiti lang si Dexter kay Daryl, pero obvious naman na fake to the highest level yung ngiti na yon.

Kairita 'tong Dexter na 'to. Kaya tumingin na lang ako kay Daryl, and then nginitian ko siya.

Biglang tinanggal ni Dexter ang sumbrero niya at hinila ang kamay ko.

Medyo natapon pa yung kape ko kasi nasagi ko..

Apparently, nagtinginan ang mga tao sa coffee shop. Yung isang girl na pasosyal na laging may letter "R" sa words niya, narinig kong sinabi na, "OMG, what's happening to them. Kaloka!"

Ang arte.

Hinila ako ni Dexter hanggang makarating kami sa tapat ng restaurant na katabi nung coffee shop..

Ang higpit ng hawak ni Dexter sa kaliwang kamay ko. Nasasaktan na ako, kaya hinampas ko ang kamay niya gamit ang kanang kamay ko.

"What the-- anu bang problema mo? Bagay na bagay talaga kayo ng girlfriend mo, parehas kayong nega. Saka mahilig kayo sa public scandal!"

Lalo tuloy dumami ang nakatingin sa amin after I shouted the word "scandal."

Tarantado din ako, alam ko. Kahit medyo sosyalan tung lugar na 'to, marami pa rin tsismosa dito -- walang pinipiling estado ng buhay ang makating dila, kaya dapat hindi ako sumigaw.

"Tao lang po, naiirita rin," sabi ko sa sarili ko.

At habang nasa kalagitnaan ako ng debate sa loob ng utak ko, eh naramdaman ko na nilapit ni Dexter mukha niya sa mukha ko.

Kainis!

Kahit galit ako sa kanya eh may konting kilig akong naramdaman. 

Yung soft cheek niya, naramdaman ko talaga na dumikit sa cheek ko na medyo malagkit na kasi pinagpawisan ako kanina after nung incident with Maureen.

Goodluck face with baby powder na nabasa ng pawis!

Naramdaman ko sa tenga ko ang mainit na hanging lumalabas sa bibig ni Dexter. Halatang hinihingal siya. Parang katatapos lang niya tumakbo. 

Tapos, bigla siyang bumulong. "Please don't make a scene here. Pinapatawag ka ni Tita Baby. Just come with me. And please, isara mo yang bunganga mo na mas malaki pa sa parking lot ng Mall of Asia." 

Aray. Pero totoo naman mga sinabi niya, nakakahiya talaga yung ginawa ko.

Secondly, malaki talaga bunganga ko, parang bunganga ng balyena. Aminado naman ako.

Hinila ko pa rin kamay ko -- Binitawan naman niya. At sumenyas na ako na mauna na siyang maglakad.

"Shoo shoo" ang nasa isip ko na animo'y  bumubugaw ng isang malaking bangaw.

Habang naglalakad kaming dalawa eh napansin kong lumilingon siya, pero pasimpleng lingon lang sakin. Nakita niya na nakasunod naman akong naglalakad.

Wala kaming eye contact, pero napansin ko na napatingin siya sa sapatos ko na may mantsa ng kape.

Hindi ako sigurado kung ang kape na ito eh galing dun sa pag iinarte ni Maureen kanina, o sa bagong eksena ni Dexter sa harap ni Daryl.

Habang naglalakad kami, biglang pinatugtog yung first single niya..

"Now and forever.. until the time is through.."

Kinilig nanaman ako, pero hindi puwedeng magpahalata. Nakakahiya na, matapos ko siyang awayin eh kikilig-kiligin ako. Ano yun, baliw?

Passport to Lurve (Love) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon