CHAPTER 5 of 15: "Love Team"

4.2K 63 7
                                    

Rinig na rinig ko ang sigawan ng mga tao sa labas ng bahay namin habang sinusuklay ko ang medyo basa ko pang buhok. Obviously, katatapos kong maligo, at magbihis.

"Daryl! Daryl!" Sigaw ng mga tao sa labas.

Ang ingay ng mga kapit bahay namin.

Tanaw ko mula sa bintana ng kuwarto ko ang may higit kumulang kwarentang tao na nasa harap ng bahay namin. Nagsisiksikan.

Naisip ko tuloy bigla na "sana hindi mabasag yung mga paso ni nanay" na nakapatong sa taas ng medyo makapal naming bakod.

Teka, ang nanay ko pala? Sabi niya kasi sa'kin eh aakyat siya para i-abot yung sneakers ko.

Hindi gaya kahapon -- hindi ko kayang magpakita kay Daryl na hindi pa ako naliligo o naka ayos man lang. Kay Tita Baby, keribels (kaya ko), pero kay Daryl, never!

Kaya pinag-antay ko sila sa sala, at naligo ako agad.

Siyempre, nahihiya ako noh. Matinee idol yun! Kahit hindi ko siya type, may konting kilig pa rin tuwing nakikita ko siya.

"Hindi ka pa ba bababa dyan Edna?!" Pasigaw na tanong ni nanay na nasa baba at nililibang ang aming bisita. Halatang masaya ang nanay ko, nakita na kasi niya si Daryl ng personal -- ang kanyang iniidolo.

Hay buhay nga naman -- kahit pala puro ka letsehan ang nangyari sa'kin netong nakaraang linggo, eh may katuturan din naman. 

At least di'ba? Nakita na ni nanay ang idol niya ng personal.

THANK YOU LORD!

Hindi na inakyat ni nanay yung sapatos ko, kaya napagdesisyunan ko na bumaba na lang na naka tsinelas -- pero nagtago ako sa gilid ng hagdan.

"Nay yung sapatos ko?"

Narinig ni nanay yung sinabi ko, kaya agad niyang kinuha yung sapatos ko na nakalagay sa gilid ng sofa. 

Umupo ako sa gilid ng hagdan para isuot yung sapatos. Mula sa kina-uupuan ko, nakikita ko si kuya, si Tita Baby at si Daryl na nagkukuwentuhan -- habang si nanay eh naglalakad patungo sa kinauupuan ko.

"Anak, ang guwapo ni Daryl sa personal. Kasali pala siya sa concert, 'bat hindi mo nabanggit sakin?"

"Ah ganun ba 'nay? Baka bagong dagdag lang siya, hindi ko alam na mag pe-perform pala siya."

Parang sumimangot si nanay, "eh hindi naman siya mag pe-perform anak. Sa backstage lang daw siya, staff din daw."

"Ha?" Tanong ko sa sarili ko.

Anong pinagsasabi ng lalaking ito. Siguro binobola niya si nanay.

"Tara na. Hoy 'kaw Daryl ha, hindi mo sinabi sa akin na sasama ka kay Tita Baby. Hindi ka busy?"

Natawa si Tita Baby.

Kinuha ni Tita Baby yung bag niya na nakapatong sa katabi niyang upuan, bago siya tumayo.

Uminom muna ng kape si Daryl -- kape na halatang tinimpla ni nanay para sa kanya -- bago siya tumayo sa kinauupuan niya. Aba 'tong lalaking to, ginamit pa ang paborito kong baso. 

"Wala kasing taping ngayon. May contract signing ka daw ngayon sabi ni Tita? Artista na yan!" Pabirong sinabi ni Daryl.

Hindi ko alam kung nauulol na rin 'tong si Daryl. Natawa tuloy nanay ko -- contract signing? 

"Haha. As if maniniwala ang kuya saka nanay ko sa'yo, Daryl." Sabi ko sa sarili ko. 

"Alis na po kami. Salamat Royal saka nanay Jovita. Thank you po sa kwentuhan." Pagpapa-alam ni Daryl. Nauna siyang lumabas. At paglabas na paglabas pa lang niya ng pintuan ng bahay, eh nag sigawan na mga tao.

Passport to Lurve (Love) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon