CHAPTER 6 of 15: "The Concert"

4.2K 59 0
                                    

Hawak pa rin ni Daryl ang kaliwang kamay ko. Aaminin ko may naramdaman akong konting kilig kay Daryl nung sinabi niya na nililigawan niya ako.

Sino naman ang hindi kikiligin? Si Daryl yan noh, isa sa pinaka sikat na artista ng Pilipinas. Yung tandem nila ni Maureen, marami nang blockbuster hits, dalawang high-rated teleseryes tapos dalawang movies na parehas na above "200 million" Pesos ang kinita.

Alam kong walang girlfriend in real life si Daryl. Marami ang na-lilink sakanya na ibang artistang babae, pero "denied" lahat on cam. Hindi ako sure kung may mga na-date talaga siya sa kanila.

Napatingin ako kay Dexter, hindi ko alam kung nandiri siya sa narinig niya o nairita, basta nakatingin siya kay Daryl. Nung napansin ni Dexter na nakatingin ako sa kanya, eh napatingin siya sa'kin.

Umiwas ako ng tingin, kaya napatingin ako sa buong kwarto. Nakatingin sa aming tatlo ang lahat ng tao sa studio, kahit si Tita Baby na may katabing foreigner, isa sa mga team members ata ni Dexter from the U.S. 

Lahat ng dancers ni Dexter nakatingin sa amin -- sa akin -- at aba, pati na rin yung matandang janitor, at nakangiti pa. Anu to kinikilig?

"Fine, bagay naman yang 'fan' na yan sa'yo. Bagay na bagay kayo," sambit ni Dexter, sabay talikod samin. 

Nakatalikod na amin si Dexter, pero nagsalita pa rin siya, "pero may utang pa rin sakin yan, kailangan niyang mag-serve as one of the staff members ng concert ko. So kahit maging kayo, hindi pa rin siya puwedeng umalis sa puder ko."

Binitawan na ni Daryl kamay ko. Napatingin ako sa wall clock sa kanang bahagi ng studio, 8 PM na.

"Alis na ko, bro." Sabi ni Daryl sa nakatalikod pa rin na Dexter na animo'y nakaharap sa mga dancers, pero hindi naman sila nag pra-praktis. Nakatingin pa rin sa amin yung ibang dancers.

"Sama ako," sabi ko kay Daryl. Nagbago bigla mukha ni Daryl. Parang gusto niya sabihing "bakit?"

Hindi umimik si Daryl. 

"Si Dexter. Gutom na'ko. Balik na lang ako. Promise." Sinigaw ko, pero hindi tumingin sa'kin si Dexter.

Pero totoo yun, nagutom talaga ako bigla.

Nauna si Daryl lumabas, sinundan ko siya. Gusto ko siya tanungin kung bakit niya sinabi yon. Feelingera lang, malay niyo bet (gusto) niya ako. Oh di ba? Kahit alam ko namang hindi ako kagandahan.

Nauuna sakin maglakad si Daryl. Nakasunod ako mga two meters sa likod niya. Wala masyadong naglalakad sa hallway.

"Huy, 'bat mo sinabi yon?" Tanong ko sakanya.

"Wala na'ko nasabi. Pasensya na."

Tinabihan ko siya habang naglalakad. Sinabi sa'kin ni Daryl na pag nawala si Maureen sa buhay niya, mawawala din career niya. "Marami pa akong kailangang buhayin. Hindi ko pa napapatayo sarili kong bahay," paliwanag niya.

"Feeling ko matagal nang alam ni Maureen na magpapa audition ang kabilang network para sa bagong ila-loveteam kay Dexter." Kwento ni Daryl habang palabas kami ng building.

Kumita talaga yung last 'serye ni Dexter sa new network niya. "Kinawawa" talaga yung 'serye ni Daryl and Maureen na tinapatan. Kung lilipat si Maureen sa network ni Dexter, panigurado, hindi na sila mag papa audition. 

Maureen is Maureen, siya ang "queen of primetime" ng network nila ni Daryl.

"Alam mo naman na bagsak ratings nung 'serye namin ni Mau na tinapatan ng 'serye ni Dexter last year? Di ba? Imagine kung magkasama na sila sa isang 'serye, sa isang network. Patay na career ko pag nangyari yun.. At mawawala ang lahat ng pinag hirapan ko." Paliwanag ni Daryl.

Passport to Lurve (Love) [Completed]Where stories live. Discover now