CHAPTER 7 of 15: "Fans and Haters"

3.6K 57 4
                                    

Ini-speaker phone ko muna yung cellphone ko, bago ko inabot kay Dexter. Gusto ko rin kasi malaman kung ano ang sasabihin ni Maureen sa kanya.

"Girlfriend po ninyo, sir.. Galit nanaman," sabi ko, bago ko inabot yung telepono.

"I'm driving," sabi ni Dexter sa'kin, na para bang ayaw niyang kausapin si Maureen. Pero nag hello na rin siya nung narinig niya na naka speaker phone. 

"Hello? Hello hon?" Sabi ni Maureen sa kabilang linya.

Hindi nagsalita si Dexter, kaya muling nagtanong si Maureen. 

"Asan ka ba? Kanina pa ako tumatawag sa'yo. Kung hindi pa ibibigay ni Daryl phone number ng fan mo, hindi kita makakausap."

At hindi pa rin sumagot si Dexter. 

Napaisip ako bigla. Si Daryl ang nagbigay ng phone number ko? Kaso, naalala ko bigla na tinawagan na ako ng lawyer ni Maureen -- kaya sigurado akong nagsisinungaling lang si Maureen.

Makalipas ang ilang segundo, sumagot na rin si Dexter. 

"I'm on my way to the concert venue. I need a personal assistant. Si Edna lang ang available." Sagot niya.

Natuwa ako -- slight -- kasi alam na pala ni Dexter ang name ko. Pero s'yempre hindi ako makapag bunyi ng todo kasi hindi ko gusto ang mga nangyayari.

At ang kinatatakutan namin ni Kuya Royal, nangyayari na..

Marami na akong bashers (nang aaway sa internet).

Maraming fans ni Dexter ang nakakita sa'min kanina na magkasama, dun sa labas ng coffee shop. At nakita rin nila na magkasama kami ni Dexter sa kotse -- kaming dalawa lang.

Sikat na sikat si Dexter, kaya mabilis kumalat ang tsismis about sa kanya, lalo na sa internet. Isang post lang sa Facebook at Twitter, marami na agad makakakita, mag-she-share, at mag co-comment -- kahit di naman nila alam ang buong kuwento.

"Ang dami na nagpopost sa internet ng pictures nyong dalawa niyang P.A. mo. Ingat ka baka pagkamalan kayong dalawa," sabi ni Maureen na tawa ng tawa, halatang nang iinsulto, pero hindi naman niya alam na naka speaker phone. 

Hay, ewan ko sa babaeng yan.

"Here's your phone." Sabi ni Dexter, sabay abot sakin. Hindi ko nakita kung siya or si Maureen ang nag baba ng call, but I don't care. Ang gulo ng relasyon ng dalawang to.

Pero lahat naman ata ng artista-to-artista relationship magulo -- karamihan nag hihiwalay after ilang years. Gaya ni Cesar Montano saka Sunshine Cruz. Si Gabby saka Sharon.. At marami pang iba. Yung iba naman, nagpapanggap na magkarelasyon para pag usapan. Mga sinungaling.

Gusto ko nang sabihin kay Dexter yung tungkol sa pag "oober da bakod" ng network ni Maureen. Pero parang ayaw ko pangunahan si Daryl.

"Sasabihin ko na ba?" Tanong ko sa sarili ko.

Wala nang traffic, mag a-alas dose na rin kasi ng madaling araw.

Pagdating ng kotse sa parking space ng "arena" sa Pasay kung saan mag co-concert si Dexter, eh may dumating agad na mga security guards.

"Welcome Sir Dexter." Sabi nung isa. "Welcome, ma'am." Sabi naman nung isa sa akin. Nginitian ko yung mga security guards. Si Dexter ngumiti din.

Sinundan ko lang si Dexter. Mula sa gate ng arena, hanggang sa backstage, at sa VIP room na gagamitin niya. Nakalagay na lahat ng props, at andami pa ring tao -- mga nag aayos ng signage, mga ilaw, at kung anu-anu pa.

Napatingin ako sa general admission area, naalala ko kasi nung last concert ni Dexter, doon ako nakaupo. 

Dati, pangarap ko lang na makasama siya. Ngayon, kasama ko na, pero hindi naman ako enjoy. Okay, may konting kilig, pero hindi ko masasabi na "happy" ako.

Passport to Lurve (Love) [Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora