CHAPTER 2 of 15: "Behind Bars?"

4.9K 66 8
                                    

"Sorry sir pero hindi na po 'to puwedeng gamitin. Sabihin na lang natin sa agency na i-ayos ang passport ninyo, para mapalitan after three weeks," paliwanag ng lalaki na kausap ni Dexter.

"Three weeks? Nagpapatawa ka ba? One week lang ako dito sa Pilipinas. Ano gagawin ko dito? I need to go to the U.S. before the end of this month, I have commitments there," medyo pasigaw na sagot ni Dexter habang hawak hawak ang sirang pasaporte.

"Wala na tayong magagawa dyan sir, sira na talaga. Kukunin ko na 'to para ipadala sa immigration. Nakausap ko na rin yung contact ko doon sa U.S. embassy, sila na daw ang bahala. At saka, kilala ka naman nila, kaya sana ma-expedite yung process," sagot ng lalaki.

Tumingin sa'kin si Dexter habang inaabot sa lalaking kausap niya ang gutay-gutay niyang passport.

Halatang galit siya sa'kin, hindi lang niya pinapahalata. Sa tagal na kasi na kilala ko si Dexter, I mean, sa pag "follow" ko sa life niya -- eh alam ko kung galit siya, o di kaya naman eh masama ang loob niya, o malungkot.

Nung namatay yung nanay ni Dexter, more than two years ago, eh sumunod din ang pagkamatay ng showbiz career niya.

Sa mga television interviews niya nung tinatanong siya tungkol sa nanay niya, kahit miles apart kami sa isat isa, eh damang dama ko yung lungkot niya. Yung galit niya. Yung inis niya. Yung sakit na naramdaman niya sa pagkawala ng nanay niya.

Balita ko nga, lagi daw siyang late sa mga tapings -- hanggang yung regular noontime weekend concert show niya sa TV, tinanggal siya. Hindi lang daw siya late lagi, napakarami pa daw niyang absent.

Pagakatapos ng pagkawala nung noontime show, nabalitaan ko din sa manager ni Dexter na hindi na ni-renew ng network yung kontrata niya.

Ang saklap! Namatayan na nga ng nanay, pati career, dead din!

Galit na galit kaming mga fans nung time na yun. Nagbanta pa kami na i-bo-boycott ang buong network -- pero wa-epek (walang effect).

Of course, galit na galit din si Dexter sa pangyayari, kasi alam niyang hindi na niya laging makikita or makakasama si Maureen -- ang kanyang ultimate crush simula pa lang nung bata sila.

From a weekend kids show, hanggang sa nagdalaga at nag binata sila, crush na crush ni Dexter si Maureen -- pero never na nagtambal sila sa isang movie or a TV project after nung kids show nila. Wala daw kasi silang chemistry on-screen sabi ng mga network bosses.

"Walang kilig." Sabi nung isang network producer na nagpa interview sa isang radio station. "Hindi bagay si Dexter kay Maureen, masyadong maganda at magaling umarte si Maureen," dagdag pa nung isang TV director.

Si Maureen naman, hanggang ngayon, eh sikat na sikat pa rin -- dalawa sila ni Daryl Marquez, yung loveteam niya. Ang taas ng ratings nung una nilang teleserye, tapos nasundan pa -- at top-rated ulit.

Sila na nga ang binansagang "king and queen of primetime." Isang napakalaking achievement.

Tapos, ayun si Dexter, walang trabaho sa network na nagpasikat sa kanya.

Hindi naibalita yung dahilan ng pagkamatay ng nanay ni Dexter. Ang sabi ng ilang fans, cancer daw ang ikinamatay. Yung iba naman, ang kinakalat na tsismis eh nag suicide daw.

Pero ang sigurado, nasaktan talaga si Dexter ng sobra, na sa sobrang sakit, eh napabayaan niya ang mga trabaho niya.

Palipat-lipat si Dexter ng network after siya ibasura ng home network niya. Sa ibang istasyon, mostly bit roles lang naibibigay sa kanya. Minsan naman, parang extra na lang roles niya -- pero push pa rin ang lolo mo para na rin sa kinabukasan ng nag iisa niyang kapatid, si Zonya, at ng tatay niya na balita namin eh may sakit na rin.

Passport to Lurve (Love) [Completed]Where stories live. Discover now